u n c n s r d 10

58.2K 2.1K 922
                                    

u n c n s r d 10

"Sama ako minsan para threesome na."


Sa amo ng mukha ni Unica; medyo chinita, mukhang malambot na pisngi at maliit na labi - hindi ko naisip na naninigarilyo pala siya. Sabi kasi kapag naninigarilyo, umiitim ang labi - mapula ang kanya. Kung tutuusin din, dapat hindi na ako magulat. Ang dami nga niyang hikaw sa tainga at siguradong marami rin siyang tattoo sa tagong parte ng katawan - pero ewan.

Ang amo kasi talaga ng mukha niya, hindi makabasag pinggan - kung hindi mo kilala.

O kaya naman hindi narinig 'yung boses.

"Sigurado ka bang ayaw mo ng yosi?" tanong niya sa akin. Sumandal siya sa pader. "Kung makatingin ka sa stick ko, parang kakainin mo na, eh."

Medyo nauubo ako sa amoy ng usok pero mas pipiliin ko namang sumamang lumabas ng Sev's Café sila Unica at Deus kaysa manatili sa loob. Wala akong kakilala doon, eh.

Kumpara sa labas, mas maraming tao sa loob. Nanonood ng mga sumunod na set.

Bumuga muna ng usok mula sa sariling stick ng sigarilyo si Deus. "Hindi lang sanay sa'yo 'yan, baka akala maria clara ka. Mahinhin, maalalahanin, makapamilya. . ."

Nginisian ako ni Deus.

"Yuck!" Ngumiwi si Unica. "Pero ang dami ngang nagsasabi niya. Akala nga nila hindi ako nagmumura. Putangina, di ba. Mukha ba akong mabait."

Oo.

Medyo.

"Hindi," sagot ko.

"Wow!" Tumawa si Unica. "Magsinungaling ka naman kahit kaunti. Fishing for compliments kaya hinahanap ko."

Ngumisi ako.

Tumawa si Deus at nagpakawala ulit ng usok. Nakapa-O ang bibig niya nang sunod-sunod na lumabas na usok sa bibig niya. Humanga dahil parang ring 'yung usok - parang donut - bilog tapos may butas sa gitna.

Tinulak siya ni Unica. Nag-O din ng bibig si Unica nang bumuga nang usok pero umubo lang siya. Lalong lumakas ang tawa ni Deus.

"Fuck. Hindi ko talaga magawa."

Mukhang nang-asar pa si Deus dahil inulit niya ang pag gawa ng donut na usok.

"Isa pang ganyan mo papakain ko sa'yo 'yang usok."

"Bitter amputa," natatawang sabi ni Deus. Nag-isang hit pa siya bago kinaskas sa pader na sinasandalan para patayin ang apoy. Tinanguan ako ni Deus. "Bakit ka nga pala sumama sa amin?"

Tumingin ako kay Unica na panay ang ubo sa gilid. Pinipilit niyang gawin 'yung ginagawa ni Deus. Obvious namang hindi niya kaya.

"Nabigla rin ako, eh. Dapat mag Sinangag Express lang kami sa Pedro Gil."

Lumawak ang ngiti ni Deus. "Ah, seryoso? Nag-sex na pala kayo? Sama ako minsan para threesome na."

Sa itsura niya, mukhang iba na ang iniisip niya.

Ngumiti ako na naging ngiwi at dahan-dahang tumango. Magkakaibigan nga talaga sila. Nakakaloko. Napabalikwas ako nang may mabigat na kamay na humawak sa balikat ko. Paglingon, para akong na-starstruck sandali. Yung nag-spoken word kanina tungkol sa pagiging bata. UP CLOSE!

Nabigla si Unica nang kuhanin ng lalaki ang sigarilyo sa kamay niya at umihip doon. Hindi ko naman mapigilan ang pagtawa nang itulak ni Unica ang lalaki at pinagmumura nang gumawa rin ito ng donut na usok.

Uncensored (on indefinite hiatus, read at your own risk.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon