FRRF 39

2.5K 94 15
                                    

"Babe. Antahimik mo naman diyan." Kinurot ni Alden yung pisngi ko.

"Wala. May iniisip lang ako." Sabi ko naman.

"Yung kasal ba?" Nalungkot ako lalo sa tanong niya.

"Hindi babe." I tried to fakes a smile.

He parked his car sa may labas ng isang restaurant. "Babe." He said as he held my hands. "Alam kong ayaw mo talagang makasal ako sa kanya.." He wiped my tears. Di ko napansing umiiyak na pala ko. "Just say it. Hindi ako sisipot bukas."

"N-no." Umiling ako. "Honestly, it's hard babe. Ang hirap. Ang sakit. But you have to do it. You need to marry her." Dito di ko na napigilan sa pagbuhos ang luha ko.

When I decided to let Alden marry Shaira, ayaw niyang pumayag. Nagmatigas talaga siya na ako ang papakasalan niya. Pero sobra na e. Umalis ma lahat ng investors and stock-holders sa kompanya niya. Even his family, wala ni isang tulong na ibinigay yung mga magulang niya. Sa akin namin, wala akong malalapitan. Kahit na unti-unti ng bumabagsak ang negosyo niya, naging matatag pa rin yung desisyon niya na ako ang babaeng papakasalan niya but something happened.

One time ng papunta ako sa company ni Alden, someone tried to kill me! Pagsakay ko ng taxi, iniliko kung saan-saan ng driver yung sasakyan then dalawang nakaitim na lalaki ang sumakay sa tabi ko.

Tinutukan ako ng baril ng isa sa kanila at tinakot ako na kapag hindi daw pinakasalan ni Alden si Shaira, mapapahamak ako at ang buhay ng anak ko. And that moment, I came up with a decision. Kung noong una, iniisip ko pa lang yun. Ngayon desidido na ko. I told him what happened at balak niya sanang sugurin si Mr. Sy pero pinigilan ko siya. Ayoko siyang mapahamak. Ayoko ring mapahamak yung magiging anak namin kaya he needs to marry her kahit sobrang sakit sakin.

"Babe. I know it hurts and I'm very sorry. Kung hindi dahil sa katangahan ko hindi tayo magkakaproblema ng ganito. I'm very very sorry." He said as he kissed my tears away.

"Shh. Hindi mo naman kasalanan lahat babe. Hush now. We just need to be strong." I kissed him.

After this day, people will look at me like a mistress. Sa mata nila isa akong napakasamang babae na nang-aagaw ng asawa ng may asawa. Maybe they know my name but not my story. I wish people won't judge others as if they are too perfect.

"Hinding-hindi kita papabayaan Maine. I promise that. I love you so so much and it kills me seeing you in pain like this."

"J-just don't look at me babe." I said and tried to smile. "Isipin mo tears of joy ito."

"Let's enjoy this day babe?" I nodded.

"Last day mo ng binata." I tried to joked but sumimangot lang siya.

"I'm sorry." He said again. "Tara. Let's date!" Masayang sabi niya tsaka bumaba ng sasakyan.

"Kakain ba tayo?"

"Yes. Lunch time na at baka gutom na si baby." Hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming naglakad papasok sa loob.

"Good Afternoon Sir and Maam. This way po." Sinundan lang namin yung waiter na sumalubong samin.

"Hindi pa naman ako gutom babe e." Bulong ko sa kanya.

"Baka ikaw hindi pa gutom pero yung baby natin, gutom na." Waaah. Kinikilig pa din ako kapag sinasabi niyang baby natin.

"Pero-"

"SURPRISE!" Wow! Andito lahat ng barkada siyempre except kay Shaira no.

"Ano to? Party bago mag-asawa tong si Alden?" Natahimik naman sila. "Hoy guys wala akong ibig sabihin no. Tanggap ko na kaya!" Talaga ba?

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloМесто, где живут истории. Откройте их для себя