Epilogue

7.5K 152 18
                                    

Alam kung nabitin kayo pero wag kayong mag-alala may book 3 pa po ito haha! wag sana kayong magalit. Hahabahan ko po sa book 3 ok?

Comment and let me know your reactions.
***

Judy Ann's Pov


Natataranta ang lahat pero ako nakatingin lang sa kanila habang nakatulala dahil hindi ko alam ang nangyayari ngayon. Walang akong ideya kung bakit sila natataranta, tapos na ang kabilugan ng buwan ngunit bakit ganito na lang sila mataranta lahat ng tao dito?


"Aling Rosenda!" sigaw ko.


Agad siyang napatingin sa kinaroroonan ko. Nakita ko siyang naglalagay ng maraming asin sa gilid ng bahay. Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya at siya naman ay tumigil sa kanyang ginagawa.


"B-bakit po? B-bakit?" naguguluhan na tanong ko.


Kumunot ang noo nito sa akin. Agad rin namang nawala ang pagkunot ng kanyang noo at umamo ang kanyang mukha sa akin/


Lumapit siya sa amin at hinawakan ang aking balikat. Napatingin ako sa kanyang kamay na may asin pa.


"Mas-malala pa ang mangyayari mamaya." seryosong pahayag nito sa akin.


Tumaas ang kanang kilay ko sa kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin? tapos na nga ang kabilugan ng buwan eh bakit ganito na silang sila magreact? May iba pa ba kaming hindi nalalaman?


"T-tapos na p-po-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinawakan sa balikat ko gamit ang kanyang dalawang kamay.


"Hindi niyo alam." sabi niya habang umiling-iling."Hindi niyo alam dahil pagkatapos ng kabilugan ng buwan ay susunod naman ang pulang buwan at ang pulang buan ay mas-lalo silang lalakas." seryosong saad nito sa akin.


Bigla siyang napabitiw sa kanyang pagkakahgawak sa akin dahil sa pag-atras ko. Ibig sabihin hindi pa iyon ang tunay na lakas nila? Mas lalakas pa sila? Paano na kami makakaligtas nito kung maslalakas pa sila. Hindi na nga naman sila matalo nung mga maliliit pa sila at nung malalaki at ngayon maslalakas pa sila. Katapusan na ata namin nito.


Biglang nahagilap ng aking mga mata ang isang lalai at isang babae. Paika-ika itong naglalakad patungo sa amin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko mawari kung sino ang mga paparating pero nung masmalapit na sila sa amin ay doon ko na lang napansin kung sino iyon.


Agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nakita ko si Reynalyn na duguan at hiarap na hiarap na naglalakad. Tanging ang lalaki lang na kasama nito ang sumusubaybay sa kanya.


Agad akong nagtatakbo papunta sa kinaroroonan nila. Agad kung kinuha ang isa niyang kamay at nilagay sa balikat ko para tulungan sila at mapadali ang paglalakad.


"Anong nangyari?" tanong ko kay Reynalyn habang naglalakad. Nung hindi siya sumagot tumingin ako sa lalaki.


Napatingin naman siya sakin. Napayuko na lang siya. Napatngin ulit ako kay Reynalyn na ngayon ay hirap na hirap. Napa-iling na lang ako at tinulungan siyang ipasok sa bahay.

Ang Aswang sa Baranggay Maligaya (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon