CHAPTER 15

22.3K 477 2
                                    


JENNY'S POV

"Stay Jenny! Stay..!" Mariin niyang sabi. Napabungtong hininga na lang ako. Paano ako aalis nito kung may sagabal? Kanina pa dapat ako nakaalis kung hindi lang may saltik ang lalaki na ito ngayon!

Kung ako lang ay ayaw ko rin umalis pero ito ang parte ko sa misyon ito. At isa pa ay hindi naman siya ang makakatikim ng galit mula sa kuya niya eh!

Kinalma ko muna ang sarili ko, wala naman patutunguhan kung parehas kaming magmamatigas!

"Ice, trabaho ito." sabi ko habang padabog na umupo. Hindi siya sumagot bagkus ay tumingin siya sa mga mata ko ng seryoso. Napaiwas ako ng tingin ng 'di ko kaya makipagtitigan sa kanya, lalo na at kailangan kong umalis.

Imbis na sumagot ay tumayo ito,
"I'll be right back." sabi niya at lumabas ng apartment ko. Nakakabaliw na may fiance ka na katulad niya.  Akala ko maiintindihan niya ako dahil pareho lang naman kami ng trabaho.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot ng makita kung sino ang tumatawag..

['Hey, Jenny where are you na ba ha? Wag mong sabihin na kinakawawa ka na naman ni Yelo? Aww poor Jenny.']

Bitch! Kung hindi lang kita katrabaho hindi ako mag dadalawang isip na patayin ka.

"Wag mo ako simulan Grace, just wait for me I'll be there in 20mins," I said at pinatay ang tawag. Saka ako nagmadaling umalis ng bahay.. Bahala na!

Hindi umabot ang dalawapung minuto nang dumating ako sa lugar kung saan ang location ni Grace. Agad ko naman siyang hinanap ng pumasok ako sa loob.

Hindi naman ako nabigo at agad ko naman siyang nakita sa isang table at may kausap na lalaki.

I smirked, Iba talaga kapag may ka partner kang bitch.

"Hi I'm sorry, I'm late." sabi ko at umupo sa isang bakanteng upuan. Tumingin naman sa'kin ang lalake na sa edad itong 45 year old.

"It's okay dear, so what that for?" Tanong niya habang uminum ito ng wine. Nasa isang mamahaling restaurant kami at ang kasama namin ngayon ay isang kilalang businessman. Hindi ito tumupad sa usapan nila ni Mr.Lionce. At alam kung hindi makitid ang utak ni boss para lang ipagawa sa'min ang mission na ito. May mas malaki pa siyang dahilan.

"Alam mo kung bakit kami nandito," I said.

He's chuckled na para bang nakikipagbiruan kami.. And I'm irritating.

"Speak Mr. Hand." sabi ko at tinignan siya ng masama.

"Tingin niyo ba kaya nyo ako? Two girls for my life disappear? That's insane ladies." sabi niya at tumawa na parang demonyo. "Wala kayong makukuhang importation sa'kin. Matagal na akong--" I curse when someone shot him kaya hindi niya naituloy ang sasabihin nito.

Wala ng buhay ito nang nahulog nalang sa kinauupuan niya.

Bigla naman nag panic ang mga taong sa loob nitong restaurant nagsisilabasan ang mga tao sa loob ang iba naman ay umiiyak dahil sa takot.

"Sh*t!" rinig kong bulong ni Grace ng makabawi ito. Nilibot ko ang mga mata ko para makita kung sino ang may kagagawan.

Agad akong tumakbo ng mamataan ko sa labas ang isang lalake na may dalang baril.

Mabilis akong tumakbo palabas at agad ko siyang pinaputukan. Pero it's too late dahil mabilis niyang napaandar ang big bike niya.

Damn Red Organization.

"Kilala mo?" Hingal na tanong sa'kin ni Grace. "No" pagsisinungaling ko. And I don't know kung bakit nakikialam sila.

Hindi pwedeng buhay pa siya.

A Mafia Boss Wife'sWhere stories live. Discover now