GB5

1.9K 41 0
                                    

Panay ang tili nina Sandy at Daniel habang binabaybay namin ang pomosong hanging bridge sa bayan nila Carmela, stretching about 300 meters long.

Nasa kalagitnaan na kami and things are getting even better! Si Sandy, as usual maarte, while Daniel has fear of heights. Ang gago kung makaasar sa akin wagas, pero takot pala sa matataas! Sweet success!

Sabi ko na nga ba at makagaganti rin ako. Napangiti na lang ako dahil umaayon lahat sa ninanais kong pang-aalaska rin sa mga tukmol.

"Dalian nyo guys!" sigaw ng nangungunang si Carmela, "I'm hungry already!" at tumakbo ito patungo sa kabilang ibayo.

Mas lalong umalog ang tulay sa ginawa ni Carmie kaya napasigaw na rin ako along with Sandy and Dan. Bwisit naman bff alam naming gutom ka pero di mo namang kailangang tumakbo sa hanging bridge just to prove your point.

Matagal bago kami nakahuma sa biglaang pag-alog ng tulay at nang marating namin ang kabilang panig, ay nakabusangot na si bestie sa kahihintay sa amin. Agad akong napaupo nang makatawid na kami at agad na sinapo ang ulo. Siete, nahilo ako dun ah! Parang babaligtad ata ang sikmura ko nang di oras...

"Gutom na ako," muling maktol ni Carmela habang tinititigan kaming lahat.
" Bhe, five minutes more," hirit ni DJ habang hawak ang sikmura, "I-I need to regain my strength first!" at saka sumuka na ikinapandiri naming lahat!

Hay, kasalanan ito ni bff! Kung di lang sya nagpumilit na bisitahin ang tito't tita nya rito, malamang we don't have to endure a roller coaster ride. Anyways, nang mahimasmasan na ang lahat, ay pinagpatuloy na namin ang paglakad tungo sa tito Menandro ni bestie.

Medyo may kalayuan ng kaunti ang tahanan ng tito ni Carms at nang makarating kami, it is already half past twelve sa tanghali but, sulit rin ang pagod kasi nakakahalina ang buong paligid ng bahay.

Tila nakapaloob sa gitna ng gubat ang bahay although, pinalibutan lang ang buong bakuran ng punong kahoy at marami ring kapitbahay na nakapaligid sa tahanan medyo layu-layo nga lang. Tito Menandro's house, itself, is imposing. Para kang nasa 1800s kasi very Hispanic and Castillan ang archi ng house tulad dun sa museum na binisita namin kahapon.

Tito Menandro is the younger bro ng dad ni Carmie. Siya rin ang governor sa probinsya nila bff at ngayon, abala siya sa kapitolyo at ang buong family nya, nasa pinakasentrong bayan dahil halos naroroon ang buhay ng buong mag-anak. This house only serves as a vacation/retreat house kaya naman pinahintulutan kami na dumito-rito rin habang nagbabakasyon. Well, this is what bestie says kanina.

Kung gaano kaganda sa labas, mas magara ang interior ng bahay! Madatung talaga ang angkan nila bestie, oh well, I'll feast my eyes later kasi kumakalam na si tummy!

Pinaghain kami ni Manang Fely, ang mayordoma, at oh grave!!! Ang sarap kumain...

Isang tinig na ubod ng kay tamis ay syang aking naulinigan roon sa dakong ibayo. Bawat notang sinasambit ay tila galing sa isang anghel na bumaba sa lupa.

Lagaslas ng tubig. Anas ng hangin. Masamyong pag-aawitan...Kay tamis noong una, kay pait ngayon...

Bakit nagkaganito ang pulut-pukyutan nating pagmamahal? Saan ba nag-umpisang tumamlay ang pagsinta natin sa isa't isa?

Ganyan rin noong una, umaawit ka ng tulad sa isang anghel at ang isang mortal na tulad ko'y tunay ngang nahalina. Simula noon ay inibig na kita nang higit pa sa pagmamahal ko sa aking sarili't mga magulang ngunit...

...ngunit lahat pala ay mawawalan rin ng saysay. Umawit ka man ngayon tulad ng dati, ay di mo na muling mabibihag pa ako. Ang nasira na ay di na muling maibabalik pa sa orihinal nyang kaanyuan pagkat gaano man kagaling ang pagkakakumpini, ay magkakaroon at magkakaroon pa rin ng lamat.

Patawad kung sa tingin mo ako'y nagkulang. Patawad rin kung di ako makakasipot sa ating kasal. Paalam mahal ko, sana'y mahanap mo ang makapagpapaligaya sa iyo.

Alejandro Lazo.

"So, ito is?" tanong ko kay Carmela habang tinititigan ang old letter na naka-frame sa library ng bahay.

Saglit na tinitigan ni Carmela yung tinutukoy ko hanggang realization hits her.

"Ah, yan ba? Ang pagkakaalam ko, sinulat yan ni Alejandro for Serefina kasi may doubts sya sa relationship nila and yan nagkacold feet at aatras sana sa kasal nila pero yun nga," pagkikibit-balikat ni bff at saka iniwan nya ako kasi hinahanap nya pa yung librong nais nyang basahin.

Well, ang sad ng story ng loverbirds pero, kiber ko! As if may maitutulong ako sa happenings noon.

Panay ang hagalpakan nila Ash at Dan habang kaming mga girls, naweweirduhan sa dalawang syokoy. Ewan ba kung bakit biglang tumawa yung dalawa habang nagvivideo oke kami. Paminsan-minsan silang susulyap sa amin tapos muli silang tatawa! Creepy.

"Shut up nga!" sigaw ni Sandy. Nakakuyom na ang mga kamao nito at namumula na sa galit. Lahat kami napatitig sa kanya pero yung dalawang tukmol walang kiber at pinagpatuloy pa ang hagalpakan hanggang sa biglang nagwalk-out si Sandy.

Di kami agad nakahuma sa ginawa ni Sandy dahil kahit maarte yan eh sya ang pinakamabait sa amin. Sinundan ni Carmela si Sandy habang kami ni Jamie ay inirapan ang dalawang Adan. Apparently, di pa ako kuntento sa pag-irap sa dalawa dahil bumalik ulit sila sa pagtawa pero naunahan ako ni Jamie.

Lumapit ito sa dalawa at walang anu-ano'y pinag-umpog nya ang dalawa bago nagwalk-out. Napanganga ako sa ginawa nya while the two boys held their butted heads at dumaing sa sakit.

"Aray," daing ni Ashton at binalingan ako, "anong problema nun?" maang nyang tanong na ang tinutukoy ay si Jamie.

Napaface palm na lang ako. Kahit kailan talaga slow!

"Eh bakit kayo kasi tawa ng tawa dyan?" anggil ko sa kanya.

"Eh ano ngayon kung tumatawa kami? Bakit bawal ba?" pambabara naman ni Daniel.

"Eh bakit ganoon ang reaction ni Sandy?"

"Ewan ko," painosenteng sagot ni DJ na agad dinugtungan ni Ash, "Pre, baka akala nun tinatawanan natin yung epic nyang cooking skills!"

Pagkarinig nito ay agad kong tinaas ang kilay ko sabay irap sa dalawa. Iniwanan ko na lang baka di ako makapagpigil eh maipa-salvage ko ng di oras!

Joke!

AUTHOR'S NOTE

SUSAN ROCES as SEREFINA ALVAREZ y INOCENCIO





The Bride Where stories live. Discover now