GB7

1.6K 41 1
                                    

"A party!" sigaw ni Sandy, "kelan? Plus, what is the event for?"

"Ang loka nakarinig lang ng party excited mode na agad," palatak ni Jamie.

"Wag ka ngang kj Jamie! At least my magarbong happenings na mangyayari sa stay natin here," pangangatwiran ni Sandy.

"You never change Sandy, basta party, go lang ng go," patutsada pa ni Jamie.

"Well that is my motto in life," sumbat pa ni Sandy, " Go lang ng go! And besides, I'm not like a prude like you," pang-aasar nya pa.

"Shut up Madrigal!" saway ni Jamie kay Sandy, "there is nothing wrong with being a prude! At least nag-iingat unlike someone na party ng party pero laging lasing pagkatapos!"

"Hey, that's hitting below the belt!" react ni Sandy.

Tumawa lang si Jamie na ikinapika ni Sandy and so the latter is about to strike her when Carmela finally intervenes.

"Tama na guys. It is just a party so no need to fight and besides, we are the ones whose gonna throw it on Sunday evening to commemorate the fated lover's supposed wedding anniversary!"

Nagitla kami sa mga winika ni Carmela kasi di nya pa nabanggit kung saan laan ang party. Oh well, she doesn't have the chance anyways kasi agad nag-away ang dalawang ale!

"Wait lang ha," Sandy butted in, "so you mean this party is for those two?"

"Yeah kasi sa Sunday na yung date na dapat ikakasal sila noon and yes, Jamie, oldies marahil ang dadalo but we have a task and I am counting on you three, girls."

"Eh bakit kami lang ang katuwang sa event planning?" sabat ko, "why not the boys help?" stating the obvious.

Sumimangot si Carmela and muttered something that I couldn't catch.

"Anong sabi mo best?" trying to corner her.

"Wala, what I am trying to say is, sagabal lang yung dalawa kaya ang plano ko, ipagawa sa kanila yung mga manly jobs like pagbubuhat so that they have to reap what they sow," she grins evilly.

The planning took so long kaya di na namin namalayan ang oras. It is already 7:30pm when we disbanded to partake dinner sa kumedor.

Hindi na rin kami nagmeet afterwards dahil biglang nagbrown out habang nasa kalagitnaan kami ng hapunan at ang masaklap, bangus ang ulam! What a pain!

Dinner by candlelight ang inabot namin pero sa halip na romantic ang atmosphere, naging eyesore lang ang mga kandila at sa kamalas-malasan, napunta pa sa akin ang buntot ng bangus kaya di ko mapigilang kumanta sa loob-loob ko ng ganito:

"O tinik, layuan mo ako!"

Anyways, bumalik ang kuryente after thirty minutes and by that time, bwisit na akong kumain. Linisan ko ang hapag after ubusin ang lecheng isda at hinintay na lang ang iba sa sala.

Upang aliwin panandali ang sarili, I browse the net para magkaroon ng idea sa party on Sunday dahil ako ang pinakahead ng decoration and ambience since sideline ko ang event organizing dahil ito rin ang linya ni mommy kaya medyo alam ko ang pasikut-sikot ng trabaho.

Well, my concrete idea na ako but I have to consult them first para mafinalize na ang design for the party.

BOGSH!

What is that? Agad akong napatayo sa sofa at agad nilingon ang direksyon ng kumedor kung saan nanggaling ang sound and immediately rush there but, the scene before me, is not what I expect at all.

People wearing old fashioned clothes are gathered at the long narra table. They are all laughing and having the time of their lives. Karamihan ay mga middle age at kakaunti lang ang mga kabataan.

They all look like part of the upper echelon of society dahil magagara ang mga suot nila. Some wore the traditional Filipiñana attire for both genders, while yung iba naka-amerikano and the younger set wears the seasoned fashion of the time.

Sa pag-oobserve ko ay di ko na namalayang nagsitayuan na ang lahat sa kumedor and they are already heading sa isang silid where all the furnitures are pushed aside to make way for an impromptu ballroom. There is already music wafting in the air and an old gramaphone is playing an old tune.

Makulay, magarbo, masaya ang pagsasayaw ng mga naroroon. I observe all these from a distance when suddenly a young man is weaving his way from the crowd towards me. Naalangan ako sa aking kinatatayuan at di ko alam ang gagawin.

Palapit na sya ng palapit at nang makita nya ang hinahanap nya sa aking direksyon ay sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mukha. Pinagmasdan at kinilatis ko sya, may itsura ang mama!

Katamtaman lang ang height nya about 5'9", medyo may kaputian and he got a very feminine face. May kasingkitan at mapupungay ang kanyang mga matang nangungusap, and matangos ang ilong nya. Plus, oh my, pink and kissable ang makipot nyang labi! Delectable, hehe, sorry umandar ang mga female hormones ko!

Anyways nang talagang makalapit na sa amin si papalicious, ay mas lalong lumawak ang ngiti nya at inilahad ang palad nya na tila nag-aaya eh ako namang dalang-dala sa pangyayari at nag-assume kaagad eh papaunlakan na sana ang request nya when suddenly, isang morenang kamay ang humawak doon sa lalaki at sumayaw na sila.

Napako ang tingin ko sa magkapareha. Pamilyar sila lalung-lalo na yung babae. Pinagmasdan ko ang morenang babae, she is a head shorter than the man but albeit that flaw, maganda sya and medyo nainsecure ang beauty ko!

They look perfect together at ang sarap nilang tingnan. Kailan kaya ako magkakaroon ng ganyang uri ng lovelife? Ever since that incident in college, naging matamlay na ako pagdating sa pag-ibig.

"Masaya nga silang tingnan," isang baritonong boses ang nagsalita sa tabi ko. Hinanap ko ang source and I spotted him and he looks sad kahit nakangiti sya. This man has an average height and he looks like Castillan in physique. Gwapo rin sya but he is an epitome of a sad man sa tuwing tinitingnan nya ang dalawang mananayaw.

Muli syang nagsalita sa tonong tigib ng kalungkutan, "Sayang ngunit palabas lamang ang lahat. Di dapat malinlang sa iyong nasasaksihan dahil ang totoo at tunay ay isang lihim na kanilang sinasarili kaya di nakapagtataka kung ang isa ay mawala sa araw na yaon," pagkatapos ay tumalikod ito at tinungo ang isang babaeng masayang nanonood sa tabi.

Inaya ng lalaki ang isang mala-manikang dalaga na sumayaw. Pinaunlakan sya nito at ang lungkot ng lalaki ay napalitan ng ibayong galak at saya na kay hirap ipinta sa anumang paraan. This kind of love will surely live forever. Naiingit tuloy ako!

Nagpatuloy ang kasiyahan nang biglang...

kriiing!kriiing!kriiing!

Napabalikwas ako at nakauntugan pa si Ashton na may tangang alarm clock.

Amputsa! Tigas ng ulo nya ah! I scanned my surroundings habang ngingiwi-ngiwi pa sa pagkakauntog, and to my horror, lahat ng barkada nakangisi at kanya-kanyang kuha ng stolen shots!

What a way to wake up!!!

The Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon