Chapter 23: Flirt

438 6 0
                                    



Andito kami ngayon sa building kung saan gagawin ang bar. It's a three story building kung saan rooftop ang itaas. Maganda yung building itself ang tanging kailangan lang ay konting renovations at upgrades. Andito pa lang kami sa first floor may naisip na agad ako na mga ideya. Ganun rin si John dahil nagkatinginan kami pagkatapos namin libutin ang first floor I know it's kinda weird but we understand each other through our eyes. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon kaming dalawa ang matutulungan. While I'm taking shots of the building he's taking sketches on his sketch pad ng mga naiisip niyang ideya.

Tapos na ako kaya naman napagpasyahan kong umakyat na ng second floor para kuhananan ito ng letrato, "I'll go to the next floor now."

Tinignan niya ako at tumango. One thing I noticed about him is he's so professional when it comes to his drawings and sketches hindi ko siya makausap. But I don't complain because it's good for someone because that means they are dedicated on their job. And they love what they do.

Pag taas ko ng second floor ay sobrang dilim kaya naman ibinaba ko muna ang camera ko nadadaanan ko yung mga ipis at nakikita ko yung mga sapot ng gagamba pero hindi ko pinansin dahil hindi naman ako takot sa gagamba at ipis wag lang talaga ako makakita ng daga paglapit ko sa unang bintana ay binuksan ko agad ang mga kurtina. Nung bubuksan ko na ang huling kurtina may...

"Ahhhhh!!!"

May daga akong nakita! Maliit na daga! Bubwit! Pero kahit na ayoko pa rin sa daga! Hindi nga ako mapalusong ni Gale at Jaise sa baha eh! Takot ako sa ihi ng daga! Sa mismong daga pa kaya!

Lalong lumakas ang tili ko na may ilalakas pa pala ng makita ko yung nanay nung bubwit! Ang laking daga! Agad akong sumamapa sa lamesa at nagtitili. Narinig ko ang malakas na hakbang sa hagdanan na pataas ilang sandali lang nakita ko na si John na papalapit sakin.

"What's happening?" Kitang kita ko ang pag aalala sa mata niya.

Tinuro ko yung daga. "May daga!"

"Takot ka sa daga?"

Inirapan ko siya. "Hindi ba obvious?"

"Ang liit na daga lang nyan. Bubwit lang yan." Sabi niya at binugaw yung daga.

"Maliit o malaki daga pa rin yan!"

"What do you want me to do?"

"Paalisin mo, hulihin mo, kainin mo, I don't care. I just don't wanna see that thing!"

Tinignan niya ko na para ba kong nababaliw, "What the hell?"

"Ahhhh!"

Nagtitili na naman ako ng makita ko yung malaking daga. Tili lang ako ng tili habang siya naman, hinahanap yung daga. Turo ako ng turo hanggang sa tuluyang lumabas sa bintana yung daga.

Pagkatapos ng nakakadiri ng pangyayaring yun ay bumaba na ko sa lamesa at ginawa na ang trabaho ko. Ganun rin siya na tahimik ng gumagawa ngayon. Pagkatapos namin gawin ang mga dapat namin gawin sinara na ulit namin ang mga bintana at kurtina.

"I really can't stand rats." Sabi ko habang palingon lingon. "Spiders, cockroach, kaya ko pa eh pero daga? No thanks."

"Ipis?" Tanong niya. He sounds terrified.

Never Been Taken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon