Kabanata 12

6.4K 159 6
                                    

HAPPY 4.5K reads! Thank you sa inyo!
Sorry kung ang tagal kung hindi nakaupdate. Haha! Medyo busy kasi this past few days pero ngayon dadalasan ko na ang paguupdate ko. lul!
More comments para ganahan ako sa pagupdate haha.
***

Harlyn's Pov


Napatingin ako ngayon sa taong nasa harapan namin. Ganun ako nabigla, nanlaki ang mga mata ko ng nakita siyang nakatayo dito sa harapan namin and the same time naguguluhan ako kung paano siya nakaligtas noon.


"Pa-paanong-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita.


Ngumiti siya at lumapit sa kinaroroonan namin at lumuhod sa harapan namin para magkapanta-pantay kami.


"Hello, Harlyn." usal nito at sinabayan pa niya ng isang napakatamis na ngiti.


Kumunot ang noo ko.


"Pa-paano ka nakaligtas?" tanong ko sa kanya.


Lumingon siya sa likod niya. Sinenyasan niya ang dalawang katao niya na lumapit sa kanya kaya sinunod naman nila ito.


"Kalasin niyo sila. Mga kaibigan ko sila." utos nito sa kanila.


Sinunod naman nila kaagad ang sinabi nito. Kinalas nila ang aming tali, nakahinga ako ng maluwag doon. Hinawakan ko ang kamay ko na nagmarka ang tali doon. Halis namumula na ito dahil sa kakapilit kanina na makawala.


Tinulungan nila kaming tumayo. Lumapit kami sa kinaroroonan ng bata. Umupo kami doon.


"Akala ko ba patay ka na, Sir JP?" tanong ni Chester sa kanya.


Napabuntong hininga siya at tumingin sa amin.


"Muntikan na." sagot nito.


"Ano po bang nangyari noon?" tanong ni Shiela.


Ipinilig niya ang ulo niya at nagsimula na siyang ikwento ang mga nangyari noong school trip.


"Muntikan na. Nung naglaban kami ni Krisanta noon, nahirapan ako. Ito..." aniya at ipinakita niya ang marka sa kanyang braso.


"Maraming nasugat sa akin, natalo ako sa kanya. Nakahndusay lang ako sa lupa noon at nakapikit baka akala niya patay na ako kaya umalis na siya doon at sakto namang may tao na tumulong sa akin. Isinugod nila ako sa hospital. Nagpapasalamat ako sa kanya." pagkwekwento nito sa amin.


Napatango na lang ako sa narinig ko.


"So, paano ka po napadpad dito?" tanong ko.


Napatingin siya sa akin at ngumiti.


"Tulad rin ng sa inyo. Naligaw rin ako dito. Nung hinanap ko kaya, Harlyn bigla na lang akong napunta dito at tulad niyo rin binihag rin nila ako pero nagkalaunan ay itinuring nila akong kaibigan. Mababait sila." anito.

Ang Aswang sa Baranggay Maligaya (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon