CHAPTER 19

19.3K 459 9
                                    

Jake's PoV

Napatayo ako ng tuwid ng matanaw ko si Miss Hannah palabas na ng Main Gate ng School habang kasama niya No need to mention.

Kapag minamalas ka nga naman talaga.

Taena nyo Nico at Ian mukhang sinasadya n'yo talaga ito.

"Jake, ayos ka lang ba?" Bati na tanong sakin ni miss Hannah, pa'no ba naman magkasalubong ang dalawa kong kilay.

Tsk! Malas! malas na malas talaga.

"Opo miss Hannah," labas ilong na sabi ko. Pinagbuksan ko na siya ng pintuan ng kotse. "Salamat Jake, Julie  sasabay kapa ba pauwi?" Tanong niya nito sa kasama.

Wag na sana sumabay, kaya naman n'yan umuwi mag-isa eh.

"O—sige," sagot ng Julie. Sasabay pa nga.

"Tsk..."

"May problema ka ba Jake?"

"Wala miss.." sagot ko, gusto ko sana sagutin na, yung kasama n'ya ang problema ko.

"Sure ka? Talaga ba na ayos ka lang? Wala ka ata sa mood eh.." sabi pa nito, buti naman at pansin mo, pero itong isa mukhang walang pakiramdam, bwisit talaga.

"Ahh.. Bakla! Wait naalala ko pala na may lakad pa pala ako hehe... Tama, oo may lakad ako sa ibang araw na lang.." palusot niya pang sabi. Buti naman at hindi ka manhid para hindi mo maramdaman na may isang taong ayaw ka na kasama. Walanghiya ang bitter!

Pero okay lang kesa naman maging plastic..

"Sigurado ka?"

"Oo, sige bye! Kita na lang tayo bukas," nagpaalam na nga ito kay miss Hannah.

"Okay, bye." Pinatakbo ko na agad ang sasakyan pagkasakay ni miss Hannah.

--

Pero kinabukasan...

"Ako na naman? Hindi ba't trabaho niyo yun?" Inis na sabi ko kay Ian, sinabihan kasi ako nito na, ako ulit ang susundo sa asawa ni bossing.

"Anong kami? Ugok trabaho natin, saka may utos sa akin si bossing kaya hindi ako pwede ngayon, tapos si Nico naman ay may date." Ani niya.

Ano pa nga ba magagawa ko, nagpaalam na si Ian. Importante raw ang utos sa kanya ni bossing.

Nasa labas na ako at hinihintay na lang ang paglabas ni miss Hannah.

Umayos ako sa pagkakatayo ng papalapit na si miss Hannah, kasama na naman nito ang kaibigan.

"Ay bakla, h—hindi na lang ako sasabay ngayon," dinig kong sabi nito, buti naman. Ayaw pa man din kita makasama.

"H—huh? Pero sabi mo ay sasabay ka," takang tanong ni miss Hannah.

"May ano—may lakad pa pala ako hehe.."

Pero parang hindi sumang-ayon ang tadhana ngayon, pakiramdam ko ay binaksakan ako ng langit isama na natin pati ang impeyerno ng marinig ko ang tugon ni Hannah.

"Edi ihahatid ka na namin, halika na,  sakay na para hindi ka mahuli sa pupuntahan mo," Pangu-ngumbisi ni Hannah sa kaibigan.

Napa-buntonghininga na lang ako ng sumakay na silang dalawa. Kahit labag sa kalooban ko ay wala na akong magagawa pa.

Tinignan ko sa front mirror si miss Hannah ng tanungin ako nito, kung ayos lang daw ba sa'kin na ihatid ko sa pupuntahan ang kaibigan niya.

Wala naman na ako magagawa kahit na ayoko ay pumayag na lang ako,

"Sige miss Hannah ," sabi ko. Agad naman sumakay ang babae sa tabi ni miss Hannah, pero pinalipat naman agad nito ang kaibigan.

"Sa front seat ka na pumuwesto Juls, Jake kay Eras mo ako ihatid sabay raw kami mag magdi-dinner ngayon," aniya. Tumango ako bilang sagot. Badtrip malas bwisit talaga.

A Mafia Boss Wife'sWhere stories live. Discover now