PROLOGUE

68.1K 1.2K 21
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

Happy Reading!


-------

Prologue

TINATANGGAP mo bang maging kabiyak ang lalaking ito? Sa hirap man o sa ginhawa? For better, for worse, for richer and for poorer?”

Gusto kong mapakamot sa ulo dahil sa tanong ng Pari. May bagay talaga na mahirap intindihin, Katulad na lang nito!

Naku naman!

Ako ‘yung tipo nang babae na hindi mo mapapansin na nag-e-exsit sa mundo. Second look nga paniguradong malabo! Pero hindi ko sinasabing pangit ako ha! Maganda ako at sexy may ipagmamalaki ang hinaharap.

Pero iba na kasi ngayon. Dahil isang araw pagkagising ko ikakasal na ako sa isang so hot! So yummy and so super gwapo na lalaki!

“Uulitin ko, Tinatanggap mo bang maging asawa ang lalaking ito? Sa hirap o ginhawa?”

Bigla akong napabalik sa reyalidad ng bumulong sa'akin ang lalaking katabi ko. “Say. I do, woman.” madiin niyang bulong sakin.

Para bang sinasabi na. Isang maling sagot ko lang ay malalagot ako sakanya! Kaya sa takot ay wala sa sarili 'kong sumagot ng “I do..”

Ngumiti si Father saka lumingon sa katabi ko. “Buong puso mo bang tinatanggap maging kabiyak ang babaeng ito? Sa hirap o sa ginhawa? For better, for—” Nawala ang pansin ko kay Father ng lumingon ako sa magiging asawa ko.

Na pasinghap ako ng makitang nakatitig pala ito sa’kin. ‘Yung titig na mangangatog ang mga tuhod mo. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko.

“I do..” He smirked. Kaya umiwas agad na ‘ko ng tingin.

“I now announced that you are already married. You may now kiss your bride!” The padre said.

AFTER wedding ceremony sunod-sunod ang flash ng camera ang syang sumalubong samin. Karamihan sa mga kasama ay business man. Malalaking tao at pulitiko. Sumakit na rin ang pisngi ko dahil sa kakangiti ng peke. Hinapit niya ‘ko sa bewang.

Kinilibutan ako ng bigla nalang itong bumulog.

“Your beautiful.” He said.

Kaya naman wala sa sarili akong napangiti. Sakto naman may flash ng camera!

Ay! Takte nakuhanan pa nga pamumula ng aking pisngi

Inaya na niya akong lumabas nang simbahan para makaiwas na rin sa mga tao.

Nang marating namin ang sasakyan ay agad niya ako pinagbuksan ng pintuan.

“Get in.” sabi nito tumango at sumakay ako na agad rin naman siyang sumunod. Tumingin sa amin ang driver na hindi naman mukhang driver.

“Saan tayo bossing?” tanong ng driver.

“In her parents place.” sabi niya sa driver na pinagtaka ko naman. Hindi na ako nagtangka pang magtanong.

Baka naman kasi dadaan lang kami para kunin ang mga gamit ko!

Malamang ay after wedding reception ay aalis kami para sa honeymoon.

After a few minutes. Nasa tapat na kami ng bahay namin. Agad naman siyang lumabas ng kotse. Nang akmang susunod ako ay agad naman ako nitong pinigilan.

“Please stay here.” pakiusap niya. Wala na akong nagawa kundi ang tumango.

Sumilip nalang ako sa bintana nakita ko siyang kausap ang mga magulang ko. Nasa bahay na pala ang mga ‘to. Hindi ba sila pupunta sa wedding reception  Kainis bakit ang tagal naman ata nila mag-usap?

Napangiti ako ng matanaw siyang pabalik at kasama pa ang mga magulang ko. Pero wala naman silang dalang maleta. Ah! Baka inutos sa katulong.

Nang bumukas ang kotse, kung ano nalang ang saya ko ay gan’on rin kabilis nawala ang ngiti ko ng hinawakan ako nito sa kamay at maharan akong hinila palabas. Nagtaka man ay hindi na ‘ko nagtanong.

“Baby Han..” It was my mama voice. Lumingon at lumapit ako sakanya.

“Ma!” niyakap ko ito at ganun din siya.

“I’m going.” mabils akong bumitaw kay mama at lumingon sa asawa ko.

“What?” I asked. Bakit saan siya pupunta? Hindi ba’t maghohoneymoon pa kami. Ba’t siya lang?!

“I have something to do. You stay your parents until I came home.” Saad nito. Napapitlag ako sa sinabi niya. Hinatak pa ako at saka mahigpit na niyakap.

“Wait for me.” bulong nito. Saka humiwalay sa pagkakayakap at mabilis na sumakay sa kotse niya. Wala akong makuhang salita mula sa bibig ko ng makitang humarorut na paalis ang sasakyan niya.

What the hell?!

A Mafia Boss Wife'sWhere stories live. Discover now