u n c n s r d 28

50.1K 1.7K 694
                                    

u n c n s r d 28

"Sa sobrang sanay ko sa patag, hindi ko alam kung paano kikilos sa apakang hindi ako sigurado."


Nginitian ako ni Mari Solei – di, ni Aris. Si Aris na siya ngayon simula nang grumaduate siya ng highschool. Napapansin kong pagtawag niya sa sarili ng Aris ang paraan niya para makalimot sa nakaraan. Bagong buhay. Pero alam kong kahit saang anggulo tingnan, siya pa rin 'yong babaeng nakilala ko noon. Naging crush ko unang araw pa lang na makita ko siya sa simbahan. Sa simple niyang pananamit, sa mga mata niyang hindi sinasadyang mang-akit, at sa ngiti niyang ginusto kong alagaan.

Kailan pa ba huli naming tinginan nang ganito? O tingin ko sa kanya nang ganito? Ilang buwan na rin akong parang nawala sa kanya, pero ito siya ngayon – nakangiti sa akin. Pinapaalala ang dahilan bakit ko ba siya nagustuhan sa umpisa pa lang. Inabot niya ang kamay ko at saka inilapit sa pisngi niya. Pinakiramdaman niya. Kinabahan ako.

Nanlaki ang mata ko nang halikan ni Aris ang palad ko.

Tapos nakaramdam ako ng sakit. Sa ulo ko.

Paglingon, malabo pa noong una ang paningin ko. Hanggang sa unti-unti itong luminaw at nakita ko ang pamilyar na singkit na mata.

"Unica!"

Napabawi ako ng kamay ko sa hawak ni Aris. Inilapit ni Unica ang mukha niya sa akin saka kumunot ang noo. Napahawak ako sa noo nang katukin niya 'yon. Sobrang lakas.

"A-Ano ba—"

Sumimangot siya. Napangisi ako. Parang nagpapa-cute. Nang kakatukin niya ulit noo ko, umiwas ako. Pero ginamit niya ang isa pang kamay para itulak ang buo kong katawan. Hindi malakas ang impact, alam ko, pero nahulog ako. Napahiga. Nilingon ko ang paligid, nawala si Aris at tanging si Unica lang ang nandoon sa dilim. Dumapa siya, gumapang sa ibabaw ko, at saka dumagan sa akin. Inilapat ang ulo sa dibdib ko habang nararamdaman ko ang binti at paang nakapulupot sa binti ko.

"Sinong sinisigaw nito?"

"Ha?"

Kinatok ni Unica ang dibdib ko. Napapitlag ako nang may malakas na kabog sa buong kadiliman. Napatingin ako sa kanya. Nagtaka ako. Bakit parang naglalaho siya? Kumatok ulit siya sa dibdib ko. Saka inilapat ang tainga sa dibdib ko.

"Sino ba 'yong nandito?"

Isang katok. Isang kalabog sa kadiliman. Hanggang sa napadilat ako.

"Unica!"

Napaupo ako bigla sa mukhang nakasilip.

"Tangina!"

Napahawak ako sa noo ko sa sobrang sakit. Parang binibiyak ang ulo ko. Si Unica naman, napahiga sa sofa. Panaginip? Na naman? Pero hindi. . .totoo na 'to. Nagkauntugan kami. Bigla kong naalala si Gio.

"Shit! Sakit ng ulo ko! Aray, aray, aray!"

Napahiga si Unica sa sofa, nakahawak sa ulo. Paglingon ko sa tabi kong nasa sahig, nagising si Amari. Napahawak ako sa tiyan ko. Nakayakap ba si Amari sa akin kanina? Pagtingin ko sa baba, napatakip ako sa gitna. At napaiwas dahil nakayakap ang binti ni Amari sa akin. Paglingon ko sa paligid, may ilang natutulog. Si Herq, nakahiga rin sa sahig sa kabila. Hindi pamilyar 'yong lugar. Anong nangyari? Nasaan ako?

Nakng, BAKIT NAKA-BOXERS LANG AKO?

Hinanap ko agad 'yong damit ko pero wala. Anong nangyari? Bakit nandito ako? At bakit. . . napatingin ako sa kanang braso ko. May drawing ng bulaklak. Rosas. . . Namamaga. Kinabahan ako agad. Lalong sumakit ang ulo ko nang pindutin ko 'to at napa-aray ako sa sakit. Sinubukan ko ulit hawakan para burahin.

Uncensored (on indefinite hiatus, read at your own risk.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon