Chapter 9: Tits

464 6 0
                                    




Nagmamadali akong mag ayos para pumasok. Nakalimutan mo kasing mag set ng alarm dahil umaga na rin ako natulog at lutang na lutang ako tatlong oras lang ata ang naging tulog ko at ginising na ako ng body clock ko. Medyo late nga lang. Pagbaba ko ng taxi ay agad na akong nagtatakbo habang tingin ng tingin sa oras. Ang pinaka ayaw ko kasi sa lahat ay ang nalalate ako. Mas maganda ng maaga dumating kasi huli. That's so unprofessional.

"Aray." Muntik na akong mapaupo ng may nakasalubong ako. Napatingin ako sa harap ko ng nakatingin lang sakin ang nabungo ko. Pakshet. Artista. "S-sorry."

"Are you alright?" Ngingitian niya ako at pinasadahan ang dibdib ko papunta sa mukha ko. Siguro dahil inaayos ko ang damit ko dahil pakiramdam ko ay nagusot dahil sa pagkakabungo. "I know you."

Pero ewan ko ba pakiramdam ko hindi dahil dun kaya siya nakatingin. I feel uncomfortable.

"Talaga?" Tanong ko pagkatapos kong tignan ang orasan ko.

"You're a host, right?" Tumango ako. "I'm Daniel Gaisler and you are?" Inabot niya ang kamay niya.

"Aga Curtis." Mabilis akong nakipagkamay ng kukuhanin ko na ang kamay ko ay parang ayaw niya itong bitawan. "I need to go now."

"Oh, okay." Sabi niya at binitawan ang kamay ko. Nginitian ko lang siya at muling tumingin sa orasan ko at naglakad. "See you around sexy." Pahabol niya.

Napangiti na lang ako. Sinong babae ang hindi ngingiti kapag sinabihan ka ng sexy? Wala. And take note, artista siya. Hindi basta basta nampupuri ang mga yan kung hindi totoo. Dahil artista sila at likas na sa karamihan ng mga artista ang makikisig at magaganda.

"Muling nag babalik ang showbiz chika." Nakangiti akong nakaharap sa camera. "John Gutierrez nandito na nga ba sa pilipinas? Talagang mailap ang binata sa media napagalaman ng aming source na nakita daw nila itong bumaba ng taxi sa harap ng isang mamahaling hotel."

Mamahaling hotel?


Hindi naman siguro siya yung lalaking yun.

Yung lalaking bigla bigla nalang nagsasalita habang nagdadrama ako tapos yung mga sinasabi niya pa totoo kaya naman nakakainis.

"Bakla may nagpapabigay." Inabot sakin ni Faye ang isang boquet of roses.

"Sino?" Tanong ko. Kakatapos lang kuhanan ng huling chika kaya naman pack up na kami.

"Tignan mo sa card." Sabi ni Faye. Napatingin ako sa kanilang dalawa ni Kenny na may naglalarong ngiti mukha alam na nila kung kanino galing ayaw pang sabihin.

Daniel Gaisler?

"Ang haba ng hair ng bakla." Sabi ni Kenny na para bang may natatapakan siya. "Wag kayong lalapit baka maapakan niyo yung buhok niya."

Natawa na lang ako pati na rin ang ibang staff na nakarinig.

"Mukhang may manliligaw na sayong lalaki ah." Sabi ni Faye.

"Manliligaw? Kanino?" Tanong ng kakadating lang na si Rachel.

"Kanino pa ba sa dinausor nating friend." Sabi ni Kenny at inamoy amoy ang bulaklak na hawak ko.

Never Been Taken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon