Chapter 2: Business man

945 8 1
                                    




Andito ako ngayon sa mall para bumili ng bagong lense ng camera yung lense na malayo ang inaabot at tumingin na rin ng flash at iba pang gamit na kailangan ko sa photography. It's my passion. Kaya naman pumupunta ako ng mga photography seminar pag wala akong trabaho ng araw na yun. I want to be a photographer as my back up plan or even in general I like taking pictures I'm good at it but I have a lot of things to learn. Ako ang laging may dalang camera sa barkada. I've always liked the idea of taking pictures of nature, a city, people, etc. Ang dami kong gustong maging. Gusto kong maging director also a book writer also a singer also a photographer and also a painter pero hindi ako biniyayaan ng husay sa pagpipinta eh.

Pagkatapos kong bilin ang dapat bilhin ay nag window shopping na din ako napatingin ako sa mga underwear at bra at natawang mag isa. Dahil sa phobia ko sa mga lalaking lalaki rin ang hanap ay pinagkamalan kong ganun rin si Patrick ng makita ko siyang may hawak na bra noon nung makita ko siya dito. Para daw yun sa kaibigan niyang babae. Itinatapat niya yun sa dibdib niya at nililigawan niya na ako ng panahon na yun. Kaya naman tinigil niya ang panliligaw niya noon dahil nakakababa daw yun ng paglalaki niya.

Pero tignan niyo naman ngayon kami na. Kahit ilang taon kaming hindi nagkita. Kahit tumigil siya. Sa huli kami pa rin. Nag click pa rin. Ganun ata talaga kapag true love. Kahit gaano pa kayo katagal hindi nagkita magkikita at magkikita pa rin kayo at magkakasama kayo sa huli. Hayy. Namimiss ko na tuloy ang boypren ko. Sa sobrang miss ko sa kanya ay nakikita ko na siya. Tumigil ako sa pag lakad at tinitigan yung lalaki. Dahil parang siya talaga.

Yung boypren ko nga!

Niyakap ko siya mula sa likod. At hinalikan sa pisngi. "Patrick."

"Aga?" Kitang kita ang gulat ng mapatayo siya. Nanlalaki ang mata niya. I surprised him. "What are you doing here?"

Ngumiti ako at niyakap siya ulit. "I just miss my boyfriend. You're not replying on my text and you're not anwering my calls."

"Boyfriend? May girlfriend ka pala?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Maputi siya at makinis. Malaki rin ang katawanan niya na para bang gym ang bahay niya.

"Yes. I'm his girlfriend." Lumapit ako sa kanya at inabot ang kamay ko. "Aga Curtis." Nakangiti kong sabi.

Ngumiti siya at sandaling nakipagkamay. Nagpalipat lipat ang tingin niya samin ng boypren ko.

"Aga let's talk later. We're talking about business." May kinuha siya likuran bulsa niya at nilabas ang wallet niya. "I'll text you when we are done. Here some cash. Mamasyal ka muna."

He's like that. Money doesn't matter to him. He's spoiling me like I'm a gold digger. Alam kong hindi yun ang gusto niyang palabasin he just want to spoil me because I'm his princess but I just don't find it cool. Ang tumangap ng pera sa karelasyon mo para bumili ng kung anong gusto mo. Yun ang opinyon ko.

Hindi ko pinansin ang binibigay niya. "Ayokong mamasyal mag isa."

"Aga." He's using his warning tone now.

"I'll just wait for you kahit sa ibang table na ako. Hindi kita iistorbohin." Paglalambing ko sa kanya. "Please?" Hinalikan ko siya sa labi.

He's not my first kiss. To be honest I can't remember my first kiss but I'm sure I lost my first kiss on a bar.

"Are we gonna talk about OUR business or what?"

Siguro bago niyang partner sa negosyo niya 'tong lalaki. Mukha kasing mayaman kahit mukhang bata pa. Ngumiti ako sa lalaki. Humalik ako kay Patrick at nagpunta sa ibang lamesa malayo sa kanila pero kita ko sila.

Never Been Taken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon