Chapter 28: Brainstorm

370 8 0
                                    



Aga's POV

"Ano ba kasing meron? Kung sabihin niyo na lang kaya para hindi ako tanong ng tanong di ba?"

Kanina pa ako tanong ng tanong sa kanila pero walang pumapansin sakin. Kaya nilakasan ko na ang boses ko. Naiirita na rin ako dahil wala talaga akong ideya kung anong meron and I don't like that feeling. Ayoko ng pinagkakaisahan.

"Wag ka maingay." Sabi ni Erwin sa likod na kumakain.

Nakaupo ako sa gitna ng pangtatluhang sofa katabi ang bestfriends kong si Gale at Jaise. Habang nasa dalawang single sofa naman sila Paul at Nathan habang nasa bean bag naman si Jay habang yung isang bean bag naman doon nakaupo si Erwin pero pinili niyang tumayo sa likod dahil lakad siya ng lakad kakakuha ng pagkain sa dinning table.

"Ano bang trip niyo? Tumahimik at tumutok sa commercial? Anong trip yan?" Walang pumansin sakin.

Magsasalita sana ulit ako pero bago pa may lumabas na salita sa bibig ko ay sinubo na ni Erwin sakin ang crust ng pizza niya. "Ang ingay mo talaga kahit kelan."

Kadiri!

Binato ko sa kanya yung crust ng pizza niya. At pinunasan ang bibig ko. "Pakshet ka pala eh ikaw kaya mawalan ng ideya sa nangyayari-"

"Blah blah blah ayan na cupcake oh." Sabi ni Jay at tinuro ang TV. "Hindi ka pa rin nagbabago. Atat ka pa rin."

Celebrity News?

Kalaban to ng Showbiz Chika ah. Ibang estasyon ang Celebrity News at eto ang kasabayan ng oras ng Showbiz Chikaz

"And now lets welcome for today's guest.... celebrity model John Gutierrez."

"Ito ang unang pagkakataon na mag guest ka pagkatapos mong umalis sa industriya tatlong taon na ang nakalipas."

"Yes."

"Babalik ka na ba sa industriya?"

"No."

Anong ginagawa niya sa TV?

Yun lang ang nasa isip ko. He hates to be in the limelight. And he hates the media. Bakit nag papa-interview siya ngayon?

"Typical John." Sabi ni Paul.

"Boring." Sabi ni Gale na nasa tabi ko.

Humarap si Erwin kay Gale at nag high five sila. Nakaupo na rin siya sa bean bag niya at NASA harapan namin siya. "Hindi katulad ko fun to be with."

Binato siya ng unan ni Nathan, "Ulol. Manuod ka na lang ng scandal sa phone mo."

"Parang si Paul bilang ang salita minsan."  Sabi ni Jay at uminom sa bote niya. Alcoholic talaga tong bespren kong to eh. Tumango tango si Jaise sa tabi ko bilang pag sang ayon sa kapatid niya.

"Straight to the point." Sabi ko.

Nagtinginan sila sakin. Habang ako naman tutok na tutok sa TV.

"Isa ka ba sa 'mga' lalaking niloko at nilandi ng dating showbiz host na si Aga Curtis?"


"Wala siyang lalaking niloko. Wala siyang nilandi. Siya ang niloko. Siya ang nilandi."

Never Been Taken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon