Kabanata 1

13.1K 262 8
                                    

Chester's Pov


Hindi pa ako nakabawi mula sa pagkabigla.


Napatingin ako sa madilim na loob ng bahay at sa mga kasama ko na natataranta at hindi rin alam ang gagawin. Ano bang lugar ang napasok namin?


"O-ok lang ba k-kayong nlahat?" isang tinig ng ginang ang narinig namin kaya naman napatingin kami sa kanya. Siya iyong tumulong sa amin.


"A-ano ang m-mga bagay na 'yun?" takot na tanong ni Shiela dahil bakas sa kanyang tinig ang kaba habang tinatanong niya iyon.


Isang salita ang kanyang sinabi, isang salita na sapat na para yanigin ang buong sistema namin sa takot.


"Aswang."


Nabigla at nagulat kami at the same time takot kami sa mga posibleng nangyari.


"Ang tawag sa mga 'yun ay 'abwak."pagsasalaysay sa amin ng Ginang. Nakinig lang kami at hinintay ang susunod niyang sasabihin na iyon. "Abwak, ang abwak ay isang uri ng paniki pero naiiba sila..."pagkwekwento niya sa amin. "Kumakain sila ng laman, o ng tao. May matatalas silang pangil at ang kanilang itsura ay naiiba gaya ng karaniwang mga paniki kaya tinwag nila itong aswang.....at..."pagtutuloy niya nito kaya nanatili kaming nakikinig sa susunod niya pang sasabihin."at...sa Gabi lang sila sumasalakay." aniya.


Gabi? Bakit umaga ay nandito na sila?


"Gabi po ba? Bakit umaga pa lang naman bakit andito na sila?" tanong ni Mkcleine sa Ginang.


"Hindi ko rin alam." sagot nito."Baka posible dahil nakaamoy sila ng maraming dugo." sabi nito sa amin at napatingin kay May-Ann na walang malay.


"Saang l-lugar po ba kami na-naroroon ngayon?" tanong ni Judy Ann sa kanya.


"Nasa Baranggay Maligaya kayo. Nasa isang lugar kung saang liblib. Kung gusto niyong lumabas dito ay aabutin kayo ng isang araw at kapag lalabas kayo ay mauunahan kayo ng mga abwak na makain." sabi nito.


Kinilabutan kami sa sinabi niya. So ibig sabihin na hindi na kami makaklabas dito sa lugar na ito? Dito na lang kami?


"May tumangka po bang tumakas noon dito?" tanong ko sa kanya.


"Meron pero tulad ng sabi ko, pagsapit pa lang ng gabi nasa biyahe sila ay andun na ang mga abwak na sumasalakay sa kanila." aniya.


"Pa-paano na yan ano na ang gagawin natin?" tanong ni SHiela.


"Hindi na tayo makakalabas dito. Dito na lang tayo habang buhay." ani Mkcleine.


Napatingin ako kay May-Ann na nakahiga doon. Lumapit ako at itinaas ang kamay niyang naputol. Medyo hindi na ito nagdurugo.


"Aalis tayo dito sa madaling panahon." usal ko sa kanila.


Naging tahimik na sa labas ng bahay. Wala na kaming naririnig na huni ng abwak.


Binuksan na ni Ginang ang bintana nila at tumambad sa amin ang sinag ng araw na tumatama sa lupain. Lahat ng kabahayan ay binuksan narin ang kanilang binatana pero walang taong lumabas ni isa sa kanilang kabahayan.


Tumayo ako at unti-unting binuksan ang pintuan ng bahay nila.


"Saan ka pupunta?" tanong ng ginang.


Lumingon ako sa kanya.


"Lalabas lang po ako para tignan." sabi ko sa kanya.


"Sasama kami." sabi nilang tatlo kaya napatingin ako sa kanila.


Hindi na ako umapila bagkus ay binuksan na ng tuluyan ang pintuan at lumabas doon papunta sa kalsada nila.


Inilibot koang mga mata ko doon at nakita ko ang mga kahoy na bahay.


Mga bahay na parang walang kabuhay-buhay mga bahay na parang walang nakatira at isang lugar na parang abandunado.


Nasaang lugar ba kami? Bakit napunta kami dito? SInadya ba niya ang lahat ng ito? Sinadya ba niya na mapunta kami dito para mamatay?


Unti-unti ng dumidilim ang kalangitan. Nangangamba na kami dahil sumasapit na ang dilim sa buong lugar.


Napatingin ulit ako kay May-Ann na nakahiga parin at walang malay.


Bakit ganito ang nangyayari?


Tumayo ako at lumapit sa binatana para tignan ang madilim na paligid.


"ANJAN NA ANG MGA ABWAK!" isang tinig ang narinig namin at agad na nagsiraan ang mga bintana nila.


Hindi ko alam ang gagawin ko pero bigla ko na lang rin narinig ang pagsira ng binata kung nasaan ako.


Tanging takot at kaba ngayon ang nararamdaman naming lahat.

Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Kailan?

***


Ang Aswang sa Baranggay Maligaya (Book 2)Where stories live. Discover now