CHAPTER 27

14.4K 313 3
                                    

NICO'S POV


"Bro catch," binato ko kay Jake ang binigay sa'kin ni Ian.

Nakauwi na pala ang dalawa galing sa misyon nila.

"Hoy! Ano yan, ah?!" Napasipol ako, nakita pala ni Julie. Masama ang tingin ni Jake sa akin, magkakawar 3rd ata ang dalawa dahil sa ginawa ko.

"Bakit may ganito ka? H-hoy Jake, ano 'to ah?" Inigaw ni Julie ang hawak ni Jake. Ngumisi lang ako kay Jake na ngayon ay namumutla na.

Loko rin kasi itong si Ian mabibigay na nga lang condom pa.

"Tss... Hindi sa'kin yan. Pinapahawak lang sa'kin ni Nico 'yan." Napa-ayos ako bigla sa pagkakaupo, saka ako tumingin sa katabi ko.

Whooa! Buti na lang at naka-earphones siya kaya malamang hindi n'ya iyon narinig.

Pero akala ko lang pala yun dahil nagpeke ito ng ubo. Napalingon tuloy ako sa kanya. Halos humiwalay ang kagwapuhan ko sa akin, dahil ang sama ng tingin nito.

Napangiwi na lang ako nang mas lalong tumalim ang tingin niya. Parang pinapahiwatig nito sa akin na malalagot ako sa kanya.

Hindi lang iyon, pinatunog pa nito ang mga daliri niya. Dahilan para mapalunok ako ng wala sa oras.

"Locate my wife, NOW!" Halos lahat kami ay muntikan ng mapatalon, dahil sa biglaang dating ni Alexander.

Anong problema? Itong si bossing talaga napakaclingy sa asawa, nalingat lang si Hannah.

Pero hindi ba't magkasama ang dalawa?!

"A-aray" napahawak ako sa tagiliran ko dahil sa sikong tumama rito.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Mr. Lionce, Nikolas? Baka gusto mong paglamayan dito kapag hindi kapa kumilos dyan." Ngising sabi ni Ian.

"Sasaluhin mo naman para sa akin ang pagmamahal ng bala ni boss, Ian baby diba? Ganun mo ako kamahal. Pakiss nga Ian-tot.."

"Gago ka!" Binato n'ya ako ng unan. Buti na lang at na-ilagan ko ito kung hindi sa baby face handsome ako matatamaan.

Lahat kami ay naging alisto at busy sa paglocate kay Ms. Hannah.

Ngunit hirap hanapin ang location nito.

Taranta na rin si bossing dahil nakapatay ang phone nito.

"Baka empty batt lang bossing." Lumabas na naman ang pagkasip-sip ni Ian. Tinignan siya ng masama ni boss. Buti nga sa kanya.

Akala siguro nito ikaka-gwapo niya ang palusot nito.

Lumipas ang isang oras, wala pa rin kaming balita. Tumingin ako kay Jenny na tahimik lang sa kakakulikot nito sa laptop niya.

"Located na Kuya, nasa Makati." Biglang sabi ni Yelo. Lahat kami ay napalingon kay Ice na ngayon pa lang nagka-dialogue sa story na 'to.

Iyan ang napapala ng tahimik hindi napapasin sa eksena.

"Anong ginagawa n'ya sa Makati? May kamag-anak ba sila doon Boss?" Tangang tanong naman ni Ian.

Minsan na aawa na rin ako sa katangahan nito eh. Wala naman kasing kamag-anak o kaibigan si Miss. Hannah sa Makati.

Bukod tanging si Julie lang ang kaibigan nito.

Hindi sinagot ni boss ang tanong ni Ian. Sa halip ay tinignan lang siya ni Boss ng masama.

Ang kaninang pag-alala at pagtataka namin ay biglang napawi dahil sa taong dumating.

"I'm home!" masayang sabi nito. Biglang tumayo si Boss at sinalubong ito ng isang sampal.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Mafia Boss Wife'sWhere stories live. Discover now