Kabanata 4

8.6K 191 5
                                    

***

Harlyn's Pov


Naririnig namin ang mga pagbangga ng mga paniki sa dingding ng bahay. Hindi naminalam kung ano ang mga iyon at ano ang napasok namin.


"Saan kayo galing?" tanong ng lalaki sa harapan namin.


Napatingin ako sa kanya, nakita ko ang kanyang maputing kutis, matangos na ilong, mapulang labi at ang kulay brown niyang mga mata.


"Hi-hinahanap namin ang mga kaibigan namin." nanginginig na pahayag ni Rica sa kanya.


Napatingin siya sa akin at nagtama ang aming paningin. Mas lalo kung nakita kung gaano siya kagwapo. Yung buhok niyang tumatakip sa kanyang mukha ay kanya nitong hinawakan at inayos ang pawis na tumatagidtig sa kanyang noo ay parang slow motion na naglalaglagan.


"Hindi niyo ba alam na delikado ang lugar na ito?!" tanong niya sa amin. Nag-igting ang bagang niya. Sa bawat ekspresyon na kanyang pinapakita ay maslalo ata siyang gumagwapo.


"H-hindi."sagot ko sa kanya. Napatingin siya sa kinaroroonan ko at kumunot ang kanyang noo tyaka siya tumingin ulit sa mga kaibigan ko.


Aba sungit ng lolo niyo!


"Mas mabuti ng umalis na kayo sa madaling panahon bago pa kayo hindi na makalabas dito!" anito sa amin.


"Aalis lang kami dito hanggang sa makita namin ang mga kaibigan namin!" palaban na sabi ko sa kanya.


Ngayon pa ba kami aatras? Ngayong nandito na kami. Marami na kaming napagdaanan hangga't sama-sama kami ay makakaya naming lagpasan ang pagsubok na darating sa amin.


"Hindi niyo alam kung ano ang lugar na napuntahan niyo!" galit na pahayag niya sa amin.


Nakita kung nagngingitngit na siya sa galit pero mas lalo ata siyang gumagwapo sa ekspresyon ng kanyang mukha.


"Cody, tama na yan!" lumapit sa amin ang isang Ginoo na ama ata ng Cody na ito magkamukha kasi sila eh."Hayaan na lang muna natin sila na dito tumuloy ngayong gabi. Tutulungan namin kayo na hanapin ang inyong mga kaibigan." sabi niya sa amin.


Mas mabuti ng dito na kami magstay kesa namang gagala pa kami dito sa Baranggay Maligaya para hanapin ag mga kaibigan namin ngayong dis oras ng gabi baka kung mapano kami at baka habulin pa kami ulit ng mga paniki.


"Pero-" hindi niya pintapos ang sasabihin ni Cody ng nagsalita nanaman ulit ang ama nito.


"Dito na muna kayo mga, hija.Makakabuting dito na muna kayo baka makagat pa kayo ng mga abwak." anito sa amin.


"Ano po 'yung abwak?" nagtatakang tanong ni Rerynalyn.


Napatingin siya sa amin at tumingin sa kanyang anak. Imbis na ang ama niya sana ang sasagot sa katanungan namin ay si Cody ang sumagot dito.

Ang Aswang sa Baranggay Maligaya (Book 2)Where stories live. Discover now