CHAPTER 12

23K 520 8
                                    

NAGISING ako na magisa nalang sa kwarto namin mag asawa. Sinubukan ko bumangon pero bigla ako napadaing ng maramdaman ang kirot sa pagitan ng aking mga hita.

Halos mangiyak ako sa sakit. Ang laki naman kasi nang sa asawa ko kung hindi pa ako nakatulog sa sobrang kapaguran ay mukhang hindi ako nito titigilan kagabi. Napatingin ako sa sarili ko na may suot na akong maayos na damit.

Nang medyo maayos na ang kalagayan ko ay napadako ang tingin ko sa center table na may nakahain na pagkain. Maingat ako lumapit dito para tignan kung anong pagkain 'yon.

Usual panbreakfast na pagkain, mukhang bago pa ito dahil mainit pa. Natakam naman ako sa nakita, Maingat ko pinaupo ang sarili ko para makakain na din.

Nang matapos akong kumain ay nagpahinga muna ako saglit at pagkatapos ay naligo na ako dahil may klase pa ako.

Matapos ako sa pag aayos ay naisipan ko ng bumaba.

"Good morning Hannah.." masayang bati sakin ni Nico ng makita ako. May kasama itong isang lalaki.

Napatingin din sakin ang kasama ni Nico at ngumiti.. Mukhang maayos na ang lalaki, hindi na ito tulala tulad ng una niyang akong makita.

Ningitian ko naman silang dalawa.

"God damnit.. Why I'm so gwapo?" Sambit ni Nico habang nakatingin sa hawak nitong maliit na salamin.

Dahil sa sinabi nito ay hindi ko maiwasan pagtaasan siya ng kilay!

"Walangya nga naman nataasan pa tuloy ako ng kilay kasalanan na ba ang pagsasabi ng totoo?." Dinig kong sabi ni Nico. Hindi naman masama magsabi ng totoo kung pawang katutohanan lamang.

Nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay kumindat pa ito sakin.

Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Napaka sinungaling na tao! Aminado naman ako na gwapo nga siya pati na rin ang kasama nito pero mas gwapo nga lang ang asawa ko.

And speaking of my hottie husband. May pagkahawig ang kasama ni Nico sa asawa ko. Salubong ang mga kilay nito dahilan para maging kahawig ni Eras. Siguro ay magkapatid sila.

"Hehe.. Sabi ko naman sa'yo. Ice ngumiti ka, h'wag mo pinapasan ang mundo." Malokong sabi ni Nico.

"Ulol" agad na sabi na tinawag niyang Ice, atsaka siya nito binato ng throw pillow. Napabaling ang tingin ko kay Ice. Nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya ay nabaling ang tiningin niya sa akin. Mabilis akong napaiwas ng tingin dito.

Gezz.. Baka kung ano pa ang isipin niya.

"Si Eras nga pala nakita niyo?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Sila lang naman kasi ang tao dito sa may sala eh. Nasaan na kaya ang lalaking 'yon. May usapan pa naman kami na ihahatid ako nito sa school.

"Maagang umalis si Kuya, ate Hannah. Ang bilin niya sa'min kami na mag hahatid sa'yo." Mabilis napakunot ang noo ko. Kuya? So hindi ako nagkamali? Magkapatid talaga sila.

Agad rin ako tumango dahil sa sinabi niya. Tsaka inaya silang umaalis nauna na ako sa labas ng bahay.. Ramdam ko rin ang pagsunod nilang dalawa sa'kin.

--

"DITO na lang ako, salamat." paalam ko. Hindi ko na hinintay ang pagbuksan nila ako ng kotse kahit alam kong gagawin iyon ng isa sa kanila. Mabilis akong bumaba ng sasakyan.

Agad ako naupo nang makarating ako sa loob ng classroom, pansin ko rin ang pagkakunot ng noo ni Julie nang makita ako. Agad siyang lumapit sa akin at naupo sa may tabi ko.

"Bakla bakit ka pumasok agad? Hindi ka muna dapat pumasok." Malumalay na sabi nito. Halata ko rin ang pag-alala niya.

"Wala rin namang mangyayari kung magkukulong ako."

A Mafia Boss Wife'sWhere stories live. Discover now