FRRF 49

2.6K 82 8
                                    

#FRRF49

One week na ko dito sa Baguio. Dito ako dumiretso after that day na nagtalo kami ni Alden. Ewan ko ba kung bakit dito ako napadpad. Napadaan kase yung taxing sinasakyan ko sa terminal ng bus na papuntang Baguio kaya I decided to go here. Nakakita ko ng isang trancient room. Daily basis ang bayaran dito unlike sa hotels na per hour ang rate. Hindi ko afford mag-hotel ngayon e. Low budget kase e. Alam niyo na hindi ako prepared diba? Kaya ayun kung magkano lang pera kong dala, yun lang pinagkakasya ko.

"Ale saan po may atm machine dito?" Tanong ko doon sa nagtitinda ng cotton candy.

"Ay doon sa labas ng ospital ine meron ata." Turo niya doon sa isang hospital hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Mga isang kanto ang layo mula dito.

"Salamat po. Pabili nga po pala ko ng isang cotton candy." Para kong naglalaway ng makita ko yung cotton candy e.

Nagpasalamat na ko atsaka dumiretso dun sa itinuro niyang atm machine.

Halaaaa. 3 thousand na lang yung pera ko sa bank. :( 300 per day ang upa dun sa room. Pano na ko nito? Gagastos pa ko sa pagkain. Grabe pa naman ano magtakaw ngayon. As in lamon ang ginagawa ko e.

Papaalis na sana ako ng mapatigil ako dahil sa paparating na ambulance. Agad nagkagulo yung mga tao sa paligid kaya hindi ako makaalis. Baka mamaya matamaan pa yung tiyan ko, edi kawawa si baby ko.

Naglabas agad sila ng stretcher at napanganga ko ng makita kung sino ang isinugod dito.

"Oh my god." Tanging nausal ko at nakipagsiksiksan palapit doon sa pasyenteng pinagkukumpulan nila.

"Excuse me." Hinawi ko yung mga tao. "What happened to him?!" Hysterical kong tanong.

"Maam kilala niyo ho ba ang pasyente?"

"Yes. Clark is my friend."

"Sumunod na lang ho kayo sa loob. Kailabgan na hong magamot agad ng kaibigan niyo."

Agad nila itong isinugod sa loob ng emergency room. Naiwan naman ako sa labas.

''Anong nangyare sa kanya?" I asked.

"Overspeeding siya maam. Nabangga po siya sa isang truck."

"Is he going to be fine?" I asked.

''Gagawin ho namin lahat ng aming makakaya para magamot siya. Pakipirmahan na lang ho nito." Binigyan niya ko ng form at sinulat ko lahat ng details ni Clark.

''Here. Please do everything to save him." I pleaded. "Can you please inform his parents on what happened."

"Yes maam."

Umupo na ko sa labas ng emergency room para madali kong makita yung doctor na gumagamot sa kanya. Abot-abot ang panalangin ko na okay siya. He's been a very good friend of mine kaya sobra talaga yung pag-aalalang nararamdaman ko.

"Excuse me maam. Kayo po ba ang kasama ni Mr. Sison?" Tumango ako. "Ito nga po pala yung mga gamit niya." Inabot niya sa akin ang isang clear plastic bag.

"Thanks." Tinanggap ko naman ito at binuksan. I need to contact Alden diba wala akong phone? Remember iniwan ko yun kay Matt? Kaya ayun 1 week na kong walang contact sa kanila. Hindi na rin naman na ko galit dun e, tampo lang. Di man lang niya ko hinahanap. Siguro busy siya kay Shaira. :(

Pagkakuha ko nung phone niya may biglang sumabit na papel at nahulog ito sa floor. Nahirapan pa nga akong pulutin to dahil medyo mataas yung upuan na inuupuan ko mabuti na lang may nurse na dumaan sa harap ko kaya siya na ang pumulot para sakin.

"Thank you." I said at pinatong ko muna to sa lap ko. I dialled Alden's number.

After ilang rings may sumagot na. And wait... boses ni Shaira? So nagkakasama pa din sila hanggang ngayon. Nanlumo ako sa nalaman.

Mehehe. Joke lang po. Si Alden ang sumagot. "Hello Clark? Ang tagal mo ng qnawala a. San ka ba nagpupupunta? Btw, I'll call you later. Kausap ko pa kase yung private investigator e. Alam mo bang nawawala si Maine? Osiya mamaya na lang." Ibababaa na sana niya yung tawag ng mapigilan ko.

"B-babe.." I finally said.

"MAINE? Ikaw ba yan? Nasan ka? Bakit phone ni Clark ang gamit mo?" Sunod-sunod na tanong niya.

''Nasa Baguio ako babe-"

"San sa Baguio? Wait for me. Susunduin kita diyan. And I'm sorry for what happened that day babe. S-"

"Pumunta ka na dito please. Isama mo ang barkada. Si ano.. si Clark ka-kase naaksidente."

"What? Okay lang ba siya? Ikaw okay ka lang ba?"

"Hindi pa lumalabas yung doctor. And I'm fine. Hindi naman kami magkasama sa aksident. Just go here please."

"Opo. Wait for me okay? I love you." Aww. Namiss ko si Alden.

"I love you too. Ingat ka sa pagdrive." Sabi ko tsaka tinapos yung tawag.

Inililigpit ko na yung phone ng mapansin ko ulit yung paper na nahulog kanina. Out of curiosity, I opened it.

At unti-unti kong nakita na galing ito sa isang laboratory. It's a DNA result...

Paternity Test

Father: Clark Sison
Child: No name (Mr. And Mrs. Richards son/daughter)

Bakit niya ipinatest yung anak ni Shaira?

May hindi ba ko nalalaman?

Madami pang nakasulat pero hindi ko na maintindihan kung ano ang nilalaman nito. Until I found the last word written on the paper. It was printed with a red ink.










POSITIVE

Napatutop ako sa aking bibig. Does this mean that anak ni Clark ang batang dinadala ni Shaira?

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloحيث تعيش القصص. اكتشف الآن