u n c n s r d 27

50.4K 2K 1.1K
                                    

u n c n s r d 27

"Mahilig ka palang mag-inom, ano? You don't look the type, ah. Infairness."


"Naiihi ako."

Nakatitigan pa muna kami bago siya tumayo. Automatic na napahawak ako sa kanya, kaliwang kamay niyang malamig ang naabutan ko para higpitan ang hawak.

"Uy, teka."

Tinanggal niya pagkahawak ko sa kanya saka inulit ang kaninang sinabi.

"Naiihi ako."

Lumabas siya ng kwarto ko. Napatitig lang ako sa pinto hanggang sa tumingin ako sa mga kukong nakakalat dahil sa paggupit. Nilinis ko 'yon. Nahiga sa papag, naghihintay ng pagbalik ni Unica sa kwarto para matulog. Hindi pa natatapos ang paggupit ko - hinliliit pa.

Pero di na siya bumalik. Ni hindi ko nga narinig yabag ng paa niyang bumaba, o pagbukas at sara ng pinto ng CR, o di kaya pagbukas ng gripo at ragasa ng tubig. Tahimik buong gabi pagkaalis niya ng kwarto. Naglaban pa ang utak ko kung bababa ako, hahanapin siya - baka mag-sorry sa pagtatanong, pero nilabanan kong huwag na.

Baka hindi niya gusto ang mga ganoong tanong. Na-curious lang ako - sa kulot na kumag, doon sa singkit na mayaman na kinantahan siya. . .sa lahat. Tungkol sa kanya.

Pumikit ako. Nakatulog, hindi ko sigurado kung paano dahil sa ingay ng utak. Sa gitna ng bigat ng pakiramdam, napadilat ako nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at tumambad si Unica, suot ang damit ko. Magsasalita sana ako pero hindi ako makapagsalita. Babangon, pero wala pa rin. Nahiga siya sa kama ko kaya tumitig lang ako sa kisame. Narinig kong umusog siya, gumalaw, kumilos - hanggang sa tumingin siya sa akin mula sa kama na parang bata, tinatakpan ang view ko ng kisame.

Alam ko sa sarili kong nagtanong ako ng, 'bakit' pero hindi siya sumagot. Tumitig lang si Unica. Kaya tumitig lang din ako, nakakunot na ang noo. Sinuot niya ang salamin ko sa akin. Hindi ko sigurado kung saan niya 'yon nakuha. Saka siya ngumiti.

Napangiti ako sa ngiting 'yon - hindi siya mukhang babaeng gangster.

Nakatitig lang ako hanggang sa napansin kong lumalapit siya sa akin. Yong mukha niya sa mukha ko. Palapit nang palapit. Na para bang hahayaan niyang mahulog sa kama para lumapit sa akin na nakahiga lang sa papag. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. At para akong kinuryente nang dumapi ang labi niya sa tuktok ng ilong ko. Kinilabutan ako.

Napakurap ako.

Nawala siya.

Nararamdaman ko pa rin yong kung ano sa ilong ko. Pinalis ko yon. Pero nararamdaman ko pa rin. May kung ano talagang nakakakiliti, eh. Ginalaw-galaw ko ang pisngi ko. Suminghot - na-atching. At napadilat ang mata.

Unang bumungad sa akin ang mukha ni Gio, mula sa kama ko, tinatakpan ng pagmumukha niya ang kisame. Naalimpungatan pa ako at naaasar na dahil balahibo pala ng manok ang nararamdaman kong kiliti sa ilong ko. Marahas kong kinuha ang balahibo saka tumawa si Gio.

"'No, musta wet dreams?"

"Ha?"

Tumango siya sa bandang paanan ko. Pagtingin ko sa gitna, agad akong napabangon at tinakpan ito ng unan. Napa-aray pa ako dahil nagkauntugan pa kami ni Gio sa pagmamadali.

Tawa siya nang tawa na nasa kama ko.

"Sumasaludo, ah."

Nilingon ko paligid ng kwarto. Wala si Unica.

Panaginip. Panaginip. . . Panaginip lang.

"Ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko?"

Naka-indian sit siya sa kama ko saka lumungkot ang mukha. "Umalis kasi si Unica."

Uncensored (on indefinite hiatus, read at your own risk.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon