u n c n s r d 32

55.8K 1.9K 1.2K
                                    

u n c n s r d 32

"Ito na ata ang ultimate road trip sa Pinas."


Ilang beses nang nagva-vibrate ang cellphone ko pero hindi ko pa rin tinitingnan. Ilang beses na ngang napapatingin sa akin ang katabi kong si K, titingin sa bulsa ko, sa mukha ko - tapos babalik sa gawain niyang tumitig lang sa harapan. Nahiya na nga ako kaya inalis ko ang phone sa bulsa at tumitig sa screen.

Tumatawag si Mark.

Kani-kanina, si Adam.

Nauna si Jethro.

Si Sandy, tinadtad ako ng text.

Hanggang gabi, tumatawag sila.

"Hindi mo sasagutin?" tanong sa akin ni K habang nakatingin sa kawalan.

"Ang alin 'yon?" Lumingon sa amin si Amari na nakaupo sa tabi ng kabilang bintana, pinapagitnaan namin si K.

Umiling ako. Kinancel ang call. Pinatay ang phone. Diretso lang ang mukha ni K. Walang kahit anong reaksyon.

"Napaka chismosa talaga ng isang 'to," sabi ng nasa likuran na si Jax. Malakas ang trip nitong si Jax at madalas pansin kong madalas niyang kulitin si Amari sa ilang minuto namin dito sa FX ni Deus. Ilang beses nang nangangalabit ng ulo, nangungurot o nanghahawak ng tainga.

"Ano ba! Get your filthy finger off me!"

"Amari," sabi ni Deus at nilingon kami. "Bastos. PG lang tayo rito, oy."

Nagtawanan kami pero ang pinaka natawa ay si Jax na ilang minuto pa bago natapos sa pagtawa. Tapos pinagtripan na naman si Amari.

"Jax, stop it!"

"Umi-english si ategirl," natatawang sabi ni Pja na nakaupo sa likuran ko, katapad ni Jax.

"IKR, para mukhang sosyalin at yayamanin."

"Sus, buti pa 'tong si Unica, chill-chill lang kahit pwede na niyang bilhin kaluluwa nating lahat," sabi ni Deus na palipat-lipat ang tingin kay Unica at kanila Amari. Halos mabali na ang leeg dahil nasa harapan siya.

"Posera kasi 'yang si Amari," sabi ni Unica habang nakangisi na nagda-drive.

Akala ko noong umpisa, mahihirapan akong makasali sa trip nila. Intact na silang magkakaibigan at tanging nakakausap ko lang ay sina Herq, Deus,Unica at minsan si Amari. Pero hindi mahirap pakisamahan ang mga 'to.

Pati pamilyar na sa akin sina K, Bob at Pja.

Si K, naaalala ko siya sa mga skateboard session nila Unica. Biker. Hindi ko pa siya nakakausap noong nagkikita kami dati dahil sobrang tahimik niya at hindi ko rin alam paano ko siya kakausapin. Akala ko nga galit siya sa akin pero tahimik lang pala talaga.

Kilala ko rin si Bob dahil lagi silang magkasama ni Herq. Madalas din niya akong bigyan ng brownies kapag nagkikita kami. Kung si K, biker. Siya, baker. Mukhang kasundong-kasundo ni Herq dahil para rin silang may sariling mundo sa likuran ng FX.

Habang si Pja - hinding-hindi ko malilimutan dahil sa buhok niya. Kulay blue. Matingkad na blue. May nose ring siya at malaking tunnel sa tigkabilang tainga. Mas nakakatakot siya kaysa kay Unica. Parang mangangain.

Pero mabait.

At si Jax. Pamilyar siya hindi dahil tropa siya nila Deus kundi dahil nakikita ko siya sa school. Schoolmate namin siya ni Unica. Kilala ko rin siya dahil madalas din niyang kasama 'yong lalaking kulot na kumag na tumatambay sa walls.

Uncensored (on indefinite hiatus, read at your own risk.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon