GB9

1.3K 42 0
                                    

Ang pagmamahalang pinagdaanan ng panahon,
Ay yayabong muli tulad sa kawayang inusig ng hangin.
Bawat palasigmuan ng pagsintang aking alay,
Bakas ng marubdob na ningas ng aking pagsinta.

Dumaan man ang lahat ng unos at sigwa,
Asahang tayo'y matibay na muling titindig!
Igupo man ng karamdaman ang katawang mortal,
Pag-ibig ko sa iyo'y tunay na walang hangga!

"Serefina," ang naitugon ko kay Alejandro nang mga sandaling yaon. Nakapagtataka dahil wala sa aking hinagap na gayon ang maisusumbat ko. Bakit ba ako nagsinungaling?

Pero hindi Serefina ang nais kong pagpapakilala, I want to introduce myself as Rhei not her, why? Why did I utter that name?

"May problema ba, binibini?" nag-aaalalang tanong ni Alejandro.

"W-wala!" nauutal kong sagot, "nagagalak akong makilala ka, Alejandro."

"Masaya rin akong makilala ka, ngunit ipagpaumanhin mo, ngunit kapangalan mo sya," may himig lungkot sa kanyang boses.

"Kung ganoon, ay humihingi rin ako ng kapatawaran pagkat mali ang pagpapakilala ko sa aking sarili. Ang totoo, dayo lang ako rito," I muttered shyly. Gosh, sana di ako nagblush!

"Kung ganoon, maaari bang malaman ang iyong tunay na pangalan?" malumanay niyang saad.

I beamed at him, "Rhei Consuelo Castroverde, taga Manila," and offered my hand for a shake.

Nakipagkamay sya at ngumiti, "Rhein, kakaiba! Sabihin mo, bakit naririto ka sa aming bayan?"

"Inaya ako ni Carmela na magbakasyon rito sampu ng iba pa naming kaibigan."

"Masaya ba ang pagbabakasyon mo rito?"

"Oo naman!" and I enthusiastically describe my stay here only omitting the lover birds from the past.

"Kung gayon, ay halika at ipakikita ko pa ang mga magagandang pasyalan rito sa aming nayon!"

Nagliwaliw kami sa buong bayan and I must say, this is the best date ever! Pero, pagsapit ng dapithapon ay napadpad kami sa tabing-ilog.

Kalmado ang alon sa ilog at napakapayapang tingnan ang bawat isdang lumalangoy sa malinaw na tubig. Together, we sat there watching the sun set. We stayed there in silence until he cleared his throat.

"Nais ko sanang magtanong, Rhein, bakit Serefina ang unang pakilala mo sa sarili mo?"

"Pasensya, kasi laging nakwekwento ni Carmela si Serefina at ang kasintahan nya. Matanong nga rin kita, Alejandro, ikaw ba yung Alejandrong nobyo nya?"

Natigilan sya sa tanong ko. Perhaps, he is caught off guard pero ang awkward ng feeling pero buti na lang sinagot nya.

Tumingin sya sa papalubog na araw at nagpakawala ng isang buntong hininga, "Oo pero matagal na iyon at ang mga pangyayari noon ay natupad ayon sa kagustuhan nya samantalang ako, naririto pa rin naghihintay kahit pinaiikot nya lamang ako sa kanyang palad, ngunit hindi habang panahon na ako'y mananatiling laruan. Kung sakaling magbalik sya habang malalim ang gabi, asahan mong babangon akong muli sa pagkakahimlay," sadness tints his voice and his eyes seems to cry pero bigla syang tumayo at tumalikod upang tuntunin muli ang daan pabalik.

************

"Tulala na naman yang bff mo, bhe!" reklamo ni Dan sa kasintahan habang minamasdan mula sa malayo ang tulalang si Rhei.

The Bride حيث تعيش القصص. اكتشف الآن