u n c n s r d 12

60.3K 1.9K 641
                                    

u n c n s r d 12

"Hindi talaga ako binibigo ng kalikasan."


Ano ba ang inaasahan sa roadtrip? Ang nasa isip ko ay kwentuhan, asaran, ingay at sound trip. Tipong may korning kanta na pangluma, pero kahit korni, sasabayan ng lahat kasi kabisado ang lyrics. 'Yong nakabukas ang bintana tapos ang lakas ng tugtugan. Maingay. Enjoy.

Nakaka-excite.

Pero anong bumungad sa akin sa araw ng inaasahang roadtrip ng 12 hours?

Tawag mula sa babaeng gangster nang alas tres ng madaling araw.

Alas. Tres.

Madaling. Araw.

Nakng, sinong matinong babae ang tatawag nang alas tres nang madaling araw?!

Hilong-hilo pa akong sinagot ang tawag. Sumali sa sakit ng ulo ko ang sakit sa tainga dahil sa sigaw ni Unica sa kabilang linya.

"Hoy!"

Hindi nakakatuwa.

"H-Hello? Bakit?" ngarag kong sagot. "Hindi ba makakapaghintay 'yang tawag?"

"Hello?" Mas lumalim ang boses niya sa telepono. "Sino 'to?"

Napakunot ang noo ko.

"Uh. . .Chino?"

"Weh?"

Napadilat ako sa narinig at napangiwi sa ilaw ng phone ko. Nakakasilaw! Ang dilim-dilim pa sa buong paligd. Gustong-gusto ko pa matulog.

"Bakit ka ba napatawag?"

"Di nga? Ikaw nga 'to? Ows?"

Bumuntong hininga ako. "Kung ito lang tatanong mo kaya ka napatawag, bababa ko na 'to. Matutulog pa ako."

"Sungit naman," sabi niya. "Pero wow. Ganyan pala bed room voice mo?"

Nagtaka na ako sa sinasabi niya.

"Bedroom voice?"

"Ang gwapo."

May kung anong parang sumuntok sa dibdib ko dahilan para magising ako nang tuluyan. Napatingin ako sa screen â babaeng gangster â sinabi ba talaga niya 'yon? Napahinga ako nang malalim.

"Anyway! Excited ka na ba? Mamaya na 'yun, ha! Nakapagready ka na?"

"Sigurado ka bang 'yan lang ang tinawag mo?"

"Ha? Bakit? Oo naman? Ano pa bang dahilan para tawagan kita? Para marinig gwapong bedroom voice mo?" Tumawa siya pero hindi ko na pinatapos.

Aga-aga, pinagtitripan agad ako.

"Goodnight."

Binabaan ko siya ng tawag at nag-airplane mode saka pumikit para makatulog ulit.

Hindi na ako nakatulog pa ulit kaya ngarag ako nang magpunta sa MRT Kamuning station kung saan kami magkikita-kita. Nahiya pa ako dahil medyo late ako nakarating. 4 ang usapan pero 10 minutes late ako.

Pero ayun pala, ako pa rin ang nauna sa kanila.

Naghintay pa ako ng tatlumpong minuto bago dumating sila Unica at Deus. Ang una kong napansin ay si Unica â at kung paano niya dalhin ang shorts na lumagpas lang sa tuhod ng dalawang pulgada at simpleng shirt. May malaking backpack sila ni Deus at may hawak na tig isang black bag.

"Uy, ang aga mo, ah," sabi sa akin ni Unica.

Tiningnan ko ang oras. 4:40 na. Usapan 4. 5 ang alis ng bus.

Uncensored (on indefinite hiatus, read at your own risk.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon