CHAPTER 10

29.3K 762 4
                                    


LAKAD at takbo ang ginawa ni Hannah habang palayo sa mga taong humahabol sa kanya. Kahit sobrang pagod na siya ay wala sa isip niya ang magpahinga. Kailangan niyang mas makalayo pa sa mga taong hinahabol siya.

Kailangan niyang tumakbo para makatakas!

"Bwisit!" Inis na sambit ni Hannah nang muntikan na siyang mapasubsub sa daan. Habang tumatakbo si Hannah ay nililibut din niya ang mga mata. Nagbabakasali siyang baka may pwede siyang pagtaguan.

She need to run faster! Hindi siya pwedeng mahabol ng Greg na iyon!

Walang pag-aalinlangan na lumiko si Hannah sa isang madilim na eskinita! Bahala na kahit madilim ang lugar na iyon, ang importante ay makapagtago siya. Hindi na rin niya kayang tumakbo pa!

Nanginginig na rin ang mga tuhod niya sa sobrang pagod sa pagtakbo!

Pagod na pagod na ako, kanina pa ako tumatakbo!

Hindi naman siya shunga para magpahuli. Hindi niya hahayaan na mahuli siya! Hindi siya bobo para magpahuli sakanila.

Kahit nga ang mga runner ng Olympics tumatakbo para manalo. Pero siya ibang rason niya kung bakit kinakailangan niyang tumatakbo nang mabilis para mabuhay!

Kumbaga bawal ang preno, bawal ang break kahit masakit na ang mga paa ni Hannah!

Hindi niya pwedeng gawing dahilan ang pagod, dahil ang goal niya ngayon ay para tumakas at mabuhay!

Naiinis siya kasi sa dami ng nabubuhay sa mundo bakit siya pa? Bakit ang pamilya niya pa?

Ngunit kahit gaano pa man niya ka gustong tumakas hindi na niya talaga kaya pang tumakbo.

Nang may makita siyang pwede niyang pagtaguan ay walang alinlangan siyang nagtago sa isang malaking drum dun.

Thanks God! Dahil wala 'tong masyadong laman maliban sa mga dahon-dahon!

Mabilis niyang pinag kasaya ang sarili sa drum at doon ay nagtago sa loob nito.

Pwede na 'to! Anang sa isip ni Hannah!

"HANAPIN nyo siya! Hindi pwede makalayo ang babae na iyon!" rinig niyang sigaw ng isang lalaki.

Kahit alam niyang hindi na man siya nila nito maririnig ay mabilis tinakpan ni Hannah ang bibig at kasama na rin ang ilong.

Dahil siguro sa sobrang kabog ng dibdib niya at sa takot ay naisip niyang pati hininga nito ay maririnig nila.

"Boss wala dito! Mukhang nakatakas na iyon ng tuluyan."

"Mga hangal! Hanapin niyo tiyak hindi pa nakakalayo 'yun." Galit na utos ni Greg sa mga tauhan!

Oh God please help me! Please save me.

Ayaw pa niyang mamatay!

Nanlaki ang mga mata ni Hannah nang maramdaman niyang may lumalapit sa kinaroroonan niya.

Sa sobrang takot at lakas ng kabog ng dibdib niya ay hindi niya maiwasan ang umiyak ng tahimik!

"Ano pa bang ginagawa niyo diyan? Hanapin niyo doon!"

"Sige Boss!" sagot ng mga tauhan ni Greg!

"Papatayin talaga kitang babae ka 'pag nahanap kita!” Inis na sabi ni Greg sa sarili saka umalis. Pero bago pa man siya umalis ay sinipa niya pa muna ang drum kung nasaan si Hannah!

Nang marining niya ang yapak ng mga ito na nagsisi-alisan, mula sa lugar kung na saan man siya. Saka lang niya nalaman ang salitang huminga!

Dahan-dahan sumilip si Hannah sa labas kung may tao pa ba.

A Mafia Boss Wife'sOù les histoires vivent. Découvrez maintenant