Kabanata 13

6.4K 160 6
                                    

***

Reynalyn's Pov


Napapikit na lang ako at hinawakan ng mahigpit ang matulis na bato na hawak ko.


Pero nung ihahampas ko na sana ang bato ay may narinig akong pagputok ng baril. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga abwak na nakahandusay sa kalsada. Napatingin ako sa paligid para tignan kung sino ang bumaril at nakita ko ang isang hindi gaanong katandaan na nakahawak ng baril at ikanakasa nito.


"Tumakbo ka na!" sigaw niya.


Napatingin ulit ako sa mga abwak na papunta sa akin at tyaka ko siya tinignan. Inihagis niya ang isang pistol na baril agad ko namang sinalo ito at dali-daling nagtatakbo papunta sa direksyon kung saan nagtungo si May-Ann.


Hindi ko na siya makita. Pumunt ako sa gilid ng pader at nagtago doon. Inaangat ko ang baril na hawak ko, hinihingal ako dahil sa pagtakbo, pinagpapawisan dahil sa kaba. Nakahalukipkip lang ako doon na parang tuod na hindi alam ang gagawin.


*bang*


May narinig nanaman akong pagputok ng baril kaya naman sumilip ako mula sa pinagtataguan ko. Nakita ko kanina ang lalaking tumulong sa akin. Sinenyasan niya akong pumunta sa kinaroroonan niya kaya naman agad akong lumapit doon.


Nagkatalikuran kaming dalawa habang nakatutok ang baril namin sa mga abwak na papunta sa amin.


Sa totoo lang hindi ko alam gumamit ng baril pero this time dapat kayanin ko kahit hindi koa alam.


Itinutok ko ang baril sa isang abwak. Ibinuka niya ang bibig nito at kitang kita ko ang matutulis niyang ngipin pero hindi na ako nag-alinlangan pang iputok ang baril sa kanya at sa inaasahan ko nga humandusay ito sa sahig.


Dumadami sila, halos hindi sila nauubos pero patuloy parin kiami sa pakikipaglaban.


"Dito!" ani ng lalaki sa akin at hinihila ako habang nagbabaril siya sa mga abwak na madaraanan namin.


Tumakbo kami, ikinakasa niya ang kanyang shot gun habang ako naman ay hawak-hawak ko lang ng mahigpit ang baril.


Iginagala ko ang aking paningin sa bawat sulok ng lugar na dinadaanan namin nagbabakasakaling makikita ko si May-Ann kung nasaan siya.


"Magtago tayo sa punong iyon." ani ng lalaki sa akin at dali-dali kaming pumunta sa punong kanyang sinabi.


Umupo kami doon at tahimik na nagmamasid. Nakahawak parin ako sa barilpara sa proteksyon ko. Kailanagn kung mahanap si May-Ann pati narin sila Harlyn at iba pa. kailanagan ko silang mahanap sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat.


"Ssssshhhh!" senyas ng lalaki sa akin. Isinara ko ang bibig ko para pigilan ang mabibigat na paghinga na lumalabas dito.


Nanginginig ang tuhod ko habang naka-upo atpati narin ang kamay ko na nakahawak sa baril.


Ang Aswang sa Baranggay Maligaya (Book 2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora