FRRF 2

4.2K 157 8
                                    

"Excuse me? Where's the office of the CEO?" Mataray ma tanong ko sa isang babaeng nakita ko.

"15th floor po." Takot na sabi niya.

Tinalikuran ko lang siya agad. Walang thank you-thank you. Badtrip ako e.

Paglabas ko ng elevator sa 15th floor ay may nabungaran akong isang mahabang pasilyo.

Pagkanan mo sa mahabang pasilyo ay may secretary. Dito na siguro yung office niya.

"Where's the CEO?"

"Do you have an appointment with him maam? May I have your name po?" Naka-smile siya sakin pero dahil nga beast mode ako e tinaasan ko lang siya ng kilay. Mukha naman siyang napahiya at natakot.

"I don't need to ask for a schedule from you." Taas noo kong sabi at nagsimula ng maglakad papasok ng opisina.

"Pero maam-"

"Pigilan mo pa ko, I'll make sure na mawawalan ka ng trabaho." Hala naman ang takot sa mukha niya. Nakaramdam tuloy ako ng guilt. Joke lang naman yun e. Sino ba naman ako para magkaroon ng karapatang ipatanggal siya diba? Magsosorry na lang ako sa kanya mamaya. ✌✌

At dahil sa takot niya nga ata sakin, hindi na niya ko pinigilang pumasok sa loob.

Isang lalaking nakatalikod at may kausap ang naabutan ko.

Bakit parang pamilyar ang likod niya? Tapos yung boses pa, ang sexy. Parang narinig ko na ng paulit-ulit? Nagkakilala na kaya kami?

"Ikaw?!" Gulat na gulat tanong ko sa taong nabungaran ko sa opisinang ito.

"Bakit Maine? Miss na miss mo ba ko kaya ka nagulat ng ganyan?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Ako mamimiss ka? Asa ka pa!"

"So what brought you here?"

"Gusto ko lang naman itanong sa walang pusong may-ari nitong publishing house kung bakit rejected lahat ng manuscript na pinasa ko?!"

"Dahil siguro walang puso din yung nagsulat." Tsaka siya tumawa ng mahina.

"Asshole! Ang sabihin mo sinadya mo lang i-reject yung mga yun para galitin ako at puntahan ka!"

"Dream on babe."

"Ang kapal mo talaga!" Mabilis akong lumapit sa pwesto niya at balak hampasin ang kanyang dibdib pero agad niya kong naunahan dahilan para mapahiga ako sa office table niya.

Juskooo. Ang lapit na niya!

Isang dangkal na lang yung lapit ng gwapo niyang mukha sakin..

Titig na titig ang mga mapupungay niyang mga mata..

Perfect shaped naman ang matangos niyang ilong..

At siyempre, mawawala pa ba ang mapupula niyang mga labi na parang kay sarap halikan..

What? Halikan? No way!

Itutulak ko na sana siya palayo ng isiniksik niya pa ng kaunti ang katawan niya sakin.

"Do you really want me to publish your stories Maine?" Bakit parang nang-aakit yung boses niya? Ugh! What the heck is happening with me?

"Y-yes.. Alden.." Napalunok kong sabi.

Bakit ba ko kinakabahan?

"Then attend the seminar."

"What! What seminar?" May seminar pala sila bakit di sinabi agad sakin?

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloWhere stories live. Discover now