u n c n s r d 29

40K 1.9K 675
                                    

u n c n s r d 29

"Hinahanap mo ngayon ang hindi naman nagpapahanap? Anong ibig sabihin n'un?"


Bago magsimula ang proyekto ng student council na radio booth, napag-usapan na namin ito. Noong nakuha ako bilang DJ at nakumpleto kaming mga magsasalita, nagkaroon ng meeting. Isa sa mga checklist of goals namin ay ang mag blow up ang radio booth. Pag-usapan. Gamitin ito at kuhanin ang tiwala ng mga estudyante. Isang entertainment na sineseryoso.

Ginawa nga rin ang school files sa Facebook at Twitter para sa radio booth – para kapag hindi makakausap sa live, pwedeng isulat na lang ang announcement doon. Naka-anonymous. Naka-tweet. Naka-dm.

"Gusto ko maging huge ang radio booth natin," ang mga salitang binitawan ni Ms. President, pang pep talk. "Pinag-uusapan."

Sabi nga nila, mag-ingat sa mga gusto, baka magkatotoo.

"Shit. Shit. This is not happening. Shit."

Paulit-ulit ang marahas na pagbulong ni Pres. Kahit si Love na taga tanggap ng call para sana sa advice corner, hindi na mapakali sa dami ng tawag na dumadaan. Sa sobrang panic, pinatay na niya 'yong mga cellphone.

"Anong gagawin natin. Shit."


Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat 
Nasa 'yo na ang lahat 

Pati ang puso ko...


Nakatahimik lang ako. Kinakabahan. 

Gusto kong palitan ang kantang na-play pero huli na. Hinayaan ko na lang.

May tumawag kani-kanina lang. Si J. Law. Akala ko tulad ng dati, mangungulit lang kay DJ Andro. May iba pala siyang pakay.

Alam ko kung sino ang sino sa sinabi niya. First hand kong nakita 'yon. Professor God? Kasalanan? Sigurado akong sinasadya ng taong 'yon na obvious ang code names para mahalata. Gusto ko ring mag-panic, ako ang kausap ni J. Law, kaya pakiramdam ko ay kasalanan ko.

Masyadong mabilis ang nangyari. Ang pagsasalita niya. Ang lahat.

Huli na bago ko pa matigil ang tawag at nakapagpatugtog ng kanta. Nasabi na ng J. Law na 'yon ang halos lahat ng kailangan para gumawa ng kumosyon  sa school gamit ang radio booth.

Isang malaking issue. . . na alam ko. . .na dapat hindi lumabas.


Lahat na mismo nasa 'yo 
Ang ganda, ang bait, ang talino


"Pres, University Files is blowing up. Big time," sabi ni Love.


Inggit lahat sila sa'yo 

Kahit pa tapat man kanino


Tiningnan namin 'yong screen ng computer na nandoon ang University Files. Dinelete na namin ang photo bago pa kumalat pero marami pa rin ang panay ang post ng photo. Marami nang naka-save. Huli na. Kumalat na rin sa twitter. Nagkaroon pa ng hashtag. At hindi na lang isang litrato ang lumabas – marami, mga stolen shots. Mga 'witness' at nagsasabi ng napansin nga nila 'yon.

"Delete niyo lahat. Delete!"

Nag-suggest si Love, "i-deactivate kaya natin 'yong page?"

"We can't!" sabi ni Ms. President. "Kapag ginawa natin 'to, mawawala ang radio booth. Mawawala lahat ng pinaghirapan natin. Siguradong ipapa-shutdown na ito ng mga prof like they always wanted to."

Uncensored (on indefinite hiatus, read at your own risk.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon