Chapter 18: Slap or kiss

384 5 0
                                    




Aga's POV

Ngayon ay lutang ako habang inaalala yung nangyari kanikanina lang. Yung pag ngiti niya, yung pag guhit niya sakin, yung abs niya yung pag lakad namin sa tabi ng dagat, yung pag lubog ng araw, at yung muntikan na halik. Pakshet. Kinikilig ako. Dahil kung titignan sobrang cheesy ng pangyayaring yun.

Sandali pa lang kaming nagkakasama pero parang madami na kong alam sa kanya parang kilala ko na talaga siya. Sobrang bukas niya sakin kahit ang sabi nila mailap siya babae. Sobrang game din siya sa mga gusto kong gawin kahit parang babae ang normal na mga gumagawa nun ang magpalinis ng mga kuko, ang mga pa spa, ang mag pamasahe, at nung kami lang dalawa ang nasa kwarto nila pinasuot niya sakin ang damit niya. Pakshet. Kinikilig na naman ako. Sobrang bango kasi ng damit niya ang sarap niya sigurong amuyin. Sobrang bait niya at sobrang gentleman hindi niya ako hinayaan dalhin siya bar kundi mas pinili niyang maglakad kami sa tabi ng dagat at mag usap.

"May mental ba dito?" Tanong ni gale.

"Ha?" Tinigil niya ang pagbabasa niya sa libro niya. "Hindi ko alam."

Hindi ko sila tinitignan pero nakikita ko sila sa gilid ng mata ko.

"Dalhin na natin sa mental yang kaibigan natin nababaliw na." Bulong ni gale na halata namang pinarinig niya.

Naramdaman kong nakatingin sila sakin kaya naman tinignan ko sila at napailing. "Mga baliw."

Lumapit ako sa kanila ng hindi pa rin nawawala ang mga ngiti. Andito kami ngayon sa kwarto namin kaming tatlo lang wala si Hanna dahil magkasama sila ng bespren kong si Jay samantalang hindi naman namin kapareho ng kwarto si Celestine dahil magkasama sila ng asawa niya. Nasa labas ang mga lalaki at nag seset up ng bonfire at kung anu ano sa tabing dagat.

"Anong kwento ng mga ngiti at mahihinang tawang yan?" Tanong ni gale.

Ibinaba ni Jaise ang libro niya, "In love ka ba?"

Ano nga bang rason ng mga ngiti at tawa ko? Kinikilig ako, alam ko. Pero bakit? Bakit ako kinikilig? Dahil sa kanya? Bakit ako kinikilig sa kanya? Dahil sa pangyayari. Tama ganun nga.

In love? Wala naman sinabing pangalan si Jaise pero si John ang naisip ko actually hindi naisip dahil siya naman talaga ang iniisip ko kanina pa. In love? Ako? Sa bwiset na yun? Hindi. Alam ko kung kanino ko in love sa boypren kong si Daniel. Siya ang boypren ko kaya dapat sa kanya ako in love. Sa kanya lang.

Nakatingin silang dalawa sakin at naghihintay ng sagot pero hindi ako sumagot at tinignan lang sila. Hindi ko alam pero hindi ko masagot kaya naman laking pasalamat ko ng may kumatok si Hanna at Celestine ayos na daw ang bonfire. Sabay sabay kaming pumunta sa bonfire kung saan andun ang mga pakshet na lalaki. At habang papalapit kami parang alam ko na kung anong sunod na mangyayari.

Spin the bottle.

We played this game so many times in college, lalo na pag nag a out of town ang barkada. Kaya naman alam na alam ko na pag ganyan ang set up ng bonfire at ng mga gamit at upuan.

"Spin the bottle with a twist." Sabi ni Erwin ng tuluyan kaming makalapit.

"Ano namang twist yan?" Tanong ni Gale pero sa boypren niyang si Nathan siya nakatingin. Nakataas na ang kilay niya. At alam mong magsusungit na. Mag bestfriend si Erwin at Nathan kaya naman alam niyang isa lang ang takbo ng mga utak nito ngayon.

Never Been Taken Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon