Kabanata 8

7K 191 9
                                    

Dedicated sayo ito dahil palagi kang nagbabasa. Salamat!
Maraming typos ang grammras pagpasensyahan.
***

Chester's Pov


Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa kanyang sinabi. Ibig sabihin hindi ganun ang tisura nila? at maslalong lalakas pa sila?


Unti-unti rin naman akong nakabawi sa pagkabigla sa kanyang sinabi. Napatingin ako kay Ginang na patuloy parin sa pag-aayos.


"Ano po ang kaialangan naming gawin? Ano po ang pwede naming maitulong?" tanong ko sa kanya.


Tumigil siya sa pagaayos at humarap sa kinaroroonan ko. Itinuro niya ang likod ng bahay kaya nagtaka naman ako.


"Kunin niyo yung, tatlong galun ng suka doon sa likod, yung mga asin at bawang. Ipalibot niyo sa bahay." sabi nito.


"Bakit po? Makakatulong po ba 'yun?"


"Oo. Epektibo ito para hindi tayo maamoy ng mga abwak mamayang gabi. Ang abwak ay hindi nakakakita. kundi nakakrinig lang ito at nakaka-amoy." lahad nito.


Tumango ako sa kanyang mga sinabi. Hindi na ako nagsayang pa ng oras kaya sinabi ko na sa mga kasamahan namin ang gagawin namin para matapos namin ang paghahanda ng mas maaga.


Harlyn's Pov


Kinuha nila Shiela, Judy Ann ang asin habang si Mkcleine naman ay tig-isang galun ng suka.


Napatingin ako sa suka na nasa harapan ko. Kukunin ko na asana ito ng biglang may humawak kaya naman ang nahawakan ko ay ang kanyang kamay. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang mukha ni Cody na nakatingin rin sa akin.


Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa aking kamay ng nahawakan ko ang kanya.


Agad rin naman akong lumayo at inilagay ang kamay ko sa likod ko tyaka nahihiyang napakamot ng ulo.


"Ikaw na." nahihiyang saad ko at tumingin sa ibang direksyon.


Wala siyang sinabi o reklamo man lang basta binuhat niya na lang ito. Suplado talaga ng lolo niyo alam niyo. Sayang gwapo pa siya pero suplado.


"Harlyn, tulungan mo ako dito sa mga bawang." napatingin ako kay May-Ann na nagpupulot ng mga bawang sa lupa.


Naawa naman ako sa kanyang sitwasyon. Iisa lang ang ginagamit niyang kamay sa pagpupulot. Nagtataka ako kung bakit nawala ang kanyang isang kamay.


"A-anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanyang habang nakatingin sa kanyang nawalang kamay.


Napatingin siya sa akin at napatingin siya sa kanyang kamay na wala. Biglang nag-iba ang anyo ng kanyang mukha. Kumunot ang noo niya at biglang sumama ang timpla niya.

Ang Aswang sa Baranggay Maligaya (Book 2)Where stories live. Discover now