FRRF 45

2.4K 96 4
                                    


"Babe ito kaya? Maganda ba?" Nahihilo na ko kay Alden. Huhu. Dumiretso kami sa mall after my check-up. Hindi pa namin alam kung anong gender ng baby pero healthy naman ito kaya itong mahal ko ba-excite ata kaya sobrang daming pinamili.

Namili kami ng furnitures para dun sa binili niyang bahay. Napag-usapan kase namin na doon na kami titira. Lumalaki na kase ang tiyan ko and hindi na advisable na sa pad niya lang kami.

Pero eto nga at nahihilo na ko. Huhu. Kase naman si Alden lahat na lang ng makitang gamit ng baby kinukuha. Bumili siya ng 2 crib, isa daw sa room ng baby at isa pa sa sala. Tapos may stroller na din. Isa pang indoor, at pang-outdoor. May mga toys na din pang girls and boys. Ang katwiran niya, pwede naman daw ulit gumawa ng baby kapag boy and vice versa. Jusko tong si Alden, hindi pa nga lumalabas baby namin gusto na agad ng kasunod.

"Ay ito o. Look. Mas maganda ata to dun sa kanina." Untag niya sakin. "What do you think babe?"

"I think we need to go home. I'm tired." Reklamo ko.

"Sorry. Okay. Bayaran ko lang to babe. Papa-deliver ko na lang." Kiniss niya muna ko sa noo bago dumiretso sa cashier.

***

"Gusto mo bang kumain muna bago tayo umuwi?" Tanong niya ng makabayad na.

"Gusto ko ng french fries babe." Naglalambing na sabi ko.

"Pero babe kakakain mo lang nun kahapon diba?"

"Eh. Stick-o na lang." Nakangusong sabi ko. "And ice cream."

"No babe. Hindi pwede. Ipagluluto na lang kita."

"No din." Naiinis na sabi ko. "Gusto ko nga nun e."

"Hindi nga maganda sa katawan yun babe."

"Ugh! Papabili na lang ako kay Jake." Nasabi ko out of nowhere. Remember guys? Jake is my ex. Hihi. Sorry na Alden. Naiinis lang talaga ko sayo.

"Jake your ex?" Galit na tanong niya.

"Yup." Jusko kinakabahan ako. Bakit ko ba kase nasingit yun.

"Don't tell me nagkikita pa kayo nun ha?"

Sasagot pa lang ako ng biglang nag-ring yung phone niya. Sinenyasan niya lang ako na wait lang tsaka niya sinagot yung tawag ako naman nag-iisip ng masarap na kainin. Ano kaya pwede?

"WHAT?! SAANG HOSPITAL?" Napatingin ako kay Alden. May kausap pa din siya sa phone and I wonder kung sino yun.

"Okay. I'm coming. Please take a good care of her. Okay mom. Bye."

"Babe. Anong nangyari?" I asked him habang nagmamadali kami sa paglalakad. Inaalalayan niya pa din naman ako.

''Sinugod sa hospital si Shaira."

"What! Anong nangyare?"

"Bigla daw sumakit yung tiyan niya."

"Hala. Bilisan na natin. Baka napano na yun." Kahit na naiinis ako sa kanya, hindi ko pa din napigilan ang mag-alala. She's still my friend afterall.

***

"Stable na po ang lagay ng misis niyo Mr. Richards." Sabi ng doctor kay Alden.

Aruy. Ang sakit naman nun. Misis na nga pala niya si Shaira.

Hinayaan ko na silang mag-usap. Umupo ako sa tabi ng kama ni Shai.

"Ang swerte mo Shai. Ang swerte-swerte mo." Bulong ko sa kanya. "Alam mo bang galit ako sayo? Pero eto ako ngayon nag-aalala pa din sayo. Sa kabila ng lahat ng nangyare, sa mga pinagagagawa mo para lang masira kami, ito pa rin ako sa harap mo. Gusto ko na lang maging masaya para sa inyo pero hindi ko magawa. Mahal na mahal ko din si Alden. Bakit ba kase parehas pa tayo ng taong minahal?" I said as I wiped my tears.

Nakatitig lang ako sa kanya ng biglang lumapit sakin si Alden. "Babe. I'll just talk to the doctor at her office okay?" Paalam nito pero sinamaan ko lang siya ng tingin. "Why?"

"Siguraduhin mo lang yan ha. Aba hindi ko na ata kakayanin pa kapag may panibagong Shaira ang dumating."

Tinawanan lang niya ko. "I love you." He said as if he's assuring me na wala ng iba pa.

***

ALDEN'S POV

"So Mr. Richards, ano po itong inportanteng bagay ang nais niyong pag-usapan natin?" Tanong sa akin ng doctor ni Shaira.

"Dra. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Is there a possibility to have a DNA test with me and Shaira's child?" Bahagyang nagulat ang doctor sa sinabi ko. "I know it's shocking but I won't tell you te details anymore. I just need to find out the truth."

"Sorry about that but yes we can actually test it by getting some tissues from the fetus."

"Is it harmful for them?" I asked. Siyempre kahit na gusto kong malaman ang katotohahan, ayoko namang may buhay ang mapunta sa alanganin.

"No. It's safe. You just need to wait for two weeks to get the results."

"Okay."

"I'll see you in laboratory in 15 minutes Mr. Richards."

I offered my hand to her. "I know you're a proffesional doctor but I'll just want to remind you that this converation is just between you and me."

Lumabas na ko ng office niya. Napabuntong-hininga ako ng malalim.

Hindi ko alam kung blessing in disguise ba tong nangyare kay Shaira or what. Unang-una, sabi ng doctor is mahina ang kapit ng bata kaya I need to be extra careful on her. But sa kabilang side naman, ang tagal ko ng naghahanap ng tiyempo kung paano ko mapapatest yung batang dinadala ni Shaira. It's not that I don't want that child, but the thing is I just want to be sure that it's mine. Ayoko namang ipaalam yun sa kanya dahil panigurado magwawala siya kapag nalaman niya yung balak ko.

For now, I need to keep this for myself.

***

Last nine chapters. :(

FAKE RELATIONSHIP, REAL FEELINGS (ALDUB) (Maiden) #Wattys2015 #TNTPanaloOn viuen les histories. Descobreix ara