CHAPTER 5

25.1K 617 20
                                    

NAPAPAKAGAT ng labi si Hannah habang inaalala ang halikan nila ni Eras. Until now she still felt enjoys his lips. Kinikilig talaga siya at nababaliw pala ang halik ni Eras. Mahusay kasi itong humalik dahil halos hindi na niya ito masabayan.

May pasok pa siya pero ayos lang iyon. Napag-usapan naman nila ng binata na ihahatid siya nito bukas. Sa bahay nila natulog si Eras masyado na kasing malalim ang gabi para umuwi pa. Baka kung mapano pa ito.

Bumangon si Hannah para bumaba. Magtitimpla na lang siya ng gatas para sa gayon ay mabilis siyang makatulog. Natigil siya sa paghakbang nang makita si Eras na umiinom ng tubig.

Bigla siyang kinabahan at nahiya. Hindi rin ba ito makatulog katulad niya? Ayaw niya mag assume, bago pa siya lumapit sa binata ay huminga muna ito ng malalim saka nilapitan.

“Eras?” Agad naman napatingin ang binata sakanya. Biglang nagsalubong ang mga kilay nito ng makita siya.

“Bakit gising ka pa?” tanong ni Eras kay Hannah.

“Hindi kasi ako dinadalaw ng antok. Kaya naisip kong magtimpla na lang ng gatas. Ikaw bakit gising ka pa rin?”

Nagkibitbalikat nalang ang binata at hindi siya nito sinagot. Tumalikod si Eras at maya't maya ay inabot ang isang basong gatas.

“Here.” agad naman kinuha ni Hannah ang gatas. Hindi na lang niya pinansin kung bakit hindi sinagot ni Eras ang tanong niya. Bigla siyang nailang sa pagtitig ni Eras sakanya.

Kaya naman agad siyang nagpasalamat sa binata. Hindi pa man siya nakakahakbang paalis ay pinigilan na siya ni Eras.

“B-bakit?” tanong niya. Imbis na sumagot si Eras ay mabilis na dumampi ang labi nito sa labi niya.

“Goodnight..” He smirked. At iniwan na siya nitong gulat na gulat. Damn!

Kinaumagahan ay nangingitim ang ilalim ng mga mata ni Hannah. Hindi kasi ito nakatulog ng mabuti dahil sa ginawa ni Eras sakanya.

Nasa hapag na ang mga magulang ng bumaba siya. Kasama ang taong dahilan ng pangingitim ng mga mata ni Hannah. Binati niya ang mga magulang maliban sa binata.

Naupo si Hannah sa tabing upuan kung saan nakaupo si Eras.

“Are you fine baby Han?” tanong ng Mama niya ng makaupo siya. Kumuha si Hannah ng pagkain saka ngumiti sa Mama niya.

“Opo Ma.”

“Wala kabang sakit? Bakit nangingitim iyang mga mata mo?” tanong pa ng ina. Binalingan niya si Eras ng marinig nito ang biglang pagtikim ng binata.

Inirapan nalang niya si Eras ng mapatingin ang binata sa kanya habang nakangisi pa ito.

“Baka naman po Tita may iniisip lang siya kagabi.” muntikan ng maibuga ni Hannah ang gatas na iniinom niya. Nanlaki pa ang mga singkit nitong mata sa tinuran ng binata. Mukhang pinagkakatuwaan pa siya nito.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay muli niyang inirapan si Eras.

“Totoo ba iyon anak? Ano naman ang iisipin mo?” kuriyos na tanong pa ng ama.

“Wala po akong iniisip Pa. Sadyang hindi lang po ako makatulog kagabi.” nagkibitbalikat nalang ang tatlo.

Mabilis na tinapos ni Hannah ang agahan para makaiwas siya sa binata. Nagpaalam siya sa mga magulang at madaling umalis.

“Iniisip mo ba ako kagabi?” napapikit ng mariin si Hannah ng mabilis rin palang nakasunod sakanya ang lalaki.

“Hindi!” mabilis siya naglakad para makaiwas kay Eras. Nguni't agad naman siya pinigilan ng binata at pinaharap sa kanya.

A Mafia Boss Wife'sWhere stories live. Discover now