Kabanata 10

6.7K 188 16
                                    

HAPPY 2K. MARAMING SALAMAT SA INYO!
Dahil araw na ng mga patay bukas ito na ang update. Mag-uupdate rin po ako bukas kaya wag kayong mag-alala.

Sa mga gustong magpadedicate pa comment lang para alam ko kung sino-sino ang mga idedicate ko sa susunod na Kabanata.
***

Chester's Pov


Wala kaming choice kundi ang tumalon dito na kahit wala kaming alam kung ano ang mangyayari samin pagkatapos.


Niyakap ko ng mahigpit ang bata habang nasa ere kami at bago pa kami bumagsak sa tubig ay lumanghap ako ng hangin para makahinga sa ilalim ng tubig. Paglubog pa lang namin sa tubig ay nahirapan na kami.


Nabitawan ko ang bata sa aking pagkakayakap na ngayon ay kitang-kita ko sa ilalim ng tubig na nahihirapan siyang huminga. Lumangoy ako papunta sa kanya at niyakap siya bago ko inahon ang aming ulo para makahinga.


Napatingin ako sa taas, biglang nagsialisan ang mga abwak doon. Napatingin naman ako sa batang hawak ko ngayon. Umuunog ito ng tubig kaya naman hinagod ko s=ang buhok niya at hinawakan ang kanyang pisngi.


"Are you ok?" tanong ko sa kanya.


Tumango lang siya habang umuubo. Hinagod ko ang kanyang likod para maibsan ang kanyang ubo. Bigla namang lumutang sila Shiela at Harlyn. Napatingin sila sa kinaroroonan namin at agad na lumangoy papunta dito.


"Ok lang ba siya?" tanon ni Harlyn nung nakalapit siya sa akin.


"Oo ok lang siya. Mabutipang humanap tayo ng maaahonan." sabi ko sa kanila.


Napatingin ako sa kabuuan ng binagsakan namin. Hindi namin akalain na may ilog dito at gubat. Iginala ko ang aking paningin, puro mga puno, mga bato,. Anong klaseng lugar ito? Nasaan kami?


"Doon tayo." ani Shiela.


Tinulungan nila akong lumangoy papunta doon. nang nakarating kami sa lupa ay agad kung binuhat ang bata at tyaka inihiga sa malaking bato na nasa tabi namin.


"Ayos ka na ba? Wala bang masakit sayo?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.


Umiling lang ito. Napahinga ako ng maluwag at napatingin kina Shiela na namamngha sa nakikita nila.


"Anong lugar ito?" tanong ni Shiela.


Napanganga sila. Hindi rin ata nila akalain na may lugar na ganito dito sa Baranggay Maligaya. may nakapunta na ba dito na tao noon?


"Baka ito na ang susi para maka-alis tayo sa lugar na ito." ani Harlyn.


"Kahit ito man ang susi para maka-alis tayo kailangan parin nating balikan ang mga kaibigan natin at dapat kapag aalis tayo isasama natin ang mga tao dito sa bayan." pahayag ko.


Bumagsak ang kanilang mga balikat at umupo sa tabi ko. Nabalot ng katahimikan ang lugar. Napatingala ako salangit at nakita ko ang mga makikinang na mga bituin. Nakikita rin ba ito ng mga magulangko ngayon? Hinahanap ba nila ako? Namimiss ko na talaga sila.

Ang Aswang sa Baranggay Maligaya (Book 2)Where stories live. Discover now