Chapter 21: Fired

347 5 0
                                    




Puyat na puyat akong pumasok ng trabaho kaya naman lutang na lutang ako at sa ibang building at sa ibang studio pumasok ng hindi namamalayan. Sa building kung saan madalas ang manloloko kong ex. Sa studio kung saan sila nagtataping.

Nakatulala lang ako sa isang tahimik na studio na walang tao ng biglang may nagsalita na nagpabalik sakin sa realidad.

"Bakla?" Napatingin ako sa gilid kung saan andun ang pinto papunta ng control room ng studio na 'to. "Bakla! Anong ginagawa mo dito? Kamusta bakasyon? Nagkita ba kayo ni Daniel?" Tanong ni Faye.

"Alam mong nandun siya?" Kunot noo kong tanong.

"Oo naman." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko na para bang kinocomfort niya ako. "Hayaan mo na makakahanap ka din ng mas better sa gagong yun."

"Wait." Lalong kumunot ang noo ko. "Naguguluhan ako. What do you mean?"

"Hindi mo ba napanood?" Tinignan ko lang siya. "Sila na nung babaeng palaos na sa kabilang channel. Ang sabi sabi pumirma na sila ng contract para sa isang movie at nagpunta ng Balesin para makapagpahinga dahil pagbalik nila simula na ng taping."

"Ang bilis." Wala siyang nasabi sakin kahit nung kami pa... pero sabagay kahit naman nung kami pa wala naman talaga akong alam sa kanya. I'm the one who is open all the time.

"Nino? Nung gago o nung movie nila?" Tanong nito.

"Pwedeng both?" Natatawa kong tanong.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni Faye.

Kasi lutang ako at wala akong ibang ginawa kundi magpuyat sa kakaisip sa gagong yun.

"Ikaw bakit ka nandito?" Tanong ko.

"Hindi sinagot ang tanong ko." Sabi nito at pinakita yung mga dala niyang papel. "May pinakuha lang si direk."

Tumango tango ako. "Gusto ko ng kape."

"May Starbucks sa baba." Sabi ni Aga. "Bill tayo."

Tumango ako at sabay kaming napatingin sa bag ko dahil sa tumutunog kong cellphone. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan na parang nahirapang huminga. Tinatawagan kaya ako ni Daniel? Ng boyfriend ko? I mean ex boyfriend ko? Hihingi na kaya siya ng sorry? na wala lang yung nakita ko? That he loves me?

"Bakla sagutin mo na." Sabi ni Faye.

Aga ano ba yang mga iniisip mong gaga ka?

Ang tanga tanga mo!

Wag kang magpakatanga sa gagong yun!

Inalog alog ko ang ulo ko at kinuha ang cellphone ko sa bag ko at sinagot ng hindi tinitignan. "Hello?"

"Bakla!" Agad kong nilayo sa tenga ko. "Akala ko papasok ka na ngayon! 3 minutes ka ng late hindi ka naman ganyan! Hindi ka ba papasok? Napagod ka ba sa Balesin? Marami bang chupapi?"

Nagkatinginan kami ni Faye at tumawa. Kahit hindi naka loud speaker ay rinig na rinig namin ang boses ng legit na bakla naming kaibigan na si Kenneth o mas kilala bilang Kenny.

Never Been Taken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon