Chapter 5: Issues

599 10 0
                                    



Papunta ako ngayon sa condo ni Jay. May bagong episode na kasi ang walking dead at papanuodin namin yun ngayon. Hindi ako sinundo ng pakshet dahil galing siya sa bahay nung 'hinihintay' niya. Sinabi niya na rin ang pangalan dahil daw nagpapaligaw na. Pero hindi niya pa rin daw ipapakilala dahil hindi pa sila. Ang pangalan ay Hanna.

Nakasakay ako sa bus ngayon walang ibang dala kundi ang back pack ko na may lamang laptop. Wala akong pasok ngayon pero hindi porket wala akong pasok ay magpapahinga na ako sa trabaho ko. Nakasuot lang ako ng simpleng t-shirt at pantalon. Noong nag aaral ako sa UP ay ganito na talaga ako manamit pero hindi ako tomboy o boyish ang totoo niyan mahilig ako sa mag make up. Nakaupo ako sa bandang gitna ng bus ng merong isang pasahero na sumakay. Obviously he's gay at hindi siya nakabihis pangbabae pero naka make-up siya at itim na doll eyes. Pagkalampas niya sa bus driver ay tumawa yung driver at yung dalawang babae dun sa dalawahang upuan. Naiinis ako sakanila, bakit kailangan pagtawanan yung isang tao sa pagkatao niya lalo na kung wala namang ginagawang masama sakanila. Oo. Bakla si Patrick. Bakla ang ex ko. Oo galit ako sa kanya. Pero galit ako dahil sa ginawa niya hindi dahil sa bakla siya. Umupo yung bakla sa harapan ko. I felt bad for him, kasi pumasok siya nang nakayuko sa bus. Tapos ngayon naririnig ko pang umiiyak siya.

Tumayo ako dahil sa inis at pumunta sa harapan kahit umaandar yung bus. Agad kong hinarap yung dalawang babae. Halatang uneducated sila. Halatang mga bashers ng mga taong sikat at may napatunayan na sa buhay.

"It's the 21st century, we need to respect everyone's decision lalo na sa pagpili nila ng kung anong gusto nila sa buhay kung magiging babae, lalaki o bakla ba sila." Tinignan ako nung dalawang babae na para bang nanabaliw na ako. "Show some respect. Ang babata niyo pa ganyan na mga ugali niyo."

Kaya yung ibang bakla mahilig mang okray kasi hindi sila nirerespeto. Hindi ko naman nilalahat pero meron talagang ganon. Kasi ginagawa silang katatawanan dahil lang sa bakla sila.

"Ano bang pinagsasabi mo miss? Bakla ka ba?" Tanong nung mapayat na babae.

Mukha ba kong bakla!?

"Ang galing naman ng nagretoke sayo para ka talagang babae at boses babae ka rin." Sabi nung matabang babae. "Hindi katulad ng baklang yun ang pangit." Tumingin sila dun sa bakla at tumawa.

"Anong sabi mo? Pangit? Sa tingin mo sa pag sabi mo sa kanya ng pangit gumanda ka? Hindi. Pangit ka rin." Mga highschool pa lang sila mga maldita na. Iba na talaga mga kabataan ngayon. "Pinagtawanan niyo kasi bakla? Bakit anong nakakatawa sa pagiging bakla? Hindi ba dapat mas pagtawanan kayo dahil kung umasta kayo parang kayong pinagaralan?"

"Hindi mo kami kilala kaya wala kang karapatan sabihin na wala kaming pinagaralan." Sabi nung mapayat.

"Hindi niyo kilala yung bakla hindi niyo alam kung anong pinagdaanan niya hindi niyo alam kung gaano kahirap sa isang bakla na iladlad na bakla siya hindi niyo siya kilala kaya wala rin kayong karapatan para husgahan at pagtawanan siya sa pagiging bakla niya."

"Para!" Sabi ng mapayat. Tumigil si manong bus driver.

Tumayo sila at bago sila bumaba ay tumingin yung mataba sakin. "Wala ka sa paaralan at hindi ka guro kaya wag mo kaming turuan ng kung anong gusto namin gawin."

Sinundan ko sila pero nagtatakbo na sila kaya naman bumalik na ako sa loob. Mga bastos na bata.  Hindi man lang nila naisip na nakakababa ng pagkatao kapag napagtatawanan lalo na kapag nakukutya ka.

Never Been Taken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon