CHAPTER 17

19.8K 518 5
                                    

Jake's Pov

Muli na man kami na nagkita ng tao'ng akala ko ay hindi ko na muli pa na makikita.

"Bakit mo pinatakas?" Nagulat ako ng biglang may magsalita mula sa likod ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Ice na bigla-bigla na lang sumusulpot.

Ningisihan lang ako nito at tinapik ang balikat ko.

"Uhh.. Alam mo kung sino ang tinutukoy ko Jake, bakit, pagkakataon mo na 'yon? Bakit 'di mo tinuluyan?" Saad na tanong nito.

"Desisyon ko 'yon, wag mo ako pakialaman Ice," iniwan ko siyang napapailing na lang. Hindi ko pwedeng tapusin ang taong tinutukoy niya. Hindi ito ang tamang panahon para bawian sya ng buhay.

Matapos ang araw na yon. Ang araw kung saan kami sumugod sa lungga ni Grey Ramlez. Du'n ko lang pala sya makikita. Gusto ko syang kausapin. Gusto ko syang yakapin. Pero lahat ng yun ay bigla na lang napalitan ng galit! Galit ako!

Galit ako sa sarili ko dahil sa kaduwagan na meron ako pagdating sakanya.

Dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang dahilan niya, kung bakit nya ako iniwan at kung bakit hindi sya bumalik.

Bakit nga ba Julie?!

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na, nasa hideout na pala ako.

"Tol, baka malunod ka ang lamin ng iniisip mo ah.. Kung iniisip mo kung bakit hindi ka pinag-pala gaya ko, truth hurts yun pre.." nakangising sabi ni Nico.

Sinamaan ko siya ng tingin, gago 'to. Saan ba ito kumukuha ng kakapalan ng mukha.

Ngunit hindi ko palalagpasin ang sinasabi nito, "Iyon na nga tol, kahit kailan nakakasakit ang katotohanan na mas pogi ako sa'yo." Pagyayabang na saad ko. Tinapik ko pa siya sa balikat niya atsaka ko sya iniwan.

"Aba bumalik ka dito gago!" sigaw niya sakin.

Kailangan ko ng bumalik sa trabaho, hayaan mo Julie.. Maniningil din ako sa'yo balang araw!


Hanna Lynne's PoV

Nakatingin lang ako kay Eras, habang busy ito sa kanyang laptop. Tinaasan ko siya ng kilay ng napasulyap ito sa'kin.

"What..?" seryoso saad niya,

"Paano niyo nalaman kung nasaan ako nung nakaraang gabi?" Tanong ko, ngunit hindi naman ako nito sinagot. Binaling ang sarili sa laptop.

Dahil wala na man ako'ng nakuhang sagot ay iniwan ko si Eras sa kwarto.

Naiinis ako dahil 'di naman niya sinagot ang tanong ko. Pang-ilan beses ko na ba s'yang tinanong? Ang kaso ay wala talaga ako'ng makuhang sagot.

Miski sa mga galamay niya ay wala rin, sakatunayan ay iniiwasan pa ako ng tatlong unggoy.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha.

From: unknown

I'm watching you.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa laman ng text na 'to. Baliw ata to eh. Anong 'I'm watching you' pa syang nalalaman.

To: Unknown

Wrong sent ka po :>

Message sent

Tinignan ko ulit ang cellphone ko baka kasi nag reply na kung sino man siya. Pero sampong minuto na ang nakakalipas ay wala pa rin itong reply.

A Mafia Boss Wife'sWhere stories live. Discover now