Kabanata 3

9.4K 203 5
                                    

Sorry kung natagalan po 'yung update medyo busy busy kasi.

***

Chester's Pov


Unti-unting tumahimik ang paligid. Binuksan na rin ni Ginang ang ilaw sa lampara.


Napatingin ako sa kanya, hindi pa namin siya kilala kahit ang pangalan niya ay hindi pa namin natatanong.


"Salamat po sa lahat." pagpapasalamat ko sa kanya.


Napatingin naman siya sa akin. Ngumiti siya pero agad rin itong nawala.


"Ano po bang pangalan niyo?" tanong ko sa kanya.


"Rosenda" simpleng sagot nito.


Rosenda pala ang pangalan ni Ginang. Magandang pangalan bagay sa kanya dahil isa rin siyang magandang nilalang.


Naptingala ako sa yero ng bahay. Tanging kunting ilaw lang na nangagaling sa lampara ang nakikita ko doon. Napatingin ako sa side ko, nakita ko sila Mkcleine, Judy Ann, Shiela, Jessa at si May-Ann na tahimik. Walang angsasalita sa kanila tanging bawat paghinga lang nila ang maririnig.


Natrauma na kami sa nangyari. Ganito pa gabi-gabi dito? Paano sila makaktulog ng matiwasay?


Napapikit ako ng aking mga mata para pigilan ang pag-isip ng kung ano-ano. All I want is just rest for the mean time. Hindi ko na alam ang gagawin. Marami nang nangyari sa amin pero kakaiba ito.


Unti-unting pumikit ang aking mga mata at sa pagpikit kong iyon ay tanging mga imahe ng mga kaibigan ko ang nakita ko. SIla Elizabeth, Sir Bueno, Lady Ann, Rosemarie at iba pang mga kaklase ko.


Wala rin kaming balita kina Harlyn, ang huling pag-uusap lang namin ay nung bnakaraan gamit ang cellphone at kung minamalas ka pa naman ay mahina ang signal kaya kami hindi nakapag-usap ng maayos.


Napapaisip rin ako ano na ang nangyari sa mga iba pa naming kaklase? Plinano ba ni Krisanta ang lahat ng ito?


Hindi ko na pala namalayan ay unti-unti ng pumkit ang mga mata ko at nakatulog na ako.


Unti-unti akong napamulat ng mga mata ko ng maramdaman ko ang mahapdi na sinag ng araw na tumatama sa aking pisngi. Napatakip ako ng aking mga mata para hindi masilawan lalo ito. Kinusot ko ang mga mata ko at inilibot sa loob ng lugar.


"Gising ka na pala." halos mapatalon ako sa gulat dahil narinig ko ang boses ni Shiela sa banag kanan ko.


Napatingin ako sa kanila, nakita kung nagkakape silang lahat pati rin si May-Ann na wala ang isang kamay.


Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at doon ko na lang naramdaman ang sakit ng likod ko dulot sa pagkakahiga sa kawayan.


"Kape ka muna." anyaya sa akin ni Mkcleine.


Ang Aswang sa Baranggay Maligaya (Book 2)Where stories live. Discover now