GB4

2K 41 0
                                    

"Mahalimuyak na amoy ng dama de noche at rosas ang syang pumapailang-lang sa malamig ng simoy ng hangin. Maliwanag ang buwan sa gabing ito at tila napakapayapa ng buong sanlibutan ngunit...

"Iyak, panaghoy, sigaw, ang syang laging naririnig sa buong araw at magdamag. Naririyan ang mga mananakop na walang awang umaapi at dumudusta sa atin! Ano ba ang ating pagkakamali upang ang Diyos ay mamuhi sa atin ng ganito?

" Sana nga sa araw na itinakda, ay maibsan man lamang kahit panandalian ang takot at pangambang nararamdaman ng buong bayan ngunit, di maaalis sa akin ang patuloy na magalit pagkat ang mga sakang ay tila hayok na hayok sa kanilang pagtitig sa mga mutya ng bayan!

"Mahal kita at patuloy pa ring mamahalin hanggang sa libingan ngunit di ko maalis sa aking sarili ang mangamba para sa iyo, oh irog ko. Kung alam mo lang sana... kung alam mo lang..."

Isang lalaking humahagulhol sa katahimikan ng gabi; mga salitang tigib ng nag-aapoy na damdamin. Naririyan ang takot na di maiibsan ngunit...

...nag-iiba ang pangyayaring akala natin ay totoo...

"Bakit? Sabihin mo bakit ganito ang nararamdaman ko? Tila ba ako pinaglaruan! Fidel, bakit? BAKIT?

"Di ko matanggap! May mali ba sa akin, Fidel? Dahil kung mayroon man, ay nais kong malama't maunawaan upang sa gayo'y malalaman ko kung paano kikilos sa susunod...sa susunod na muling maglalandas ang aming daang tinatahak...

"Fidel, kaibigan, umibig ka na ba ng kasing tindi gaya ko? Mahal mo ba ang aking kakambal kahit sya ay may kakulangan? Masaya ako pagkat payak ang inyong pagmamahalan di tulad ng sa amin, wala man humahadlang, ngunit marami namang bundok na kailangang akyatin. Oo, aaminin ko, kinaiingitan ko kayo ni Pacencia pagkat iba kayo.

" Ibang-iba sa pagmamahalan namin. Minsan, naiisip kong ako na lamang ang tanging may alab sa kanyang puso. Napapansin ko rin sa tuwing magigisnan nya kayo ni Nena, tila ba may lungkot na lumalambong sa kanyang mukha.

"Ngumiti man sya sa tuwing ako'y magtatanong, pansin ko pa ring may tinatago sya. Nagugulumihanan na ako Fidel!

" Samakatuwid baga'y, wala nang katuturan pa ang lahat-lahat. Magdusa man ngayon ang bayan, bukas makalawa ay babangon itong muli mula sa alabok gaya sa ibon ng mitolohiya di tulad sa isang mortal na pag nawala na'y di na muling makakabalik."

Patuloy pa rin ang panaghoy ng pusong lito. Patuloy pa rin sa pag-inog ang mundo sa kabila ng digmaang nagaganap at patuloy pa ring dumudugo ang pusong tinalikdan...

"Oo, Nena, aaminin ko na nanlalamig ako sa kuya mo ngunit di mo ako masisisi! Sa tuwing kami ay magkakasama, nasasakal ako sa kanyang pagmamahal! Sabihin nyo nang makasarili ako, ngunit mas mahal nya ang bayan at sa tuwing naririnig ko ang maalab nyang adhika ay tila nakikipagkompetensya ako sa bayang ito sa kanyang pagmamahal.

" Di mo man ako marinig o masumbatan, alam ko na naiiintindihan mo ako. Gusto ko mang umayaw sa itinakdang araw, ay wala akong magagawa dahil mapapahiya lamang sila ama't ina. Labis ko silang mahal ngunit ayaw ko na...

"Nais kong makaalpas sa hawlang aking kinasasadlakan. Nais kong maging malaya tulad ng agilang lumilipad sa himpapawid. Marami akong nais, ngunit babae ako, walang kakayahan sa mata ng lipunan.

" Sa tingin mo Nena, pag ako'y naglaho tuluyan kaya kaming sasaya ni Alejandro? Mahal ko ang kapatid mo ngunit, gusto kong alamin muna kung sino ako bago ang lahat."

PAK!!!

"Aray!" napasigaw ako sa sakit at hinawakan ang nasaktang pisngi bago binalingan ang ngingiti-ngiting tukmol na si Ashton, "Hoy, bakit mo ako sinapak!?"

"Ang weird mo kasi nananaginip ka ng gising! Bangag ka ba?" may kapilyuhang tanong ni Ash.

"FYI, Ashton, di ako naka-high! Baka ikaw ang humihithit kaya ka abnormal!" ganti ko sa kanya na ikinahagikgik ni Sandy at Carmela. Napailing na lamang ang iba at ipinagpatuloy namin ang pagmamasid sa mga displays sa museum. Nakalayo na sila pero parang nakatulos ako sa aking kinatatayuan makita ko ang paintings na nakasabit sa wall.

The two looks familiar but both portraits has the same sadness etched in their eyes. Matagal ko silang tinitigan pilit na inaalala kung sino sila hanggang napadako ang aking tingin sa ibaba ng mga paintings---NAMEPLATES.

SEREFINA ALVAREZ y INOCENCIO
(May 17, 1908-unknown)

ALEJANDRO LAZO y IBARRA
(November 17, 1908-unknown)

UNKNOWN?!

PAK!!!

"Hoy! Nakararami na kayo ah!" angil ko sa kanila ngunit tinawanan lang ako ng mga damuho. Leche, bakit naging kaberks ko pa 'tong mga ungas na ito!

"Hey napatunayan na pong walang namamatay sa death glare," pang-aasar pa ng alaskador na si Ash.

"Your creeping me out, Rhei, bakit ka tulala? Siguro you can't move on kay Dennis na naging Denniese ano?" panghuhula pa ni Jamie.

Shit! Paano nila nalaman yun? That is supposed to be a secret unless someone spills the beans...CARMELA...the only one who knows...oh well, gaganti ako sa pananapak at pang-aalaska nyo mamaya!

AUTHOR'S NOTE

RIC RODRIGO as ALEJANDRO LAZO y IBARRA

The Bride Where stories live. Discover now