GB16

999 32 0
                                    

"Mahirap ipaliwanag, ngunit kung mapilit kayo ay kinakailangan ninyo na ring malaman ang mga pangyayari na tuluyang bumago sa aming bayan," G. Galang sighs and eyed each one of the kids, "una sa lahat ay nais kong linawin ang inyong agam-agam kung bakit ko nasambit kanina ang paglakas ng kanyang kapangyarihan. Masdan nyo ang isa't isa," at tumalima naman ang mga magkakaibigan at tinitigan ang bawat isa, "maaaring isa o dalawa sa inyo ay hindi dapat nabibilang sa panahong ito."

Saglit tumigil ang matanda sa pagsasalita at muling tumitig sa mga kabataang naroroon sa silid na iyon na tila ba nais nyang isaisip ang kanilang mga anyo bago pa man mahuli ang lahat.

Nagkatinginan ang mga magkakaibigan, pawang nagugulumihanan sa inaasta ng matanda till Carmela voices out their concern, "Are you alright, sir?"

Ngumiti ang matanda bago muling nagpatuloy, "Ayos lamang ako, hija, ngunit pagpaumanhinan nyo lamang ako dahil baka bago pa magbukang-liwayway ay di ko na kayo muling makikita," at mas lalo pang naguluhan sina Carmela, "gaya nga ng sinabi ko noong una, isa sa atin ay di na nararapat pa sa panahong ito at ako iyon."

Tila isang bombang sumabog ang dating ng mga pahayag ni G. Galang sa mga kabataang nakaumpok sa kanyang kinaroroonan, "A-ano pong ibig nyong sabihin, tanda?" ani ni Ashton.

Agad naman syang sinaway ni Jaime, "Hoy, Ash, bibig mo puno na naman ng basura!" at nagtawanan ang lahat sa tinuran ni Jaime.

Tumikhim ang matanda to get their attention, "Maraming kababalaghan ang nasa ating kapaligiran gaya ng Biringan City sa Samar. Hindi Arturo Galang ang tunay kong pangalan, ni di rin ako galing sa ibang bayan bagkus, dito sa Sto. Niño ako isinilang at tumanda," at tumingin ito sa kawalan habang inaalala ang nakaraan...

flashback

Umihip ng pagkalakas-lakas ang hangin. Binayo nito ang buong bayan ng Sto. Niño at kahindik-hindik ang bawat wasiwas nito sa buong paligid. Maraming nag-iiyakang bata, at ang mga matatanda'y napapaantanda na lamang ng gayon pagkat tila mawawakasan na ang buong sanlibutan.

Pagdaka nama'y kumulimlim ang buong kalangitan. Natakpan ng itim na mga ulap ang araw na syang nagdulot sa biglaang paglukob ng dilim sa buong bayan.

Takbo rito, takbo roon. Walang kapaguran ang bawat mamamayan sa kanilang paglikas at pagsalba sa kani-kanilang buhay. Napuno ng takot ang bawat puso ng naroroon pati nga mga banyagang mananakop ay tinablan din ng takot pagkat sa tanan ng buhay nila'y ngayon lamang sila nakasaksi ng ganitong bangis ng kalikasan.

Simula ng sabihin ni Gustavo ang mga bagay-bagay na yaon sa piging kina Don Artemio Galang, ay nag-umpisa na ang kalbaryong aking kinahaharap magpasa-hanggan ngayon...

"Dumito ka muna, Pacencia, babalik ako pangako," inaalo ko ang aking kabiyak. Isang linggo pa lamang kaming ikinasal at heto, nasuong kami sa hidwaan nila Alejandro at Serefina.

"Mangako ka, Fidel, babalikan mo kami rito," pahayag ng aking ina habang yakap nya si Pacencia. Umiiyak ng pipi ang aking asawa. Nahahabag ako sa kanya pagkat walang kasiguraduhang makababalik pa ako sa kanyang piling. Maaari ding di ko na masilayan pa ang aming magiging supling...

Ikinasal kami kaagad dahil di ko sinasadyang mabuntis si Nena. Sobra ang galit ng aming mga magulang ngunit di naglaon ay pumayag din silang kami'y maikasal kaagad upang makaiwas, diumano, sa iskandalo. Dahil sa aking kabusabusan, ay inurong ang pag-iisang dibdib nila Alejandro upang di raw tamaan ng sukob. Labis itong ikinagalit ni Serefina, naghihimutok na kailangan nilang makasal bago humantong ang bagong taon. Hindi namin maintindihan ang lohika nya, ngunit pinipilit nya pa ring makasal agad silang dalawa sa lalong madalung panahon.

Nag-away, nagkasagutan, at tuluyang di na sila nagkaintindihan pa hanggang sa humantong na nga sa ganito.

Minasdan kong mabuti ang maamong mukha ni Nena bago siniil ng halik ang kanyang mga labi bago tuluyang linisan ang kanilang pinagtataguan. Paalam mahal ko...

end of flashback

"Ganoon nga ang nangyari," mahinahong saad ng matanda, "katawan ng pinsan kong si Gustavo ang aking kinaroroonan ngayon. Ito ang tangin nyang hiling, na sana kahit papaano ay may maitulong sya sa pagbagsak ni Serefina."

"So, ibig pong sabihin, your soul is Fidel's while your physical body belongs to Gustavo?" paglilinaw ni Dan. Tumango ang matanda bilang tanda ng pagsang-ayon.

"Wait!" sigaw ni Sandy, "eh, what happened na after makipag-transfer the body and soul kayong two cousins?"

Ngumiti ng mapait ang ginoo, "Mahirap ngunit wala na akong magawa noon dahil iyon na lamang ang tanging paraan upang pansamantalang matigil ang kanyang kahibangan," nangingilid ng luha ang mata ng matanda hanggang sa tuluyan na itong bumagsak.

A moment or two passed bago nya makontrol ang kanyang sarili at nagpatuloy muli, "Isinakripisyo ni Gustavo ang sariling kaluluwa upang kahit papaano ay mapigilan si Serefina ngunit bago yaon, hinabilin na ni pinsan ang balak nya pagkat nang mga panahong yaon ay malubha na akong nasugatan gawa na rin ng baliw na babaeng iyon!" wala sa sariling naikuyom nya ang kanyang mga kamao sa tindi ng galit kay Serefina.

"Lumipas nga ang araw, buwan, at taon ngunit di ko na muling nahagkan ang aking mag-ina. Ang sakit-sakit sa pakiramdam na natutunghayan mo na lamang sa malayo ang paglaki ng iyong anak hanggang sa magkapamilya na rin ito!" dahil na rin sa bugso ng damdamin ay napasuntok sya sa pader at mas lalo syang humagulgol.

Inalo nila Carmela si Don Fidel na napapaloob sa katawan ni G. Gustavo, "Tahan na po, lolo, pinapangako namin na ang paghihirap nyo ay mawawakasan na rin."

"Tama po si Carmie, sir," saad ni Dan, " there is still hope."

Napatingin si Fidel sa kanilang lahat. All of them are sporting encouraging smiles kaya naman napangiti na rin ito...

Ngunit, may pag-asa pa nga ba o huli na ang lahat?

Ngunit, may pag-asa pa nga ba o huli na ang lahat?

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.
The Bride Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz