CHAPTER 13

22.8K 511 4
                                    

HAWAK-hawak ni Eras ang kamay ko ng makarating kami sa bahay, binitawan nya lang ito ng pinagbuksan niya ako ng kotse at maingat ako nitong inalalayan pababa na para bang hindi ko kaya.

"Kaya ko na man," sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin at hindi pinansin ang sinabi ko.

Nang papasok na kami sa loob ay maingay at asaran ang bumungad sa amin.

“Iba talaga kapag gwapo grabing swerte ito. Oh! Yelo talo ka na naman, ano ba yan talo ka na nga pagdating sa usapang kagwapuhan, talo ka pa din sa baraha?” mahangin na asar ni Nico sa kapatid ni Eras..

“Lakas ng hangin mo Nikolas tangayin ka sana ng bagyo!" Pikon na sabi ni Ice. Mukhang asar talo pa naman ang isang 'to!

Napansin ko naman na bukod kila Nico ay may dalawa pa silang kasama habang ang mga ito ay tinawanan lang ang asaran ng dalawa.

Bigla naman sila bumaling sa amin ng mapansin nila ang prisensya namin ng kasama ko at mabilis pa sa kidlat sila nagsitayuan, malaliban na lang kay Ice na prenteng nakaupo sa single couch at mukha pa itong walang pakialam.

Nagsilapitan ang dalawang lalaki para bumati at nagpakilala.

"Yow boss! Hi miss Hanna, Jake nga pala Ma'am at your service." Pakilala nito sabay saludo. Lumapit sa akin ang nagpakilalang Jake at nakipagkamay ito.

"Glad to meet you Jake.." nakangiti na sabi ko naman. Mukhang mabait ito at matino kaysa mga kasama nito.

Ang sumunod naman nagpakilala ay ang kasama nito.

"Hi Ma'am call me like your lover and love me–" Hindi naituloy pa nang lalaki kung ano man ang sasabihin nito nang biglang tinutukan siya ni Eras ng baril. "Shit!" Sigaw nito at mabalis na tumakbo.

Agad naman ako napalingon kay Eras na nakapamulsang umalis. Kunot-noo ko siyang pinagmasdan habang paakyat sa hagdan, saan galing ang baril? Wala naman siyang hawak na baril kanina.

Napatingin ako sa lalake na ngayon ay na sa likod na nang inuupuan ngayon ni Ice. Nang makita nito na wala na si Eras para itong nakahinga ng maluwang. Nagpupunas pa ito ng imaginary pawis sa noo.

"Whoa.. Buti na lang pogi ako. Ian nga pala Ma'am, pasensya na Miss Hannah." Ngiti niyang sabi agad naman akong tumango saka iniwan sila at pumunta sa isang sofa umupo ako dun atsaka ko binuksan ang TV.

Ilang minuto ang lumipas bigla naman may isang matinis na boses ang narinig namin.

"I'm homeeee people!" sigaw ng bagong dating na babae maiksi ang buhok nito may maliit na mukha, payat pero bagay ito sakanya. Dahil nakasuot ito ng itim na leather jacket at sa loob nito ay black tube at puting pantalon naman ang suot nitong pang-ibaba. Mas lalong lumitaw ang kaputihan at kagandahan nito.

Napalingon ako kay Nico ng marinig ko itong magsalita. "Nandito na ang babaeng bansot!" Pang-aasar na sabi nito. Nagtawanan ang mga ito ng lumapit sakanya ang babae kay Nico at walang sabing binatukan ang binata.

"Kahit kailan ka talaga Nikolas, hindi ako bansot at hindi ko kasalanan kung maganda at kyut akong 5'2!" Sabi niya with matching taas kilay.

Himas himas naman ni Nico ang ulo, "Eh bansot ka naman talaga.." sabi nito.

"Siraulo ka talaga! Isa pa isang araw rin tayong hindi nagkita. I'm sure to be surely namiss mo ang bansot na ‘to." sabi nito at agad naman tumayo si Nico. Hinigit niya palapit sakanya ang dalaga at mahigpit itong niyakap sabay naglapat ang mga labi nila.

Napakurap naman ako dahil sa gulat, hindi ba sila nahihiya naghahalikan sa harap pa namin.

Hindi halatang namiss nila ang isa't-isa ang sweet lang nila tignan.

A Mafia Boss Wife'sWhere stories live. Discover now