GB24

885 19 0
                                    

I fell for her trap.

Again.

When will I learn? When will I stop being gullible? Feeling ko nahulog ako sa isang never-ending na butas...forever na mahuhulog...if only-

"Huwag kang bibitiw," boses lalaki...

At muli naalala ko ang mga kaibigan. Napapikit ako ngunit pagmulat ko, isang liwanag ang nakita and then I heard it!!!

Aaaahhhhhh!

Si Serefina ba yung sumisigaw?! Nasaan ako? I look around only to realize na hindi pa huli ang lahat. May magagawa pa ako upang gisingin ang mga mahal sa buhay. Hindi ako bibitiw come what may.

Aaaahhhhh!

Naulit muli ang sigaw ni Serefina at napadako ang tingin ko sa kanyang kinaroroonan...

Ang Diablong panginoon nya ay ang mismong tumatapos sa kanya. The Devil kisses her like a dementor. Unti-unting hinihigop ang essence ni Serefina ngunit biglang may tumakip sa aking mga mata...

"Huwag mo nang masdan, mahal," si Alejandro, "ito ang ninais nya kaya ito rin ang sinapit nya," malumanay nyang saad.

"Hindi ko maintindihan," sambit ko habang nakapiring pa rin.

"Está escrito, Consuelo, mi amiga," banggit ng isang lalaki.

Agad kong tinanggal ang kamay ni Alejandro sa aking mga mata at agad na hinanap ang may-ari ng boses.

"Fidel?" Gulat kong tanong sa kanya. Am I seeing things?! Tumawa lamang ito at tumingin sa kinaroroonan ng mga iba pang kasama...

"Pakshet dude!" Reklamo ni Ashton habang hinihingal na inaalalayang tumayo si Jaime, "anong nangyari?" baling nya kina Daniel at Carmela. Umiling at nagkibit balikat lang ang mokong much to Ash' dismay kaya ayan nagpout ang loko! Akala nya siguro cute sya whenever he does that pero ika nga nila, "Marami ang namamatay sa maling akala." Napangiti ako kasi okay ang mga kaibigan ko pero bakit ganito, parang may kulang?!

Inisa-isa kong tinitigan ang mga kaberks...
Bestie. Dan. Ash. Jaime...

Asan si Sandy?!

Tumikhim si Fidel, "Hindi man ikaw ang nagsakripisyo, Consuelo, ay may mga taong handang isugal ang kanilang buhay para sa kabutihan ng nakararami," pagsisimula nito, "Sandy made that sacrifice for all of us. Ikaw ang nais mawala ni Serefina ngunit iba ang naialay nya sa Diablo kaya sa pagkakamaling nagawa ay tayo nga ang nagwagi."

Dumagundong ang tunog ng mga kampana. Hudyat na tapos na ang gabi at isang panibagong bukas ang dumating ngunit what really happened? I gaze at the Demon kissing Serefina, both of them slowly disappearing but still I hear Serefina's anguish and pain. Hindi ko maikakailang kahit papaano ay naaawa ako sa kanya. ang tanging mali nya lang ay umibig sya ng husto only for her to dig her own grave. Tsk.

Pero ano yung nakita ko? Bakit tinulak nya ang unang ako sa isang portal? Why did Serefina did it?

"Remember that Serefina sold her soul to the devil because she wants us to succeed. Está Escrito, di ba?" napatingin ako kay Alejandro na nakangiting nakatunghay sa akin, "Sinadya nya ang lahat upang tayo ay makaligtas. Maaaring marami ang nasaktan at nasawi sa gulong kanyang nilikha ngunit ng malaman nya ang katotohanan ay isinaayos nya ang lahat kahit na sya ay mapahamak. Siya ang gumawa ng hakang nawala sya sa aming kasal. Pinalitan nya ang mga alaala ng mga naririto upang sa gayon ay maprotektahan tayo."

"Paano mo nalaman?"

"Si Fidel," maikling sagot ni Alejandro. Napangiti na lamang ako coz finally it ended right when we thought we have lost.




oO0Oo

KINAUMAGAHAN

Parang walang nangyaring kahit ano ng nakaraang gabi. Mahimbing na nakatulog ang mga magkakasama sa silid na kinaroroonan ng glass coffin. Hindi mo aakalain na maraming bangungot ang pinagdaanan nila ng gabing lumipas...

Ngunit ito nga ba ang wakas? O simula ng isang panibagong yugto sa kanilang mga buhay? Only time can tell.

Naunang nagising si Carmela. Nag-inat at pupungas-pungas na luminga-linga sa paligid nya at pagdaka ay binalingan ang nobyo, "Dan, gising!" At yinugyog nya ito para magising pero ayaw nitong magpagising pa.

PAK!!!

"Aray!" Biglang napabangon si Dan habang sapo-sapo ang pisnging sinampal ng kasintahan. He glared at her, " What's your problem, Carmela?" singhal nito, "kitam na tulog ako bhe!"

"Shut your trap Dan!" biglang sabad naman ni Jaime habang yakap ang tulog na si Ashton pero napabalikwas din ito ng bangon ng marealize kung sino ang kayakap. "Siete! May syokoy!" sigaw nito na nagpagising naman sa iba.

"What happened, dude?" Antok na tanong ni Ash kay Dan.

"Isang panibagong bukang-liwayway ang muling sumilay sa pusikit na karimlan ng gabi," matalinghagang saad ni Alejandro pagkatapos aynagpatiuna na itong umakyat sa hagdan.

The Bride Where stories live. Discover now