CHAPTER 3

25.2K 647 5
                                    

HINDI malaman ni Hannah kung saan niya ibabaling ang tingin dahil sa hiya. Kung bakit naman kasi bigla nalang siya napayakap dito ng malaman nito na si Alexander pala ang soon-to-be-husband niya.

Mas lalo pa siyang napahiya ng pag-isipan niya pa ito ng hindi maganda. Kainis! Umiinit na naman ang mukha niya.

Ang baliw kasi niya. Kasalanan talaga ni Julie ito. Kung ano-ano nalang kasi ang pinagsasabi ng isang iyon.

Palihim rin niyang sinusulyapan ang binata. Busy ito sa mga paper works na tambak na sa desk nito. Hindi lang pala super duper yummy at hot ang fiance niya masipag din ito.

Ideal man talaga ang binata.

Napakurap-kurap si Hannah ng magtama ang mga mata nilang dalawa. Agad rin niyang iniwas ang tingin sa lalaki. Hindi kasi niya kayang salubungin ang binibigay nitong pagtitig sakanya.

Inabala nalang niya ang paningin sa bawat sulok ng opisina nang binata. Maganda ang loob ng opisina. Window glass type kasi ito. Kitang-kita naman talaga ang buong manila.

Sakto rin ang taas ng gusali upang makita ang lungsod.

“Ang ganda..” mahina niyang sambit. Dahil dumidilim na ay talagang kamangha-mangha rin ang kislap ng ilaw mula sa city.

“Are you hungry?” agad niyang binalingan ang binata ng magsalita ito. Gusto sana niya sabihin na hindi pa. Ngunit bigla naman tumunog ang tiyan niya.

Nahihiya siyang ngumiti sa binata. Hindi nalang nagsalita ang lalaki pero inaya na lang siya nitong kumain sa labas.

Lumabas sila ng opisina ni Alexander at napansin niya ang mabilis na pag-aayos ng secretary nito. Tumaas ang kilay ni Hannah ng ayusin rin ng babae ang dibdib nito. Aba naman! May ipagmamalaki naman talaga ang bruha!

Matamis na ngumiti ang babae kay Alexander na talaga naman kinainis niya lalo. Mabuti na lamang dahil hindi pinansin ng binata ang secretary nito.

“Requirements ba sa kumpanya mo ang halos lumuwa na ang dibdib ng babaeng emplayado mo?” Asar nitong tanong sa binata ng nasa loob na sila ng private elevator.

“Ha? What are you talking about?” nalilito nitong tanong kay Hannah. Kumulo naman bigla ang dugo ni Hannah sa binata. Nagmaang-maangan pa ito.

“Iyong secretary mo. Nakita ko kung paano mo tignan ang dibdib niya.” Tinuran nito.

Natawa ng mahina si Alexander. “What now? Wala lang iyon sa akin.” saad ng binata.

“Sus kunwari ka pa! Kayo talagang mga lalaki ang hilig niyo sa gano'n!”

“It's normal for us..” Sumimangot siya lalo sa tinuran ng binata. Kainis naman! Tumingin siya sa dibdib niya may kalakihan rin naman siya. Hindi nga lang kasing laki ng sa secretary ni Alexander.

Umangat ang tingin siya ng marinig ang pagngisi ni Alexander. “You are comparing yourself with my secretary?” Nanlaki ang mata niya.

“H-hindi noh!”

“Good. Because you don't have to compare yourself with her. You are different of them.” Nakatitig lang sakanya si Alexander habang sinasabi iyon sakanya.

--

SA ISANG Five-star restaurant nagdinner sila Hannah at Alexander.
Hindi naman pala na sayang na sumama siya kanina kay Zane at Nico.

“Um.. Eras?” tawag niya kay Alexander. Bigla naman napatigil ang binata sa kanya. Kasabay no'n ay ang emosyon sa mga mata nito. Mabilis din nawala ang emosyon na iyon bago pa niya matukoy kung ano iyon.

“Eras?” tanong na saad ni Alexander

“Hindi mo ba mamasamain kung Eras nalang ang itatawag ko sa'yo imbis na Alexander?” Naiilang na tanong niya sa binata.

A Mafia Boss Wife'sWhere stories live. Discover now