GB15

1.1K 27 1
                                    

Alaala nga ba ang lahat? It is too real to be just a fragment of one's past. Looking around, I can't help but doubt the events around me.

Masaya ang bawat madla kahit nahaharap ang bansa sa digmaan. Gaya rin ng Pilipinas, nasangkot ako sa hidwaan ng dalawang malalaking tao sa kanilang lipunan but I guess I have no choice but to end this war.

Marami ang nagsidalo sa kasiyahan sa mansyon. Magagara rin ang kanilang damit gaya ng mga umattend ng party kina Governor. Lahat ay nagkakatuwaan sa loob at rinig din dito ang banda de musico na tumutugtog ng kanilang Marcha Real.

Alejandro and I tried to camoflauge with the merry goers ngunit pareho kaming alerto dahil ramdam namin ang presence ng bruhang si Serefina.

"Ramdam mo ba sya?" tanong ni Alejandro.

"Oo," I said, "pero bakit dito nya tayo dinala? Sa alaalang ito?"

Hindi sya agad sumagot kaya nilingon ko sya. Madilim ang aura ng mukha nya making me guilty na baka I touch a sensitive nerve or something along those lines.

"Lumingon ka sa bandang kanan kung nasaan naroroon ang pintuan," sabay turo sa kanyang sinasabi, "anumang oras ay magpapakita si Gustavo. Malalaman mo rin ang dahilan ng lahat."

I nodded at him in obedience tsaka tiningnan ang direksyon ng point of entry ni Gustavo. Habang inaabangan ang pagluwal ng mga pinto kay Gustavo ay binigyan ako ng filler ni Alejandro tungkol sa alaalang aming kinasasadlakan.

"Marso 29, 1943. Pista ngayon ng aming Patron na si San Pedro. Masagana ang ani, mababait ang mga Hapon na nadestino sa aming bayan, at higit sa lahat ay ngayon sana ipapaalam sa buong bayan ang pag-iisang dibdib namin ni Serefina ngunit, lingid sa kaalaman ng aming mga magulang ay nagkakalabuan na kami. Isang linggo rin akong nawala dahil nagpunta ako sa karatig bayan upang magmuni-muni kung dapat pa bang ituloy ang kasal o hindi. Akala nila ama at ina ay, nagsapa-Maynila ako upang bumili ng mga materyales sa kasal. Pauwi na ako galing ng San Roque nang magkakilala tayo.

" Hindi mo na maaalala dahil sa kagagawan ni Serefina ngunit, sabi nga ni abuela Ingga, "Makalimot man alaala ng taong nagmamahal, ay di marunong lumimot ang kanyang puso. Ang pag-irog na tunay at dalisay ay sadyang ganyan, Alejandro." Kaya naniniwala akong alam pa rin ng iyong puso ang tunay na pinipintig nito. Mahal kita, Reina Consuelo."

Hindi na ako nakasagot pa sa kanyang mga sinabi dahil biglang bumukas ang pintong aking minamatyagan. Humahangos na tumakbo sa loob ng bulwagan ang isang mestizong lalaki na may hawig kay Baron Geissler.

Magulo ang buhok nyang may pagka-kulay kayumanggi. Marungis rin at maputik ang suot nitong damit, but it is the expression in his face that is so alarming!

His beady black eyes are restless as if looking for someone among the throng of people gathered in this room we are in. He looks lost, bewildered, and afraid. I don't know what horrors he have seen or experienced pero bigla syang lumapit sa isang binatang kasing-edad nya ata at biglang hinawakan ang collar nito bago tuluyang tumangis si Gustavo na anaki'y isang musmos na bata.

"Si Fidel ang lalaking kasama ngayon ni Gustavo," bulong ni Alejandro. I look up at him, he is crying silently kaya I diverted my gaze back kina Gustavo.

Tumigil na sya sa kanyang pagtangis. Nahimasmasan na siguro ngunit kung nakakabahala ang inakto nya kanina, higit na nakakagimbal ang sunod nyang mga sinaad.

"FIDEL! WALA NA SYA! WALA NA, NALOKO NA!"

"Huminahon ka, pinsan, di kita maintindihan," pag-aalo ni Fidel.
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Gustavo sa collar ni Fidel, "Wala na si Alejandro, Fidel! Tinapos na ni Serefina ang lahat! Isusunod nya tayo at ang buong bayan! Isa syang kampon ng dilim. Mangkukulam, bruha, at salot! Nakita ko ang lahat-lahat, Fidel, ang ritwal na ginawa nya pati ang pagdukot sa puso ng anak ni Mang Isko! Umalis na tayo dali!"

Malakas ang pagkakasabi ni Gustavo sa mga salitang ito making the whole room a scene of utter pandemonium. Marami ang nagpanic, nahimatay, humagulgol, at nagsisigawan ngunit, biglang dumilim ang paligid at isang halakhak ang pumailanlang sa paligid.

"Serefina," madiin na pagkakasabi ni Alejandro, confirming my worst fear. Naloko na nga! We unwittingly fell at her trap.

............

"Shit!" wika ni Dan dahil kahit anong gawin nilang dasal ay di umuubra.

"Masyado syang makapangyarihan. I did not expect her to be more powerful over the years," mahinang wika ni G. Galang.

Napalingon sa kanya ang buong barkada na may pagtataka sa kanilang mukha.

"Ano pong ibig nyong sabihin sir?" tanong ni Carmela.

Napabuntong-hininga at napakamot na lang sa batok ang matanda.

The Bride Where stories live. Discover now