Kabanata 11

6.6K 168 11
                                    

Sorry kung ngayon lang ako naka-update. Nagenroll pa kasi ako para second sem.
Kung hindi niyo pa nabasa yung SECTION I-A wag niyo munang basahin ito dahil talagang maguguluhan kayo, basahin niyo muna yun at kapag tapos na kayo ito ang isunod niyo.

***

Chester's Pov


Pilit akong kumakawala sa taling nakatali sa aking kamay.Itinali nila kami sa isang kawayan at pabilog kaming tatlo doon.


"May kutsilyo ba kayo 'jan o kaya naman posporo?" tanong ko sa kanila ngunit pabulong.


Umiling lang si Shiela sa akin. Napatingin ako sa likuran ko kung nasaan si Harlyn. Nginuso niya ang kanyang bulsa, napataas ang aking kilay sa kanyang senyales.


"Sa bulsa mo?" tanong ko.


Tumango ito.


"Posporo lang ang nanjan sa bulsa ko." aniya.


Kung minamalas ka pa naman mahirap pa namang kunin ang posporo sa kanyang bulsa pero buti na lang at nasa likuran niya ako.


"Lumapit ka ng kaunti para makuha ko." bulong ko sa kanya.


Lumapit naman siya dito. Ang kamay kung nakatali ngayon ay iyon ang ginamit ko para kuhanin ang pospporo sa likod ng bulsa niya. Napatingin ako sa itaas habang kinukuha ko iyon, nakakangalawit, ang hirap kunin.


Biglang nahagilap ng mga mata ko ang isang lalaki na papunta sa amin kaya naman tinigil ko ang aking ginagawa.


"Ano ang ginagawa niyo?" tanong nito.


"W-wala." sagotko sa kanya.


Sa minamalas ka naman ay biglaitong umupo sa harapan namin kaya naman hindi ko maitutuloy ang aking ginagawa. Hindi kami nagsalita dahil nakataingin lang sa amin ang lalaki.


Napatingin na lang ako sa bata kung saan mahimbing pa itong natutulog. Ano ba kasing klaseng lugar itong napuntahan namin?


"A-anong balak niyo sa amin?" tanong ni Harlyn sa kanya.


"Wala kaming balak sa inyo pero ang isa naming kasamahan meron." sabi nito sa amin.


Rumihistro sa utak ko kung ano ang kanyang sinabi. SInong kaibigan? Sino 'yun? at anong balak niya sa amin? Sana naman makawala kami dito ng buhay sana naman ayos lang kami dito.


Nag-aalala narin ako kina Judy Ann doon kung ano a ang kalagayan nila, kung ok na ba sila. Baka kung ano na ang nangyari sa kanila, sana ok lang sila, sana walang napahamak.


"Parang-awa mo na oh. Pakawalan niyo na kami." pagmamaka-awa ni Shiela sa kanya pero ang lalaki ay parang wala lang ito sa kanya.


Reynalyn's Pov


"Wala pa sila, Chester!" giit ko sa kanilang lahat.

Ang Aswang sa Baranggay Maligaya (Book 2)Where stories live. Discover now