u n c n s r d 07

50.6K 2.1K 430
                                    

u n c n s r d 07

"Mula sa leeg, bumaba ang tingin ko - natigil sandali - at inakyat ulit."


Sumama ang tingin sa akin ng babaeng katapat ko. Bumubulong din siya sa akin na gawin ko na at pinagtitinginan kami ng mga nasa paligid.

Gagawin ko ba?

Saan?

Tumingin ako sa leeg ng babae, doon din ba? Mula sa leeg, bumaba ang tingin ko - natigil sandali - at inakyat ulit.

Napapikit ako at napailing.

Ano ba 'tong napasok ko? Kung hindi ako nagpunta rito, eh di ang himbing sana ng tulog ko.

Kinakabahan na talaga ako. Pinagpapawisan at nag-iinit. Nakng, nakakakiya! Pikit mata akong lumapit sa babae at lumapit sa gilid niya saka bumulong.

"Ate, pasensya na. . ."

Sa tainga ko siya dinilaan.

Gusto ko na atang mamatay.

Naghiyawan ang iba pa nang doon na napunta ang atensyon. Mas lumakas nang si Sir Marco ang gumawa kay Sinteya ng larong ito.

Laro nga ba 'to?

Inalog ulit ng nagsalita kanina ang phone na hawak saka ngiting-ngiting nagsalita.

"Girls should. . ."

Nagkatinginan kami ng babaeng kaharap na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.

". . .kiss heavily. . ."

Ngumiti ang katapat ko.

". . .nipples."

Napalunok ako.

Tumingin ako kay Unica na kausap ang long hair niyang kapartner. Nagtatawanan pa sila na parang may sariling mundo. Nagsimula na ang ibang babae sa laro. Dahil nakasando ako, tinanggal nila ang pagkakatali ng panyo sa mga kamay ko. Pinilit nilang tanggalin ang suot kong pantaas kaya wala akong nagawa.

Pero bago pa matali ulit ang mga kamay ko sa likuran, napatingin ako kanila Unica.

At nakita ko ang ngiting kakaiba ng long hair.

Hindi ko pinansin ang tawag sa akin nang humakbang ako palapit kay Unica. Bago pa niya ilapit ang mukha sa dibdib ng lalaki, hinigit ko ang braso ng lalaki palayo sa kanya.

"Hey!"

Inalalayan ko agad si Unica dahil muntik siyang masubsob.

"Ano ba!"

Hinawakan ko ang balikat ni Unica.

"Tama na 'yan."

"Anong tama na?" Sumimangot siya. Nagdikit na pati dalawang kilay.

"Lasing ka."

Hinatak ko siya palayo sa laro pero hinatak niya ang sarili niya para makaalis sa hawak ko.

"Wow, thanks captain obvious."

Nagulat ako sa malakas niyang pagtulak kaya muntik na akong mapaupo sa sahig. Natungkod ko ang kamay ko para hindi tuluyang bumagsak. Nanlaki ang mata niya at agad akong tinulungan para makatayo nang maayos.

"Sorry!" sabi niya. "Napalakas ata, sorry!"

Napahinga ako nang malalim pero naramdaman ko na talaga ang bwisit. Tinanggal ko ang hawak niya sa braso ko at umiling. Nakita ko pang ngumisi sa akin 'yung long hair bago ako dumiretso sa resort house. Wala na akong paki sa paligid pagkakuha ko ng bag para umalis.

Uncensored (on indefinite hiatus, read at your own risk.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon