GB21

902 26 0
                                    

Bawat segundong lumilipas ay mas lalong tumitindi ang tensyon sa silid. A while ago, from out of nowhere, Alejandro and Rhei suddenly appears na ikinagulat ng mga kaibigan ng huli.

Don Fidel has successfully summoned the two from Serefina's trap and now has made Alejandro's soul be back to his mortal shell.

Outside the protected square, darkness engulfs the whole room and a black mist sucks the fires on the torches samantala, nagsisigaw sina Ash at Dan dahil iminulat ng isang matagal ng nakahimlay ang mga mata nito bago bumangon at naglakad tungo kay Don Fidel upang yakapin at pasalamatan ang matalik na kaibigan ngunit di pa tapos ang gabi...

Isang nakangingilong amoy ang pumuno sa silid na kanilang kinaroroonan, at pumailang-lang ang isang boses na tila galing sa hukay. Mas lalong nangatal sa takot ang mga nasa protective enclosure. Bawat mga mata nila'y mababakasan ng pangamba ngunit si Fidel at Alejandro ay palinga-linga sa paligid pagkat ramdam nilang mas lalong marimlam ang gabi...

Fidel

Kaytagal kong hinintay ang muling makasama ang kaibigang matalik dahil sya na lamang ang nagbibigkis sa nakaraan.

Ngunit bago pa man kami lubos na magsaya ay isang halakhak ang sisira sa lahat-lahat.

Muling nagbalik ang mga ilaw sa mga sulo at naroroon sya, nakatitig sa amin ng masama habang bumibigkas ng tahimik ng isang orasyon...

Serefina

Sige, magsaya kayo ngunit ipinapangako kong iyan na ang mga huli nyong ngiti't halakhak!

Consuelo, baguhin mo man ang iyong pangala't galaw, ay di mo pa rin maitatago ang kahaliparutan mo! Kinamumuhian kita pagkat ng dahil sa iyo ay mas lalong nawala ang aking Alejandro ngunit nakaraan na iyon, ang mahalaga'y naririto ka sa aking harapan. Sadyang ika'y aking kikitlin upang ako'y magtagumpay!!!

"Bawat isa sa inyo'y mawawala," tahimik kong pagbabanta sa mga kaaway, "mga hunghang kayo," pagpapatuloy ko bago tinawag ang kapangyarihang tumulong sa akin sa nakaraan.

Rhei

Dumilim muli sa silid at paandap-andap ang mga sindi ng mga candles. Nasa harapan namin ngayon si Serefina ngunit ewan ko ba kung bakit ngunit sa halip na matakot ako sa kanya, ay nangagalaiti ako sa galit sa kanya.

Matatalim na tingin ang ipinupukol nya sa amin ni Alejandro habang bumibigkas ng isang orasyon sa wikang alam ko...

"Dinggem sika nga apu'k ita baba atuy panambita'k! Tupdem kuma atuy ibabbaga ti puso'k ta kasdyay kuma ti matumpal. Mapukaw kuma amin nga barakid ituy dalan ko nga apan dyay liwliwa! Alaem kuma atuy alay ko nga gurang ita pagar-ar-aryam ita impyerno. Sikan ti pumamnubay kinyak nga matupden ku amin nga ban-banag na kayat ko nga mangyari. Itulek mo kuma nga agtagumpay'ak!"

...at naiintindihan ko.

Can't freakin' believe that she is worshipping the devil! Mas lalo lamang akong nagagalit sa kanya dahil isa syang malaking DUWAG!!!

Duwag sya, oo, pagkat di nya maatim sa kanyang sarili na sya ang may kagagawan ng kanyang sariling hukay. Nais ko syang sumbatan ngunit ang oras ay wala sa aming panig. Kinakailangang magapi sya bago pa man dumating ang bukas.

"Consuelo, huwag mo syang pagtuunan ng pansin pagkat hangga't naririto tayo sa loob ay di nya tayo magagalaw," biglang bulong sa akin ni Alejandro kaya my train of thoughts just snaps like that. Tumingala ako sa kanya and he just beams a smile at me bago nya iginiya ang aking paningin tungo sa mga kaibigan at G. Galang. Lahat sila ay tahimik na ngdarasal habang hawak ang kani-kanilang mga rosaryo.

"Pater noster, qui es in coelis;
Sancti fi catur nomen tuum:
Adveniat regnum tuum;
Fiat voluntas tila,

"Sicut in coelo, et in terra.
Panem nostrum cotidianum da nobis hodie:
Et dimitte nobis debita nostra,
Sicut et nos dimittimus debitoribus nostris:
Et ne nos inducas in tentationem:
Sed libera nos a malo.

"Quia tuum est regnum, et potestas,
et Gloria in saecula. Amen."

Ilang beses nilang inulit bigkasin ang Pates Noster o Our Father in Latin at di nila alintana ang mga nakaririmaring panunudyo ni Serefina. Bakit ko nasabi? Simple lang pagkat rinig ko at ramdam ko ang kakaibang mga guni-guning kanyang pilit ipinakakagat sa amin upang sa gayon ay manghina ang bawat isa sa kani-kanilang pananampalataya sa Ama. Nais nyang lukubin ang aming puso ng kawalang pag-asa ----- ng nakapanghihilakbot na takot...

Sandy

What the F is goin' on? Bakit ba ako napunta sa sitwasyong ito? Sumama ako kina Carmela dahil buong akala ko vacation grande ang peg namin sa kanila but, oh my G!!! Stress lang to the highest level ang humantong sa amin and all thanks to the ancient bitchy witch whose name is SEREFINA with a capital S as in snake. Kainis buong akala ko tapos na ako kay tita Bing pero bakit ganito, mas malala pa ang kinakaharap ko?!

I so like hate my life right now! Ene be yen, men! Ang saklap talaga ng buhay ko evah, pero come what may, I will stick with my friends kahit na ba aFreddie Aguilar na aketch. Kidding aside, natutuwa ako kasi nag-Douglas MacArthur na si Rhei pati na rin si Alejandro. Hindi ko nga alam why parang nabunutan ako ng malaking tinik upon seeing him. I feel relieved though the cause is unknown but there seems to be something within me that keeps on pulling the strings of my subconcious. Ewan ko ba ngunit parang nakita ko na ang scene na ito before parang deja vu ba. Ugh, masasabunutan ko si Ash eh! Kainis naman kasi yung anemic na guyabanong baklang iyon kung makatili kaninang bumangon si Alejandro from the glass coffin eh daig pa ako. Geez, boys nowadays, tsk!

Parang Long Weekend peg namin ngayon, yung Thai Movie na kinababaliwan ni Jaime bago kami pumunta tumulak rito kina Carmela. Nagpalinga-linga ako to make sure my friends are okay. Sana nga walang makaihi sa pants nila kasi naman eh! Nakakatakot itsura ni Serefina...

"Sandy," may boses na tumatawag ata sa akin a-at kaboses ni tita Bing! Oh nose...

"Sandy lingon ka sa kanan mo," yan na naman yung boses and parang nang-aakit na sundin ko ito plus the voice is so sickly sweet, making me puke my dinner. Lumingon nga me to my right and its the biggest mistake I have done mas malala pa sa pag-eexist ko...

 Lumingon nga me to my right and its the biggest mistake I have done mas malala pa sa pag-eexist ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Bride Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon