CHAPTER 26

15.8K 304 1
                                    

GABI NA ng dumating ako sa bahay, mukhang hindi pa nakakauwi si Eras dahil nakapatay pa ang lahat ng ilaw sa loob. At mukhang wala rin sila Nico.

Nagdadalawang isip rin ako kung papasok ba ako o hindi? Paano kung may bigla lumitaw habang pumapasok ako ng bahay.
Letse heto na nga ba ang nakukuha ko sa kakapanood ng horror movie.

Mas mabuti pa na tawagan ko na lang si Eras, hindi na ako naiinis sa kanya. May tiwala naman ako sa kanya eh.

At alam kong hindi s'ya gagawa ng dahilan para magalit ako at dahilan ng pag-iwan ko sakanya.

"Wife?" Mabuti na lang at mabilis itong sumagot ng tawag.

"Eras, nasa labas ako ng bahay," dinig ko pa ang ingay mula sa kabilang linya.

"Wait for me" pinatay ko na ang tawag. Umupo ako sa tapat ng gate.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa harapan ko na si Eras at may dala itong plastic bag ng pagkain. Nang makita ko yun ay agad kong kinuha ang dala nya at madaling tumalikod sa kanya.

Mukhang hindi naman ito nagulat, marahil ay alam nito na gutom ako.

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay ay sa kusina ako dumiretso para ilagay ang pagkain sa plato, hindi ko na kaya gutom na talaga ako!

Hindi ko pinansin si Eras na nakasunod pala sa akin. Basta ang mahalaga ay maubos ko itong pagkain na dala niya.

"Wife, about what happened, I'm sorry.. I know you mad but please wife, can you trust me?" Tinapunan ko lang siya ng tingin tapos ay sa pagkain ulit ako nagfucos.

Nang lingunin ko ito ay para naman itong maiiyak na, huminga muna ako ng malalim. Uminom ng tubig at saka ko siya hinarap.

"I love you Eras, may tiwala ako sayo at magtitiwala saiyo, huwag mo sana sayangin." Saad ko at tumalikod sakanya.

Dahil sa sinabi ko, dahilan para yakapin ako ni Eras mula sa likod. "I love you too, thank you my love." Galak nitong sabi  sabay halik nya sa pisngi ko.

KINABUKSAN, dahil bati na kami ng magaling kong asawa, napag-usapan namin na sabay kami nitong kakain ng hapunan.

Kaya naman pagkatapos ko sa school ay sa opisina na ako dumiretso.

"Hello Ma'am." Magalang na bati sa akin ng guard,

Dahil kilala na ako dito ay lahat ng makakasalubong ko ay mabait na bumabati sa akin. "Good day, Ma'am."

"Hi Mrs. Lionce."

Iilan sa kanila ay binabati ako, ngiti na lang ang sinusuklian ko sa kanila. yun iba naman ay yumuyuko kapag napapadaan ako sa kanila. Awkward lang talaga. Dahil masyado silang magalang, dahil ba sa asawa ako ng amo nila?

Minsan nga sinasabihan ko sila na, huwag na yumuko kung babatiin man nila ako.

Alam kong dyosa ako pero my God hindi na nila kailangan magbigay pugay pa.

"Blooming mo po Mrs. Lionce," pang-uutong sabi sa akin ni ateng secretary.

Ngumiti na lang ako at nagpasalamat. Tapos ay pinapasok na n'ya ako sa loob ng opisina.

Wala si Eras dahil may meeting pa raw ito.

Inikot-ikot ko muna ang paningin ko sa loob ng office ni Eras, napadako ang tingin ko sa isang picture frame na nasa table n'ya. Napangiti na lang ako ng maalala ko ito. Ito yung picture namin nung ikasal kami.

Muntik ko ng mabitawan ang hawak ko nang may biglang yumakap sa akin, "I'm hungry."

Humarap ako sa kanya, "Ako din, kaya nagdala ako for lunch natin." Masayang sabi ko. Nilabas ko ang dala kong pagkain.

A Mafia Boss Wife'sWhere stories live. Discover now