EPIC-LOGUE

1K 24 3
                                    

Ang araw na kinasasabikan! Oo ito ang pinakasasabikang araw upang maunawaan ang lahat-lahat. Nag-umpisa ang pagtatapos sa isang sulating nakaframe. It looks new but we know, everything is alright.

LARAWANG KUPAS

Ang larawang kupas ay isang banaag ng nakaraan,
Di malimot, di mawaglit sa 'ting mga kaisipan.

Ngiting nakapaskil, mga mata na tila ba'y nangungusap,
Tila palasigmuan tungo sa mithing alapaap!

Kumupas man panahon, lumipas man tayo,
Ay di mawawaglit awiting sinta ng puso.

Maglaho man ako sa mundong patuloy na umiinog,
Larawang ito'y maiiwan tanda ng awit ng pag-irog!

Lumamlam man ang langit, o magunaw man ang daigdig,
Pagsinta ko'y di mawawala at patuloy na nakatindig.

Gawin man nilang tayo'y paghiwalayin ngayon,
Makakaasa kang bukas, tayo pa rin habang panahon!

Sinta, iyong masdan sanlaksang bituin sa kalangitan,
Kumikislap, lumiliwanag sa sankatauhan.

Ngiti mo'y gabay sa tuwing ako'y nawawalang pag-asa,
'Pagkat ikaw ang syang saya ng pusong balisa!

-Alejandro to Rhei

Napapangiti ako sa tuwing maalaala ang kinahinatnan ng lahat ng mga pangyayari noong nakaraang taon. True, kundi ko lang kinulit mga kaberks ko na magbakasyon sa probinsya namin, none of these things would have happened but still, I will never regret a thing.

Muli kong binalik ang tingin ko sa tulang naka-frame. Mataman ko itong tinitigan, pilit na inuunawa ang kahulugan ng bawat saknong na isinulat ng dalawang taong nagmamahalan magkaiba man ang panahong kanilang kinagisnan. Love really knows no boundaries.

"Lalim naman ng iniisip ng honey ko," biglang paglitaw ni Dan.

Napangiti ako sa kanya. Dan has matured since then...marami ang nagbago matapos naming makasagupa si Serefina.

"Wala lang, hon, but I still can't believe that we went through all of it," makahulugan kong pahayag, "nasaan pala ang iba?"

"Nasa library," tipid nyang sagot at hinila na nya ako tungo sa kinaroroonan ng lahat. Mahaba ang pasilyong aming binabagtas at bawat dingding sa hallway ay punum-puno ng mga larawan ng mga taong sumulat sa aming tadhana. Nasa dulo ng pasilyong yaon ang library, and when we entered it, everyone is already there mukhang kami na lang ni Daniel ang hinihintay.

Masaya ang bawat isa and at last, Jaime and Ash finally realized how each other matters to them ngunit kahit ganito kasaya ang kinahinatnan ng mga pangyayari ay may bahid pa rin ng kalungkutan.

Exactly a year ago, nawala na nga ng tuluyan ang salot ng bayang ito ngunit kasama ng pagkapuksa nya, ay isang kaibigang lubos naming minahal.

"Don't cry, hon, negative emotions are bad for our child," masuyong bulong ni Dan as he hugs me from behind. Napangiti na lamang ako sa mga gestures of love nya. Everyday nya kaya akong pinakikilig!

Isang taon na ang nakakalipas simula ng maganap ang bangungot na aming nasaksihan. Pilit man naming ibaon sa limot ang lahat-lahat, ay di mawawaglit sa aming kaisipan si Sandy. She gave her life as a sacrifice just so we are saved. Kahit ganoon sya umasta, ay alam namin ang pinagdaanan nya in the hands of her aunt. Tragedy strikes us whenever we least expect it.

Iginiya ako ni Dan paupo sa isang silyang tumba-tumba malapit sa portrait ni Doña Pacencia. I stared at her blind yet smiling eyes at napangiti na rin ako.

I gaze around me lingering my stare on my friends as they chat away the time. Jamie and Ashton has been in a relationship for almost a year now. Finally they have worked the guts to tell each other how they do really feel. Mas matamis pa nga sa asukal kung maglambingan yang mga yan eh! Pero maya't maya rin ay nag-aaway on trivial things just like right now...

"Shut up, you buffoon!" Jamie snarled at Ash, "PDA is not in our contract," giit nito.

"Jamie, loves," Ash said endearingly, "kahit isang peck on the cheek?" hirit pa ng mokong kaya naman ayun, nasampal ng di oras. They are a comic relief indeed!

Biglang bumukas ang pinto ng library and in came Rhei and Alejandro! Both beaming at everyone in the room.

Agad-agad naming sinalubong ang mga bagong dating. Excited chatter fills the silent room and soon our feet are whisk away towards the secret room beneath the house.

Katahimikan ang namayani sa buong grupo habang pumapanaog kami sa dating himlayan ni Alejandro. Gaya ng dati, ay nabungaran namin ang isang madilim na silid na ang tanging tanglaw ay isang kandilang itinulos sa isang lapida.

Nagpatiunang lumapit sina Rhei at Alejandro. Dala ng bawat isa ay mga bulaklak at kandilang ibibigay sa namayapa, kalakip ang kanya-kanyang panalangin na sana ay matahimik na si Sandy wherever she is.

Taimtim ang bawat isa habang umuusal ng dalangin sa Ama ukol sa yumao ngunit isang tikhim ang narinig at nagpagulat sa aming lahat.

Rinig ko ang bawat yabag ng taong tumikhim na palapit sa amin hanggang sa isang tinig ang nagwika.

"Isang taon din ang lumipas, at naganap ang dapat maganap," ani ng tinig, "ngunit kailangan na nating iwanan ang nakaraan sa nakaraan upang tayo'y makarating sa isang bukas na puno ng pag-asa," pagpapatuloy pa nito.

Lumingon ako sa aming likuran only to see lolo Fidel in lolo Gustavo's body smiling at us.


Pumanhik na ang lahat at iniwan ang isang bangungot upang mapaghandaan ang isang bukas na puno ng pag-asa.

Dan and Carmela have a girl and they named her Sandy Edelweiss. Jamie and Ashton has planned to marry each other on the coming year meanwhile, Rhei and Alejandro are rekindling the sparks of eternal fiery love.

All I can say is that each one obtained their happiness in the end.#

The Bride जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें