FRRF 5

3.7K 136 8
                                    

"Hoy Alden ang tagal mo naman! Ikaw ba babae sating dalawa? Pa-chix e." Naiirita na ko. Kanina pa ko naka-ready sa lakad namin pero siya pa tong hindi tapos? Aba! Ano yun naglagay pa ng make-up. Psh.

"Ayan na! Impatient Maine." Rinig kong sigaw niya mula sa kwarto.

Maya-maya lang narinig ko ng bumukas yung pintuan ng room niya. "Bakit ba kase napakata-" Jusko. Ang gwapo ni Alden! Ehmeygehd. Talaga bang naging ex ko tong greek god na to?

"Oh natameme ka diyan? Gwapo ko no?" Sabi niya sabay kindat.

"Gwapo your face! Jusko. Ang tagal mo nag-ayos, ang panget mo pa din?" Pagtataray ko kahit na gusto ko na lang siyang lapitan at titigan.

"Sus. Kunwari ka pa diyan. Ready ka na?"

"KANINA PA!"

"Chill. First date natin, ang sungit mo agad? Sorry na okay? Let's go?" Inilahad niya sakin yung braso niya.

Wooh! Okay Maine. Seminar lang to. Wag kang magpapaapekto sa kanya. Fake relationship lang to kaya dapat pag-ingatan ang feelings. Basta para to sa carrer mo as a writer.

Huminga muna ko ulit ng malalim bago inabot ang nakalahad niyang braso. "Tara na." Naka-smile na sabi ko sa kanya.

Naglalakad na kami palabas ng huminto siya. "I forgot my wallet."

"Ano ba naman yan! Ang tatagal mo na nga eh may nakalimutan pa! Kaasar!" Inis na inis na sabi ko.

"Can you get it for me?"

"What?! Pinaghintay mo na nga ako, uutusan mo pa? Masaya ka."

"Sige na please? I need to call my sexytary-" Pinanliitan ko siya ng mga mata. Aba! Manliligaw ko siya ngayon kaya tigil-tigilan niya yang kalandian niya sa iba. "I mean my secretary to cancel all my appointments today since I HAVE A DATE." Ngumisi pa siya.

"Fine! Siguraduhin mo lang na sa mamahaling restaurant mo ko papakain dahil gutom na gutom na ko! Hmp. San ba nakalagay?"

"Nasa bedside table ko." Tinalikuran ko na siya agad at nagtungo sa kwarto niya.

Yaya ata ang kailangan nito hindi girlfriend e.

Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan sa kwarto niya ay napatigil ako..

Umuulan ng petals!!!!

"Roses for my beautiful babe?" He smiled.

Waaaaah! Kaya ba ang tagal niya lumabas kanina because he's preparing this surprise?

Out of the blue, napayakap ako sa kanya! Gustong-gusto ko kase talaga ng red roses. Ewan ko ba whenever I see red roses, naluluha na lang ako. Lalo na pag may nagbigay sakin. I feel so loved and appreciated siguro.

"Hindi na mainit ulo mo?" Bulong niya sakin na talaga namang nagpaangat ng mga balahibo ko.

"You've been preparing for this?" I asked.

"Yes. Natagalan nga ako since hindi ko alam kung paano ko papabagsakin yung mga petals when you open the door."

"Bakit kase hindi mo na lang ako inabutan ng roses?" I asked, STILL HUGGING HIM.

"Kase itong mga petals na nahulog para sayo ay parang pagmamahal ko, napakarami. Unlike pag binigyan lang kita ng isang rose or boquet, madali mo lang mabibilang. Eh hindi ganun ang pagmamahal ko para sayo. Hindi ito yung tipong he loves me, he loves me not na madaling maubos, yung akin kahit matagal pa, hindi mawawala. Mananatili lang tong tumitibok para sayo." Waaaaah! Shems. Kinikilig akoooooo.

Hinawakan niya yung pisngi ko. "Hindi kita mamadaliin. I'm willing to wait pero dapat 1 month lang kitang liligawan ha? Three months lang yung seminar e. Hahaha." Kumindat pa siya sakin.

Haaaay. Oo nga pala, SEMINAR lang to. Palabas lang lahat. Kunwarian lang.

"Natahamik ka na? Sa saya ba yan o sa kilig?" Nakangitimg untag niya sakin.

Pinilit ko na lang ngumiti kahit na gusto kong sabihing sa lungkot. "Asa ka pang kinikilig ako sayo! Hahaha."

"Sus. Pakipot pa. Alam ko namang deep inside kilig na kilig ka na at gusto mo na kong sagutin e." Kumindat pa siya sakin.

"Ewan ko sayo." Hinampas ko siya sa braso. "But seriously, thank you sa roses." I sincerely said.

"You're always welcome babe. Asahan mong hindi pa to ang huli. Umpisa pa lang to kaya dapat masanay ka na. Forever kitang susurpresahin." He even hugged my forehead.

Forever? O three months?

What if I let this 'seminar' work? Tutal I still love him. Why don't I give it a try? Who know, ma-inlove ulit siya sakin?

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloDove le storie prendono vita. Scoprilo ora