Chapter 4: Black coffee

786 6 1
                                    





"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko paglabas ko tumayo siya ng maayos at ngumiti sakin pero hindi ko kayang suklian ang ngiti na yun pagkatapos ng lahat. "Bakla."

Nawala ang ngiti niya. "I'm here to say sorry." Tinignan ko lang siya. Mawawala ba ang sakit dahil lang andito siya? Mabubura ba ng sorry niya ang ginawa niya? "I tried. I tried to be straight. I tried to be a boyfriend to you. Believe me I didn't use you because I really tried. I tried it with you because I know there will be a chance that I will be straight. You are fun to be with. You are lovable. I want to be with you. But my heart... It's not for a straight man I tried to fight that for you but I'm sorry I really can't. I'm sorry because I'm a gay. This is me. This is what I am."

Sinasabi niyang hindi niya ako ginamit pero sakin niya sinubukan kung lalaki ba talaga siya. Pakshet siya. Wala rin pinagkaiba yun. Yung dalawang buwang relasyon namin relasyon hindi dahil sa pagmamahal kundi relasyon para sa pangagamit. Many people didn't even consider our relationship but it was my first. The feelings were so real. It was my first time to feel what being in a relationship is, may mga naging karelasyon na ako noon pero hindi umabot ng buwan kaya hindi ko yun masasabing relasyon. It's just a short term flings but what Patrick and I had is a relationship. Sa kanya ko naranasan makipag hawak kamay habang naglalakad. But he was also my most heartbreak. Ang sakit.

"Don't say sorry for being a gay. Wala. Hindi. Hindi kasalanan ang pagiging bakla. Alam mo kung ano ang kasalanan? Yung alam mo sa sarili mong bakla ka pero gumamit ka ng tao para malaman kung magiging straight ka pa. Walang mali sayo kung maging bakla ka. Pagpantasyahan mo lahat ng lalaki sige okay lang. Nararamdaman mo yun eh. Sa puso mo nanggagaling yon. Pero yung may karelasyon kang babae? Mali yun. Kahit anong sabihin mo ginamit mo pa rin ako. Alam mo. Alam mo ang past ko tungkol sa mga bakla pero nakipagrelasyon ka pa rin sakin ginamit mo pa rin ako." Dirediretso kong sabi.

Napatingin siya sa ibaba. "I'm sorry."

"Yan lang ang masasabi mo?" Sigaw ko sa kanya. Tumingin siya sakin. "Did you even love me?"

"I tried to love you." Tried? Sinubukan? Sinubukan niya lang akong mahalin? Sa dalawang buwan na yun?

Pakshet.

"So you really didn't love me?" Nanghihina kong sabi. "Si Nikko. Ano mo siya? Business partner mo ba talaga siya?"

"He's my boyfriend." Sabi niya.

He can introduce that Nikko as his boyfriend. But when I saw them on the mall he didn't introduce me I am the one who introduced myself as his girlfriend. Hindi na nga talaga ko minahal. I felt so inadequate. I wasn't enough. The person who once thought I was fun to be with that I'm lovable set his eyes for someone else to someone who has actually been there all along. Matagal na silang magkasama. Matagal na nila akong niloloko.

"Kailan pa?"

"Last night. That's when we become official."

Tumawa ako. Ganun lang pala ako kadaling palitan. Kaya siguro nakalimutan niya ako. Kaya siguro para akong tanga na naghintay. Kasi naging sila na kahapon at nagdidiwang sila sa bar kung saan ko sila nahuli. Naglakad ako papalapit sa kanya at hinarang niya ang dalawang kamay niya sa ibaba niya. Kaya naman sinabunutan ko siya, pinagmumura. Galit ako. Galit na galit ako. Sa maraming dahilan, dahil sa kanya. Dahil sa ginawa niya. Dahil sa pagiging tanga ko. Inawat ako ni manong security guard pero hindi nagpatigil. Ang kapal ng mukha niyang gamitin ako. Ang kapal niyang pumunta dito para sabihin sinubukan niya akong mahalin. Ang kapal niyang sabihin na sila na. Dumating si Rachel, Faye at Kenny at inawat ako. Madaling umalis si Patrick pero tumigil siya at tinignan ako na para bang naawa siya sakin. Napaupo na lang ako at napaiyak. Ang sakit. Pakshet. Ang sakit sakit.

Never Been Taken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon