Chapter 13: Door

327 6 0
                                    



Pagbaba ko ng taxi ay agad kong nakita si Daniel na nakatayo sa entrance naglakad siya para salubungin ako. "Wag mo kong lapitan."

"Aga." Sabi niya ng lagpasan ko siya.

"Wag mo kong kausapin."

"Ang sabi mo wag kitang kausapin at wag kitang lapitan kung libog lang ang nararamdaman ko sayo kaya andito ako hindi lang libog yun."

Humarap ako sa kanya. "You love me?"

"Yes, your my girlfriend right?" Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan. "I'm sorry I won't do it again."

"Umagang umaga." Sabi nila Rachel, Faye at Kenny na magkakasabay dumating.

Nagkangitian kami at nagyakapan. I don't know why I always get my hopes up for the let down. Alam ko na ang pakikipagrelasyon ko sa kanya ay hindi lang halik at yakap alam kong meron pang mas higit siyang inaasahan na mangyayari samin. I'm still a virgin, yes. But I'm already curious about sex minsan hindi ko maiwasan isipin na baka tulad siya ng ibang lalaki na sex lang ang habol pero ngayong pinatunayan nyang hindi dahil pinuntahan niya ako ngayon hindi man siya humingi ng tawad sinabi niya namang mahal niya ako. Hindi man tulad ng inaasahan kong 'I love you' sinabi niya pa rin na 'yes'.

Yung ginawa niya nung unang araw namin magkarelasyon alam kong hindi yun tama. Pero tinangap ko pa rin siya agad. I know I play the cruelest jokes on myself. Na mahal niya talaga ako ng ganito lang. Alam kong meron pa. There's always more. He wants more from me. At handa akong ibigay yun pag masasabi ko ng sa sarili kong, 'this is it' na ginagawa namin yun dahil nararamdaman naming mahal talaga namin ang isa't isa. That we are making love at hindi sex lang. I just want to take things slow dahil hindi lahat ng bagay madadaan sa mabilisan.

"Kilig na kilig ang bakla." Sabi ni Kenny.

Pagdating ko kasi ng lamesa ko ay may mga bulaklak na naman ako mula kay Daniel. Hindi si Daniel yung tipo ng tao na matext o matawag pero naiintindihan ko naman yun dahil artista siya.

"May napapansin lang ako." Sabi ni Faye.

Kumakain kami ng lunch namin at naghihintay ako ng text o tawag niya alam ko namang hindi siya matext o matawag pero gelpren niya naman ako. Sa susunod kong tawag patay na ang cellphone niya. Pinatayan niya ako ng cellphone niya. Pakshet naman.

"Ano yun?" Tinignan ko siya sandali habang lukot na lukot ang mukha ko.

"Pag hindi kayo magkasama parang hindi kayo pero pag magkasama kayo, kayo." Sabi ni faye.


Pag dating ng hapon lukot pa rin ang mukha ko naiinis pa rin ako sa kanya ilang araw pa lang kami maayos naiinis na naman ako. Hindi na nga ata ako naiinis, nagagalit na ko. Tapos ang tagal pa ng masasakyan ko para umuwi. Uwing uwi na ko. Nagsindi ako ng sigarilyo ko.

Wala pang nakakaalam sa barkada na may boypren na ako dahil hindi ko pa feel sabihin sa kanila. Dahil tama naman yung mga bakla na parang wala akong boypren pag hindi ko siya kasama. Tsaka ko na lang sasabihin pag matagal na, pag stable na yun relasyon namin. Dahil pakiramdam ko yung ganitong klase ng relasyon na walang komunikasyon walang patutunguhan. Lalaki siya pero feeling ko bakla pa rin ang karelasyon ko.

Am I really taken?

Napatigil ako sa pagsisigarilyo ko ng may humintong sasakyan sa harapan ko. Bumababa siya at binuksan ang pintuan ko.

Never Been Taken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon